Chapter 9

9 1 0
                                    

Chapter 9
Bestfriend

"We're glad you made it here, Isla," si Saint sa mababang boses habang hinihintay namin ang pagpasok ni Primo sa pinto.

Ngumiti ako. "Salamat rin sa pag-imbita." I told Saint.

Sa isang clubhouse ng subdivision ni Saint ginanap ang surprise party para kay Primo. The guests started to move when Owen shouted that Primo is already coming.

Ang sabi, galing pa raw itong rehearsal. At kinuntsaba ng dalawa ang kabanda ni Primo para makumbinsing pumunta ito rito.

Hinawakan ko ng mahigpit ang isang letrang cake. The anticipation feels like a poison to my system. Isa ako sa mga hahawak ng cake na may kandila at hihipan iyon ni Primo maya-maya.

Hindi naman gaano kadami ang bisita, hula ko ay mga kaibigan lang ito nina Primo at iilang k-klase namin ngunit hindi pa rin nakatakas sa akin ang kauting kaba. Hindi ko kasi alam bakit ako binigyan nina Owen at Saint ng cake. The boys seem busy making the party perfect kaya hindi na ako nakapag-protesta nang ibinigay nila sakin iyon.

Halos excited ang lahat at nagbubulungan na, lalo pa nang tumawag na si Primo kay Owen, hudyat na papasok na talaga sila ng clubhouse.

The exclusive room is full of decorations.  Marami rin ang pagkain sa buffet. The whole place is currently dark. Sa glass wall ay kita ang rectangle pool na kasing tahimik ng hapon. Ni walang tao dahil ang alam ko, nirentahan talaga ito ni Saint. I'm not surprised with it anymore since his family is known rich here in Bacolod.

"The idiot is here!" asik ni Owen.

Nasa gitna ako nilang tatlo, parehong nag-aabang malayo sa pinto. Both on our sides, on the other hand, are the guests. May hawak silang poppers, balloons, at mga regalo.

Ilang segundo ang nakalipas, mabilis lumiwanag ang silid sa mismong pagpasok ni Primo. His reaction was priceless when the poppers popped! His expression was still in a bit of shock as we sang a happy birthday to him. Bitbit niya ang bag ng gitara na nakasabit sa kanyang braso. May agad kumuha no'n para itabi.

Hinawakan ni Primo ang kanyang batok, natatawang yumuko at inilingan ang dalawang kaibigan na lumapit sa kanya. Nataranta tuloy ako gayong kulang na 'yong letrang HBD na cake na iprenisenta sa kanya. Nag-ugat kasi ang mga paa ko sa kinatatayuan.

Napakurap ako lalo pa nang pinagmasdan ko ang mukha ni Primo mula sa malayo. From his eyes, to his nose, and to his reddish lips. He's now wearing a navy blue polo shirt paired with well-ironed black pants and black loafers. He looks effortlessly handsome.

"Blow! Blow! Blow!" everyone cheered.

Pabirong hinampas ni Primo sa tyan si Owen nang dinikit niya ang cake sa mismong mukha ni Primo. Everyone laughed and Primo just shook his head with amusement. Agad niyang hinipan ang hawak ng kaibigan.

Nagsi-palakpakan ang lahat pagkatapos.

"Happy Birthday, dude."

Narinig ko ang simpleng bati ni Saint.

"Thank you!" sunod-sunod na sabi ni Primo sa mga tao. "Sino may pakulo nito?" he asked playfully in the middle of his interactions with everyone that is greeting him.

If I Could Fall (Love and Mishap Series #1) Where stories live. Discover now