Chapter 6

13 1 0
                                    

Chapter 6
Miserable

I can hear all the crickets. I swear.

Pansamantalang katahimikan ang bumalot sa buong mesa namin. Matagal bago si Arthur, Felix at Jessy nakabawi. At mas matagal bago ako nakahinga ng maluwag.

I have been holding my breath for quite a while now. I didn't notice that until Jessy secretly pinched my right leg. Napakurap ako at pinisil-pisil ang mga daliri na nasa aking kandungan.

Arthur's curious eyes are all on me while Felix looks at Primo and then back on me, puno ng pagkakalito at pagtataka.

"Ihahatid? Tapos na ba kayo ng banda mo, Primo?" Makahulugan ang mga mata at boses ni Jessy.

I felt Primo on my back straightened up. Bumitaw ang kanang kamay niya sa mesa. His left hand remained though.

"Not yet," simpleng sagot ni Primo.

Pinandilatan at sinenyasan ako ni Jessy, urging me to say something. I clear my throat.

"Hindi pa naman pala... Eh, bakit mo ihahatid si Isla?"

"Jessy..." mahinang saway ko.

Tumango si Felix. "Oo nga, Primo. It's still ten thirty. Maaga pa. Tsaka pwede ka namang sumunod sa Lunar."

Tumikhim si Arthur. "Let's ask Isla first if she wants to come or not," anito.

Umawang ang labi ko. I felt Primo moved. Sinundan ko siya ng tingin saking kaliwang gilid. Sa mga pagkakataong iyon, natanto kong sobra-sobra nga ang paghanga ko kay Primo. Na tipong kahit ang mga simple at dapat normal na galaw niya lang, napapansin ko lahat at labis-labis na agad ang adorasyon ko para dito.

He swiftly pulled the chair beside me. Hinarap niya iyon at umupo siya saking gilid. Pungalumbaba siya pagkatapos. Kahit ganoon ay binigyan niya pa rin ako ng espasyo. Hindi siya malayo, hindi rin ganoon kalapit.

"Gusto mo bang sumama?" marahan niyang tanong sakin.

My heart raced, like there's a wild beast inside, banging against my ribcage.

I felt my lips trembled a bit. "Gabi na kasi... at papagalitan ako," pag-amin ko.

A little bit afraid that they wouldn't understand.

Primo pursed his lips. Tumango siya. "Don't worry. You can just tell them," pang-alo ni Primo na tila alam niya ang nasa isip ko.

Nilingon ko nga sina Felix at Jessy. "Pasensya na. Hindi ako makakasama. Hindi ko kasi naipag-paalam 'to."

Arthur nodded. Jessy sighed.

"May curfew ka?" Felix probed.

"Hanggang alas dyes lang ako," sagot ko.

"Are you for real?" Ngiwi ni Jessy na tila napakamiserable naman yata ng buhay ko. Tumango ako sa kanya. "Edi kailangan mo na ngang umuwi ngayon?"

"Uh, oo. Baka kasi tawagan na rin ako maya-maya," medyo malungkot kong nginitian si Jessy. "Mag-enjoy kayo sa party."

"Ano ba 'yan! Sa susunod dapat sumama kana. You don't wanna miss this kind of fun! I promise, you will enjoy it. And you will be fine with us!"

If I Could Fall (Love and Mishap Series #1) Where stories live. Discover now