~~~
~~~~~~~
~~~~~~~~~~
Nag hihintay si Calista mag-isa kay Cassiopeia, isang oras ng lumipas ng nakarating siya sa mundo ng mga diwata at hindi parin makapaniwala ang dalaga kung gaano kaganda at mabuhay ang mga paligid, nakaupo si Calista sa isang malaking bato habang nakapaligid sakanya ang mga puno. Subalit siya'y nagulat ng bigalang may liwanag na bumaba galing sa itaas, at ang kahalo nitong malakas na hangin. Mabilis na tinakpan ni Calista ang kanyang muka gamit ang kanyang kamay, nais na makita man kang kung ano ang ngyayari
Ilang segundo ay onti onti itong huminahon mula sa liwanag at hangin. Binuksan ng dalaga ang kanyang mga mata at kinagulat niya kung sino ang bumungad
" Ama! " Sigaw ni Calista dahil sa kanyang saya na maramdaman, mabilis na tumayo ang dalaga at tumakbo sa bisig ng kanyang ama. Bumaba ang Bathalumang si Emre para lang makita niya na muli ang kanyang anak, isang malaking ngiti ang lumabas sa labi ni Calista habang yakap-yakap niya ng mahigpit ang kanyang ama
" Ikaw nga! " Dagdag niya at lumayo upang makita ang nagniningning nito'ng muka.
" Maligayang pag balik sa iyong tahanan, aking anak " Saad ni bathalang Emre saba'y sa pag hawak ng dalwang kamay ni Calista
" Naparito ako dahil may importante akong ibibigay, at alam mo rin na hindi ako mag tatagal dito sa lupa ng mga diwata " tuloy ni Emre, hindi mapigilan ni Calista ang onting lungkot sa kanyang sarili na nalaman niya na ang kanyang Ama ay hindi pwedeng magtagal, ngunit alam ni Calista ang katotohanan kung bakit
" Ipikit mo ang iyong mga mata " Tugon ni Emre, tumango si Calista sa kanyang Ama at ginawa ang sinabi nito. Ipinikit ng dalaga ang kanyang mats at naghintay sa kung ano man ang mararamdaman nito.
" Ngayon, buksan mo ang iyong dalwang kamay "
At ginawa ito ni Calista, May naramdaman siyang mabigat, ngunit malamig na espada na ibinaba ng kanyang ama sa dalwa niyang palad. Ng buksan ng dalaga ang kanyang mga mata ay ikinagulat niya ang kanyang bagong suot na armas
Hindi niya na suot ang mga damit ng mga tao, kung hindi puti at pilak na armas ang kanyang kasuotan, itinaas ni Calista ang hawak hawak niyang espada at pinag masdan ito, ang espada ay nasa perpektong hugis at bigat, sa gitna nito ay May kumikinang na puting diyamente, kakulay ng kanyang kapangyarihan
" Ang iyong kapangyarihan at ang espada na hawak mo ay siya lamang na makakapag bagsak sa mga hadezar ni Arde. Kaya't ingatan mo at huwag mong ipamimigay ang espada Nayan kahit kanino man " Mag paliwanag ni Emre sakanyang anak. Tumingin sa itaas si Calista at ngumiti
" Ipinapangako ko ama, salamat dahil ako'y iyong binisita " Sabi niya at muling niyakap ang Bathlamuman, ng umalis na si Emre at bumalik sa Devas, naiwan muli mag isa si Calista hawak hawak ang espada sakanyang kamay
Calista Pov
Medyo bumibigat para sa'kin ang espada na niregalo saakin ni Ama, onti onti kotong inikot at nasanay hanggang sa handa na ako muling makipag laban. Ilang segundo ay biglang nagpakita muli ang aking Ina ngunit sa nabili nito ay dala dala niya ang katawan ng reyna na si Amihan. Dali dali akong lumuhod sa lupa at kinuha ang kamay ni Reyna Amihan
" Isa sa mga taglay ng iyong kapangyarihan ay ang makagaling ng tao. Hindi pa ito ang oras upang bawiin ni Amihan ang kanyang buhay! " Iyak ni Ina habang nagsasalita mula sakanyang isip, at dahil sa kanyang emosyon na maramdaman ay bigla ko agad naintidihan na hindi niya ito nakita sa kanyang mga pangitain, na sinakripisyo ng reyna ang kanyang sariling buhay. Agad agad kong ipinikit ang aking mga mata at patuloy na hinawakan ang malamig na kamay ng reyna
Binuksan ko ang aking labi at bumulong sa hangin.
