Chapter 11

5 0 0
                                    

Chapter 11
Girlfriend

"Ay teh? Pwede pala talaga 'yon 'no? Jowa treatment pero platonic friendship ang label?" Mapang-asar na halakhak ni Jessy sakin.

Sinimangutan ko siya.

"Saan ba makakahanap ng kaibigan na ganyan! Order ako lima, papa-COD ko na lang rin."

Tinabi ko ang pagkain na binigay sakin ni Primo. I can't help but smile inwardly when I notice my favorite cucumber juice beside the rice toppings. He bought me these now that it's almost past lunch.

Grade 10 nang mas lalo kaming naging malapit ni Primo. Parang kailan lang nag magsimula ang pagkakaibigan namin. And I'm thankful for it every single day. Simula kasi no'n, mas lalo ko siyang nakikilala. Ganoon rin sakin, even with my unshakeable thick and high walls for people, I can sense that he's still being patient with me.

At madalas pa rin akong namamangha sa kanya. Hindi na yata matatanggal sakin iyon. Minsan pa nga, kapag kumakain kami ng sabay, nagt-text, o sabay umuuwi, pakiramdam ko panaginip pa rin ang lahat. But Primo's eyes, laugh, and kindness to me never fail to prove that he is real. This is real.

"Mag-gupit ka na lang dyan," saway ko kay Jessy at nilahad pa sa kanya ang iilang colored paper at gunting.

"Asus! Pa showbiz ka talagang bakla ka! Nangigigil ako sayo!" ani Jessy na at umakma pang kurutin ako.

I laughed at him after.

Intramurals ng school ngayon. At kakasimula lang kaninang umaga. Nasa booth kami ngayon na nasa gitna ng soccer field, malapit sa gym. Our section is going to sell food like pick-a pick-a. Isa sa mga main menu namin ay fruit tea, iced coffee, tacos at burger.

It will be a one-week full of sports and fun activities. Kaya abala si Primo dahil bukod sa tutugtog sila sa students night, kasali rin siya sa basketball team. Now he's here to practice along with his senior high team mates.

Umayos ako ng upo nang natanaw kong pabalik siya dito sa booth. He's still wearing his usual faded jeans, navy blue plain shirt, and black chuck shoes. He winked at me when he neared. May bitbit siyang duffel bag, handa na para sa practice game.

He is so passionate. Kakagaling niya lang ng ensanyo sa studio ng kanyang banda bago siya dumiretso dito. Kaya niya rin ako nabigyan ng pagkain dahil nabasa niya iyong sinabi ni Jessy sa groupchat ng section na hindi pa ako nakakain. Hindi pa kasi kami nagsisimulang magluto. Bukas pa iyon sa mismong opening ng mga booths.

"Bakit ka bumalik?" I asked him.

Nakita kong nag-aantay ang iilang ka-grupo niya na grade eleven at ang sa mga kabilang seksyon. Nagtatawanan sila at papunta na ng gym. Primo slightly jogged the distance between us.

Umikot siya sa likod ni Jessy para makadiretso sakin. I can immediately sense Jessy's teasing and playful smile.

Primo gave me his car key without saying anything. Tinanggap ko iyon. Tinusok niya ang siomai kong isang beses ko lang kinain. Nginuya niya iyon at patuloy ko lang siyang pinagmasdan. Then his team mates called him. Sumenyas siya na sandali lang.

Inabot ko ang aking hydroflask sa kanya para agad siyang makainom ng tubig.

"Thanks. You're the best," he smirked before he drank it.

If I Could Fall (Love and Mishap Series #1) Where stories live. Discover now