~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~
Pinanood ko ang Rehav na tanggalin ang kanyang saklob na armas at kinapit ito sa kanyang dibdib, hindi ko maintindihan kung bakit ganito kabilis ang pag tibok ng aking puso ng bigla nalang pumasok si Rehav Y'brahim sa isang silid na kaming dalwa lamang.
" Bakit ikay nag iisa lamang? " Tanong niya, hindi ko inaakala na makikipag usap siya sakin ng ganito, ngunit ako'y napangiti nalang sakanya
" Pinag mamasdan ko lamang ang kagandahan ng Lireo, pati narin sa iyong sariling kaharian, Rehav Y'Brahim " Sagot ko, napansin ko ang maliit na ngiting lumabas sa kanyang mga labi at sinusubukang takpan ito.
" Tawagin mo nalang ako Y'brahim, dahil hindi naman tayo'y estranghero sa isa't isa, hindi ba? " Tanong niya nama'y pag taas ng kilay, napatawa nalang ako ng mahinhin at tumango sakanya
" Siyang tunay " Dagdag ko habang tumatawa, at ito'y nag resulta ng pag ka laki ng kanyang mga ngiti sa labi, pinanood ko si Y'brahim na nag lakad palapit sakin, napa lunok nalang ako at tumabi sa tabi na siya ring inilagay sa ibaba ang kanyang saklob na armas
parehas naming pinagmasdan ang kapagiliran ng Encantadia, ang mainaman na hangin na siyang bumubuga saaming paraan. May ilang segundo ng katahimikan na nag-uugnay mula saaming dalwa ng prinsipe
At tila hindi ko mabura ang maliit na ngiti ko sa aking muka, dahil lamang siya ay nasa saaking tabi. Kahit sa mundo ng mga tao, hindi ko maiitatago ang ilan sa mga lalaki na nag kagusto sakin, at minsan ring hingin ang aking kamay. Nguni't para sa'kin at hindi ako handa, kaya't tinatapos ito sa isang pagtanggi sa mga lalaki. Sumabit ngayon ay nasa tamang edad na, at ngayon ako'y naninirahan na sa aking tunay na tahanan
Bakit tila ganto ang mararamdaman ng aking puso kay Y'brahim? Hindi ko naman maitatanggi ang kapogian sakanyang muka.
Ang magaganda at malalalim na kayumanggi na mata, na kahalong kulay ng kanyang mahabang buhok. Nawala ang pag-iisip ko nang mapagtantong nakatitig ako sa kanya, iniwas ko ang aking tingin.
Nguni't napatigil ang aming oras na magkasama ni Y'brahim ng May narinig kaming nag tumikhin saaming likod, kaya't kaming dalwa ay nakatalikod at May isang lalaki, na medyo maliit ang kanyang taas ngunit May isang malaking ngiti sa kanyang labi habang Naka tingin saakin
" Ah Clarista, hayan mo ipakilala ko ang aking sarili! " Saad ng lalaki na tila biglang itinulak sa tabi si Y'brahim para lamang maka harap ko, hindi ko napiling matawa ng binigyan ng masamang tingin ni Y'brahim ang lakaki pagtapos niyang gawin ito sakanya
" Ako nga pala si Wantuk, at ikaw ang pala pinaka magandang diwata na nakita ko sa balat ng lupa " pagtuloy niya at dahan dahan kinuha ang aking kamay at tila mag lalagay ng halik dito ngunit pinigilan siya ng hawakan siya ni Y'brahim sa leeg at ito'y tinabi
" Wantuk! " Saad ng prinsipe sakanyang kaibigan, habang si Wantuk naman ay binigyan ng masamang tingin ang Rehav at inayos ang kanyang saklob
" Anu bayan! Gusto ko lamang magpakilala sa diwata " pag pro-protesta ng mandirigma, tumawa ako ng tumawa sa pakikipag ugnayan nilang dalwa haggang sa hindi na namin naramdaman na May nag ivictius nalang diwani malapit saamin. Napatigil ang dalawang mandirigma kaya't ako'y hulit tumalikod upang makaharap ko rin sila.
Naka tayo si Lira, suot suot ang kanyang mahabang asul na damit at ang gintong gamit na Naka puwesto sakanyang ulo, katabi niya ay meron ding dalaga na parang ka-edad din ni Lira, siya'y May magandang morenang balat at matalas na mata, habang suot suot ang pulang damit. Ngumiti saamin ang dalwang diwani
" Mira, Lira, ano ang inyong kailangan? " Tanong ni Y'brahim sa dalwang dalaga.