Wala na akong inisip kung hindi tumutok sa aking kapangyarihan na mailigtas ang Reyna ng mga diwata.
Ilang minuto ay binuksan ko ang aking mata at nakita na magaling na muli ang mga sugat niya. " Kailangan nating dalhin ang reyna sa isang ligtas na lugar upang siya'y makapagpahinga at magising " aking paliwanag
Nguni't hindi nag tagal ay May nag lahong dalwang Sanggre, umiyak sila at bilis na niyakap ang katawan ng reyna, sa aking pag iintindi sila ay si Sanggre Danaya at Sanggre Elena.
Tumayo ako mula sa lupa at tumayo sa tabi ng aking Ina
" Huwag kayong mawalan ng pagasa, Danaya, Elena. Dahil naligtas ni Calista ang buhay ng iyong kapatid " Tugon ni Ina, na siyang agaw atensyon mula sa pag iyak ng dalwang Sanggre. Tumingin sila sakin na May halong pagkalito...
" A-ano ang iyong pagkasabihin Cassiopeia? Wala na si amihan! Binigay niya na saamin ang kanyang brilyante tulad ng kanyang sinabi bago siya mamatay " Iyak ni Sanggre Elena
" Ramdamin niyo ang puso ng inyong kapatid, ito'y magsisilbing katotohan " tuloy niya. At ginawa ito ng dalwang Sanggre at nag ka tinginan sa isa't isa
" Kailangan na nating dalhin si amihan sa Sapiro ngayon din! " Mabilis na pag sabi ni Sanggre Danaya.
" Ina! " Tumingin ako at nakita ang isang tumatakbong dalaga, siya'y May pag ka bata pa at lumuhod sa tabi ni Amihan na siya ring iniyakan ang Reyna
" Ina! Anong ngyari sa ina ko! " Iyak ng dalaga, tumahan si Danaya at nilagay ang kamay sa balikat nito
" Lira, wag ka ng umiyak, dahil binuhay muli ni Cassiopeia at ni Calista si Amihan " saad ng Sanggre at tumingin saamin, tumahan narin si Lira ng malaman na ligas si Amihan.
~
Isang mabigat na buntong hininga ang lumabas mula sa aking labi, nakatayo ako sa loob ng palasyo ng Sapiro, ito'y malaking palasyo kaya't masasabi ko na mabilis akong naligaw, subalit ako'y napahinto para lamang tignan ang kagandahang kaharian ng Lireo mula sa malayo.
Ng madala namin si Amihan sa Sapiro, pinagpasya ko ang mga diwata na mag hintay ng ilang oras o baka araw para magising muli ang Reyna, at sila'y iniwanan upang makapag isip narin sa nalalapit na pag salakay ni Hagorn sa palasyo. Ilang minuto ng katahimikan ay May narinig akong mabibigat na yapak sa sahig, kaya't ako'y tumalikod upang harapin kung sino man ito.
Nguni't sa aking pagkabigo ay naramdaman ko sa aking sarili ang pag tigil ng tibok ng aking puso, dahil ito'y walang sino man kung hindi ang Prinsipe ng Sapiro, Y'Barro
Nagkatinginan kami sa aming mga mata at hindi ko inaakala na ilang minuto na pala na kami'y nagkatinginan, una akong tumingin sa ibaba, at siya naman rin ay tumikhin
" Calista "
Ng marinig ko ang pag sabi niya saaking pangalan na unang pagkakataon ay hindi ko maitago ang pag pula ng aking mga pisngi.
" Prinsipe Y'Brahim " tugon ko rin at tinungo ko ang ulo, pagpapakita ng paggalang sa magiging bagong Hari ng Palasyo ng Sapiro...
********
Y'brahim is here!!!!!
YOU ARE READING
Calista | Encantadia
RomanceY'brahim X Oc X Muros Ng patayin ng mga Sanggre ang mga natitirang kawal ni Hagorn ay akala nila papayapa na muli sa Encantadia, ngunit nag kakamali silang lahat ng biglang bumalik si Hagorn kasama lahat ng Hadezar mula sa Balaak. Bilang Reyna at ta...