Chapter 5
LateMatagal bago ako tinantanan ni Jessy sa pangungulit ng tungkol sa amin ni Primo. Panay ang suspetya niya at pang-aasar sakin. Kalaunan ay tumigil rin nang wala akong ibang sinasabi kundi na magk-klase lang kami ni Primo no'ng elementary.
Iyon naman talaga ang totoo. After he gave up that suspicion, pinilit niya ulit akong sumama sa kanya.
He said it's an intimate party wherein Primo is invited to sing. At totoo rin raw na inimbitahan ako ni Primo dahil nagkayayaan daw sina Arthur at Felix na manuod kasama si Jessy.
"Alam mo? Hindi talaga ako interesado, e. Pero nang sinabi ni Primo na sagot niya 'yong drinks mamaya? Girl, edi walang choice si bakla? Go agad! Pero alam mo ano talaga inaabangan ko?" Taas niya ng kilay sakin.
I sipped my cucumber juice first. "Ano?" mahina kong tanong.
Pinitik niya ang daliri sa mukha ko. "Kasi nga, sinabi niya talaga na imbitahan ka! Like? Kami-kami lang 'yong nagp-plano pero siningit ka talaga."
My eyes widened when Jessy tried to impersonate, which I think, Primo's voice and action. "Nakapamulsa siya, 'te! Sabay sabi, 'can you invite Isla? You can invite her if she wants to come.'"
Namula ang pisngi ko lalo pa nang niyugyog ni Jessy ang balikat ko.
"Kinikilig ako na ewan! Nakakainis ka!" dinuro niya ako. "Asawa ko 'yan si Primo, e! Kaso alam ko rin naman na hindi 'yon sasaya sakin kasi straight pa 'yon sa ruler! Ayaw niya ng talong kasi meron na siya no'n. Gusto niya ng-"
I cut Jessy off. "Okay. That's enough." I said to him and he laughed.
The heat on my face crawls down to my neck when Jessy tries to raise his hand and formulate something. Matagal bago ko natanto kung bakit siya umaaktong parang may hinihimas.
"Sayang talaga 'te, oh," miserable niyang saad. "I can feel it. Daks si Primo! Pero sayo na ang pusta ko kaya sumama kana mamaya!"
No'ng una ay ayaw ko pang maniwala. But Jessy is so unstoppable that I had to say yes kahit na hindi ko pa rin alam kung pupunta nga ba ako.
Pinag-isipan ko iyon hanggang sa makauwi. It took me one hour to sit in front of my vanity table and ask myself. And it took me three reasons to finally come up with this decision.
Una, medyo natuwa ako na kinausap ako ni Jessy. Kahit na ramdam ko pa rin ang pabirong gigil niya sakin dahil in-insist niya talaga na may kung ano samin ni Primo. I feel like we can get along. Pangalawa, this is my first time going out with a friend again. And third, I can finally see Primo sing... in person.
I've seen him sing back in our school. I've seen him sing in social media and through videos but I never see him sing live ever since I came back here.
At hindi na importante sakin kung totoo ba na siya talaga ang nag initiate na imbitahan ako.
"Finally!" Salubong sakin ni Jessy sa labas ng lugar kung saan niya ako hinintay. I'm not familiar with the address he sent me. Nilibot ko ang tingin sa lugar. "Nakakaloka, ate girl! Akala ko hindi kana dadating."
Pinasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa bago hinagkan para sa dalawang beso.
"Whoa. Nice outfit. You look lovely, dear!"
YOU ARE READING
If I Could Fall (Love and Mishap Series #1)
Teen FictionElectricity in skin and butterflies in the stomach, Isla Mishael loves the idea of love but still never experiences it first hand. What fuels her hopelessness in romance is that, she secretly has feelings for his childhood friend, Primo. Love, thou...