" Ahh, nandito po kaming dalwa para po nag bigay sabi po sainyo na hinahanap po kayo nila ashti at Cassiopeia sa punong-bulwagan " sabi ni Lira, na siyang akin natandaan kanina, at ang kaisang-isang anak ng reyna ng mga diwata, ako'y tumango sa kanilang dalwa
" Salamat sa pag sabi saamin, mga diwani " Saad ko ng mahinhin at binigyan nila akong dalwa ng ngiti
" Gusto rin po namin mag pasalamat sainyo dahil niligtas niyo ang aming Ina, kung wala kayo, ay siguro, ang buong diwata at kami ay nag luluksa ngayon " paliwanag pa ng isang diwani na katabi ni Lira at ako naman ang napangiti
" Pati, ang ganda ng suot niyo ah! Infernes ngayon lang ako Naka kita ng buong puti ang suot! " Pag bibiro pa ni Lira at tumawa habang naman ang isang diwani ay nilibot niya ang kanyang mga mata, napa natanong nalang ako
" Tila hindi ata ako nag iisa dito na nasanay sa wika ng mga tao " Pag dagdag ko, at bigla nalang humirit si Lira at lumapit sakin
" Totoo ba? " Tanong niya na May halong pagkabigla sakanyang tono
" Di ka ba naniniwala, diwani? " Tanong ko po na ngumisi sa labi ng aking labi, tumawa si Lira at hinawakan ang aking braso bago niya ako hilahin palapit sakanya
" Mira, tamo oh! May makaka intindi narin sakin sa wakas! " Pag ga-galak na sabi ng diwani. Mahinhin aking napatingin at nag katinginan huli't kami ni Y'brahim sa aming mga mata kung saan siya ay Naka ngiti saakin, resulta ng pag pula ng aking pisngi
~
Ng nag lakad kami ni Y'brahim kasama si Wantuk sa loob ng punong bulwagan ay tumigin sila samin ng narinig nila kaming pumasok, ngumiti ako sa mga sanggre at lalo na saaking ina, lumayo ako sa tabi ng Rehav para tumayo sa tabi ng aking Ina, na siyang ngumiti saamin at nagbigay halik sa aking noo.
" Bukas pag sikat ng araw, lulusubin ng aking ama kasama ang kanyang mga hadezar sa Sapiro upang paslangin tayo " Pag Sisimula ni Sanggre Perena at kami'y tingin sa lamesa kung saan ay malaking mapa ng Encantadia ang Naka eskultura dito, kinuha niya ang maliit na simbolo ng Hathoria at nilapit ito kung saan nakatayo ang Sapiro. Napansin ko din na iniba nila ang simbolo ng Lireo, na ngayon ay lapit na ng mga Hathor
" Kung ayan ay aking papayagan mangyari, Sanggre " pag sasalita ko na nakakuha ng attention ng lahat. Ang mga Sanggre at ang mga punong kawal nila
" Aning ibig mong sabihin, diwata? "
Nguni't May isa pang boses ang Naka luha ng aking atensiyon, isang matangkad ng Mashna ng Lireo ay Naka tayo sa likod ni Danaya, kaming dalwa ay nag katinginan at napalunok nalamang ako. Matangkad at mistiso ang Encantado, Naka suot ang kanyang armas at hawak hawak ang kanyang espada. Siya rin ang May malalim na kayumangging kulay na mata at balbas sakanyang muka.
Tumikhin ako at mabilis na binalik ang aking mga mata sa lamesa
" Ako ang papatay sa mga hadezar... Kayo naman ang bahala kay Hagorn "
**********
Dalwa? Uyyyy iba yun HAHAHASalamat nga pala sa inyong lahat! Sa suporta na binibigay niya sa aking storya! Na mas lalo pang nag bibigay ng motibasyon sakin na mag update! Thank you Encantadiks!
Salamat rin sa mga comment niyo, mas nasasayahan akong basahin ang mga ito. 🤍🤍🤍
YOU ARE READING
Calista | Encantadia
RomanceY'brahim X Oc X Muros Ng patayin ng mga Sanggre ang mga natitirang kawal ni Hagorn ay akala nila papayapa na muli sa Encantadia, ngunit nag kakamali silang lahat ng biglang bumalik si Hagorn kasama lahat ng Hadezar mula sa Balaak. Bilang Reyna at ta...