Marina Zale POV
"Last 30 seconds!" malakas na sigaw ng coach namin. Jusko, halos mawalan na ako ng lakas habang ginagawa ang isang minutong wall sit. Hindi kase ako sanay mag-ehersisyo kaya hirap na hirap talag ako ngayon. Lagpas isang oras na yata kaming nagsasanay magmula nang magsimula kami kaninang umaga.
Nanghihina na rin ang katawan ko, lalo na at nilagang itlog at saging saba lang ang ipinakain nila sa amin kanina para sa umagahan. May hinahabol kasi silang timbang, kaya't sobrang limited lang ng pagkaing ibinibigay nila sa amin. Hindi ko na sanay yung ganun ka-kaunti lang sa umaga—heavy breakfast kasi ako madalas.
"3... 2... 1... Time's up! Water break muna tayo!" sigaw ni Coach.
Sabay-sabay kaming tumumba sa may sahig. Nanginginig ang mga binti ko dahil sa sakit, at ang katawan ko ay parang hindi na kaya pang gumalaw. Ang mga paa ko naman ay sumasakit na rin dahil sa mga foot exercises ni Coach—lunges, calf raises, at iba't iba pang balance drills.
Hell week, first day pa lang.
Naramdaman ko na ang sakit sa bawat paggalaw ko, parang naghihirap na ang katawan ko, pero hindi pwedeng sumuko.
"Kaya pa?" tanong ni Shen, iniabot ang kamay niya para tulungan akong tumayo. "Unang araw pa lang naman. Masasanay din ang katawan natin dito."
Inabot niya sa akin ang bottled water bago siya kumuha ng sarili niyang bote. Napansin ko na parang kalahati ng grupo ay halos mamamatay na sa pagod. Samantalang yung iba, parang hindi man lang tinablan.
Unang araw pa lang ng training, pero para akong may dalawang linggong pagod.
Matapos ang water break, nagsimula na kami sa dance lessons. Dumating ang bagong coach mula sa G-Force. Isa siya sa mga nagtuturo ng sayaw sa mga artistang magpeperform sa mall shows kaya mataas talaga ang expectations sa kanya.
"Total package ang hanap ng management para sa grupong binubuo nila ngayon. Hindi pwedeng puro lang kayo pa-ganda. Dapat marunong kayong sumayaw at kumanta!" sigaw niya, bago inulit muli ang kanta.
Hindi ko na nabilang kung ilang beses na ba naming inulit ang sayaw na ito. Sa bawat pag-ulit ng kanta, lagi may kasamang sermon. Hindi ko nga alam kung ako ba 'yung may kasalanan o may iba, kasi nakatakip ang salamin sa harapan namin. Nasa iisang linya lang kami kaya hindi namin alam kung sino ba talaga ang pinupunto ng coach.
"It's either you work hard to learn how to dance, or mag-quit ka na ngayon," sigaw niya. "Kung ako sa inyo, ngayon pa lang magdesisyon na kayo, kasi mas masakit kung patatagilin niyo pa."
Wala kaming magawa kundi magtinginan lang. Wala namang ni-isang nagsalita. Hindi namin alam kung sino sa amin 'yung pinupunto niya.
"Nagawa mo ba 'yun, Marina?" tanong ni Shen, kumaway at ngumuso siya.
"Oo, madali lang naman 'yung steps, eh," sagot ko, sabay tapik sa kanya.
"Madali nga lang. Kaya nga nagtataka ako kung sino ang pinariringgan niya."
Habang nililisan ang dance floor, may countdown na nagpapahiwatig ng oras ng lunch. Hindi ko na inintindi ang coach at ang problema sa training, dahil gutom na gutom na ako. Alam kong limitado lang ang budget nila para sa pagkain, pero sana, hindi bitin.
Saktong alas dose ay dumating ang lunch namin. Ten sets lang ng pagkain, sakto lang talaga at wala ni isang extra rice ang naroon. Sobrang kabado na ako, kasi malamang, hindi sapat 'to para sa gutom ko!
Tonkatsu, white rice, mixed vegetables, at saging—iyan lang ang lunch namin. Sabi ko nga kay Shen, "Ano ba 'to? Parang isang kagat lang, ubos ko na!"
"Hello po, pwede tumabi?" tanong ng isang babae, ngumiti sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/369987496-288-k531142.jpg)
YOU ARE READING
Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)
RomanceMarina dreams of being a P-pop star. She works hard, attending auditions and chasing her goals. But there's a catch-her best friend, Skye, is always by her side. Skye is Marina's biggest supporter, but Marina has deeper feelings for her. As Marina's...