Chapter 2

391 19 3
                                    

Marina Zale POV

After the big audition ay nag back to normal na ulit ang lahat. Wala akong oras para maging malungkot o maglugmok dahil lang sa hindi ako nakuha sa audition. Mayroon akong nakakabatang kapatid na kailangang buhayin at isang lolay na kailangan tulungan para kumita ng pera para sa pang araw-araw namin.

"Ate, tara na po! Baka ma-late pa po ako ng pasok." si Maren.

Si Maren ay nasa grade 6 na habang ako naman ay nasa Grade 11 na. Sa isang public school siya nag-aaral dahil hindi pa namin kaya na pag-aralin din siya sa CAU tsaka nasa elementary pa lang naman siya kaya nagsisikap ako na maka-ipon ng pera para pagtungtong niya ng high school ay pareho na kaming sa CAU nag-aaral.

Arts and Design Track ang kinukuha kong strand sa Senior High School dahil pangarap kong maging isang Fashion Designer balang araw. Mahilig kase akong magtahi-tahi ng mga damit na pinagkakakitaan ko rin minsan.

At dahil sa tulong ng best friend ko ay sa CAU ako nag-aaral. Isa ako sa mga scholars ng pamilya nila magmula pa noong elementary kami ni Skye. Ngayon lang kami nagkahiwalay dalawa dahil STEM ang strand niya, gusto kase nun maging isang Piloto katulad ng Momma niya kaya naroon siya sa Strand na 'yun.

"Marina, heto na ang baon mo." sabi ni lolay at iniabot sa akin ang isang lunch box.

Maingat ko iyon na inilagay sa loob ng bag ko bago ako nagmano kay lolay para magpaalam. Nagluluto kase siya ngayon ng mga kakanin na ibebenta ko mamaya after school dahil dito namin kinukuha ang pang araw-araw naming pangkain.

"Lolay, aalis na po kami!" sigaw ko ulit bago kami tuluyang lumabas ng bahay ng kapatid ko.

Habang papalabas ng bahay ay chine-check ko muna ang mga gamit ko dahil hindi ako nakapag-ayos ng mga gamit ko kagabi dahil sa sobrang pagod. Mahirap na at baka may makalimutan ako bigla.

"Ate! Ate! Si ate Skye, sinusundo niya na ako!" masayang sigaw ni Maren.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Skye na nakasandal sa kulay pula niyang sports car habang nakasuot na ng uniporme namin sa CAU.

"Ate Skye!" masayang sigaw ni Maren at patakbong lumapit kay Skye na nakangiti na ngayon.

Yumuko pa si Skye para salubungin ng yakap ang nakababata kong kapatid na masayang-masaya ngayon dahil sa sports car niya.

"Ito na yung request mo! Ihahatid na kita sa school mo gamit ang pulang sports car ko."

"Thank you, ate! You're the best!" sabi ni Maren at sumakay na sa loob ng kotse ni Skye.

Amaze na amaze pa siya dahil pataas ang pagbukas ng pinto ng sasakyan ni Skye habang ako ay kinakabahan dahil baka magasgasan ang sasakyan at wala kaming ipambabayad dito!

"Let's go, beb!" sabi ni Skye bago tumabi kay Maren na prente ng naka-upo sa loob.

Wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang sakanilang dalawa. Ayos na rin ito para makalibre kami ng pamasahe magkapatid. Pangkain na rin namin iyon para mamayang gabi.

"Papasok lang ng school kailangan naka-sports car pa?" tanong ko kay Skye.

"Sayang naman kase hindi nagagamit sa bahay." sagot niya. "Tsaka request ito ng kapatid mo."

Hindi na ako nagtanong pa ng makita ko ang mga gamit niya pang-training na nasa shotgun seat. Palagi kase itong nagpapahatid talaga sa driver nila kapag may mga training siya sa Fencing, malaki kase ang mga gamit niya kaya kaysa mahirapan siya sa pagcommute ay nagkokotse na lang siya papasok.

Una naming inihatid si Maren sa eskwela. Halos pagtinginan nga kami ng mga tao dahil sa kotse na sinasakyan namin ngayon.

"Ate, susunduin mo rin po ba ako mamaya?"

Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)Where stories live. Discover now