Chapter 4

352 22 10
                                    

Marina Zale POV

"Halina kayo at baka tanghaliin pa tayo sa pamimili sa palengke. Kailangan ay maidala ko ito sa mga Bravo bago sila magtanghalian." ani Lola habang may bitbit na bayong.

Alas tres pa lamang ng madaling araw at heto kami naghahanda na para magpunta ng palengke para mamili ng mga kakailanganin sa paggawa ng mga kakanin na inorder ng pamilyang Bravo ngayong araw.

Tinignan ko pa nga ang kalendaryo sa telepono ko kung may nakaligtaan ba akong kaarawan sa pamilya nila pero wala naman kaya nagtataka ako kung bakit sila umorder bigla kay lolay ng mga kakanin. Madalas kase ay umoorder lang sila ng mga kakanin kay lolay kapag may mga handaan sila sa pamilya nila.

Mabilis lang ang naging byahe namin patungo sa palengke rito sa may bayan dahil wala pa namang gaanong mga sasakyan sa kalsada kapag ganitong oras. Si Maren ay medyo sanay ng gumigising ng maaga kaya hindi siya inantok sa byahe kanina. Kakaunti lang din ang mga taong namimili kaya maayos at mabilis na nakapamili si Lolay ng mga sangkap na gagamitin niya para sa mga kakanin. Isinasama lang talaga kami ni lolay para may mga tiga bitbit siya ng mga pinamili niya na nakalagay sa bayong dahil sa edad niya ay hindi niya na ganoon kaya na magbuhat pa ng mga mabibigat na bagay.

Nang makauwi kami ay nagsimula na rin kaagad si Lolay na gumawa ng mga kakanin habang nagtulungan naman kami ni Maren na maglinis ng buong bahay. Ganito ang gawain naming dalawa kapag wala kaming pasok, hindi na rin naman kase kaya ni Lolay na gumawa pa ng mga gawaing bahay kaya kahit papaano ay binabawasan na naming dalawa ang mga gawain dito kapag wala naman kaming ginagawa.

"Ate, bakit parang hindi na po nagpupunta si ate Skye rito? Magka-away po ba kayong dalawa?" tanong ni Maren habang nagpupunas ng mga gamit sa may sala.

Bigla akong napatigil sa pagwawalis ng marinig ko ang tanong niya. Ang tagal na rin noong huling punta niya rito sa bahay. Hindi na kami nagkaka-usap ni Skye maski sa school o kahit pa sa social media. Ang huling balita ko lang sakanila ay nagkaroon sila ng dinner kasama ang pamilya niya at ang pamilya nung lalaki.

Kumbaga parang nasa meet the parents stage na ang level ng relationship nila. Pagkatapos kong makita iyong story niya na iyon ay hindi ko na muling inalam pa ang estado ng relasyon nilang dalawa dahil alam ko na rin naman kung saan na iyon papunta. Tinanggap ko na kaagad habang maaga pa na sobrang impossible talaga na maging kaming dalawa ni Skye.

Kaibigan, hanggang dun lang talaga ako sa buhay niya.

"Ate? Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Maren.

Mabilis akong nagpunas ng mata, hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako habang iniisip siya.

"H-hindi ah, napuwing lang ako. Sobrang alikabok na pala ng bahay natin, Maren, dapat ay kahit papaano ay nagwawalis ka sa tuwing wala kang ginagawa." sermon ko sakaniya bago ako nagtungo sa banyo para maghilamos.

Dapat siguro ay masanay na rin akong wala si Skye sa tabi ko kahit paunti-unti lang dahil hindi ko rin naman na siya makakasama kapag nagpunta na ako sa Maynila para magtraining. Mabuti na rin siguro ito dahil alam kong malulungkot lang siya kapag nalaman niyang aalis na ako at least ngayon nandito naman na yung Timothy kaya panatag din akong kakayanin ni Skye ng wala ako kase may makakasama na siya.

"Marina! Halika nga rito sa kusina!" sigaw ni lolay.

Nagmamadali akong nagtungo sa kusina ng sumigaw si lolay. Pawis na pawis siya na nakatayo sa harapan ng kalan habang hirap na hirap sa paghalo ng biko na niluluto niya.

"'lay, ako na po riyan."

Hindi na kase pwedeng masyadong magkikikilos si lolay dahil mabilis na mapagod ang katawan niya. Isama mo pa ang paghinga niya na sobrang naaapektuhan kapag sobra siyang napagod o hindi kaya ay nainitan.

Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)Where stories live. Discover now