Chapter 4

26 2 1
                                    

Chapter 4
Invite

"You look nice in your uniform, anyway." Primo said on our way to the gate. "Bagay sayo," dagdag niya at tipid na ngumiti.

"Uh, thank you. Malaki nga eh," pag-amin ko at dungaw saking bagong uniform.

It was the last quarter last year when I transferred here. The University didn't require me to purchase a uniform because it was already too late for me. Ngayon lang ako nakabili sa University Enterprise at medyo malaki nga sakin.

The white polo was fine for my upper body, along with a short stripe green and yellow neck tie. Iyong skirt ko lang ang medyo mahaba. The skirt is also a stripe of green and yellow.

"That's okay. You still look pretty with it."

I noticed that Primo compliments so well na halos natural lang.

It didn't make me feel awkward.

Mas binilisan ko nga lang ang lakad. That is because I don't know what to feel and to say.

Primo is still walking beside me. Kahit medyo nauuna ako, naramdaman ko siya nang pinalit niya ang pwesto namin. He's now walking beside the sidewalk. Napansin kong marami na ang sasakyan na palabas pasok ng University.

You look good in your uniform too.

Pero hindi ko masabi. His slacks highlighted the length of his firm legs. Naka hawak siya sa kanyang bag na nasa kanang balikat.

"I didn't know you were a real snob."

Napasinghap ako at nilingon siya. "I didn't know you are this straight forward," sabi ko kahit na parang may kumiliti saking tyan saglit dahil sa boses niya.

Hinangin ng kaunti ang buhok ni Primo kaya pinasadahan niya iyon ng kanyang mga daliri. He really looks immaculately handsome! Guwapo na siya noon pero mas lalo lang na depina ngayon. Matangkad rin na halos hanggang dibdib niya lang ang lebel ng mata ko. 

He smiled simply at my remarks.

"Better to be than being corny," kaswal na sagot niya.

Tumabi nga ulit si Primo sakin sa mga sumunod na araw at mga linggo. Although we don't get to talk much dahil bukod sa awkward ang paligid kapag nagkakatinginan kami, pakiramdam ko na bantay sarado rin ang mga galaw ko ng mga k-klase namin.

Medyo marami ring absent si Primo sa isang linggo. Hindi naman sunod sunod pero kung hindi dalawang absent, tatlo. Ang sabi-sabi, ganoon na raw talaga siya sa tuwing may gig siya o tugtog kasama ang kanyang banda. The only redeeming factor is that—he always complies with his assignments and activities the day before the deadline or exactly on the deadline.

I am surprised too, how he still manage to ace our quizzes. One time, he got a perfect score in our Math subject. Sobrang hirap na halos umapak ako ng 10 over 20. And then to Primo, it seems easy. Not to mention that he arrived late, with his black guitar bag on his shoulder and looked sleepless.

Probably because he had a gig last night. Bakit ko alam? I saw pictures of him from his friends on social media.

Nakaupo siya sa isang mono black high chair at kumakanta ng isang acoustic song. The whole look of the bistro cannot be seen from the videos and pictures dahil halos lahat ng naka-tag sa kanya ay mga pictures niya lang.

If I Could Fall (Love and Mishap Series #1) Where stories live. Discover now