Marina Zale POV
"Pfft!" pigil na tawa ko ng makita ko ang hindi makapaniwalang mukha ni Skye. Dahan-dahan pa siyang tumingin sa akin at ng makita niya akong nagpipigil ng tawa ay inirapan niya kaagad ako.
"Ayaw mo ba ng ulam, Skye? Pasensya na at ayan lang kase ang mayroon kami." ani lola.
Alanganin lang na ngumiti si Skye bago maarteng kumuha ng isang daing at inilagay iyon sa may plato niya. Rinig ko pa ang mahihinang pagtawa ni Maren dahil alam niya rin na hindi kumakain ng mga ganitong klaseng isda si Skye.
"Ate Skye, gusto mo po ng tuyo? Hati na lang po tayo, hindi ko po kase ito mauubos." sabi ni Maren at nilagyan pa ng dalawang pirasong tuyo ang pinggan ni Skye.
Kita ko ang pandidiri sa mukha ni Skye dahil sa amoy nung tuyo at daing. Ayun lang naman ang ayaw niya, yung amoy nito kapag niluluto. Iniisip niya kase na kapag mabaho ang amoy ng pagkain ay panget na rin ang lasa non kaya hindi niya sinubukang kumain ng kahit na anong klaseng isda maliban sa tuna at salmon.
"Kain na." sabi ni Lolay.
Saganang kumakain si Lolay at Maren habang ako ay titig na titig lang kay Skye na hindi ata alam ang gagawin ngayon sa ulam. Ramdam ko na any minute ay tatayo siya para hindi kumain at saktong pag-atras niya ng upuan ay siya namang pagtunog ng kalamnan niya.
"Gusto mo bang himayin ko yung tuyo para sayo, beb?" tanong ko sakaniya.
Seryoso na ang tono ng pananalita ko at wala na iyong kasamang pang-aasar. Alam kong gutom na gutom na siya kaya hindi rin ito ang tamang oras para inisin pa siya lalo.
"Beb," bulong niya habang dahan-dahang umiiling sa akin.
Inilipat ko ang plato ko sa may tabi niya bago ako tumayo para lumipat ng upuan. Kinuha ko ang tuyo na nasa plato ni Skye at isa-isa iyong hinimay at inalisan ng maliliit ng tinik. Ganun din ang ginawa ko sa may daing, pinaghiwalay ko lang ang mga nahimay ko para alam niya kung alin ang daing sa dalawa.
"Tikman mo lang, beb. Kapag hindi mo talaga nagustuhan bibilhan na lang kita ng Century Tuna sa tindahan." pagkukumbinsi ko sakaniya.
She looked apologetic at me bago siya kumuha ng tuyo sa plato niya. Nang makita niyang sinasawsaw ni Maren iyon sa suka ay sinawsaw niya rin iyon bago inilagay sa ibabaw ng kanin niya.
Titig na titig lang ako sa mukha ni Skye ng maisubo niya na ang kanin na may tuyo. Dahan-dahan pa ang pag-nguya niya habang pabilis naman nang pabilis ang kaba na nararamdaman ko. Natatakot kase ako na baka hindi siya sanay sa ganitong klaseng mga pagkain dahilan para sakitan siya ng tiyan.
Pagkalunok niya ng pagkain na nasa bibig niya ay tumayo na rin kaagad ako mula sa kina-uupuan ko. Bibilhan ko na lang siya ng century tuna para lang makakain siya nang sagana ngayong gabi.
"Anong lasa ng tuyo, ate?" curious na tanong ni Maren.
Hinintay ko munang sumagot si Skye sa tanong ni Maren bago ako tuluyang lumabas ng hapag-kainan para bumili ng delata niya sa may tindahan.
"M-masarap naman." maikling sagot niya.
Hindi ako makapaniwalang bumalik sa kina-uupuan ko para siguraduhin kung si Skye ba talaga ang sumagot non. Pero laking gulat ko ng sunod-sunod na subo ng kanin na may tuyo ang ginawa niya. Mukhang gutom na gutom talaga siya dahil hindi rin kami nakakain ng meryenda kanina sa may palengke.
Nagkalat ang mga kanin sa lamesa dahil hindi siya ganoon karunong magkamay. Pero ayos lang iyon ang mahalaga lang sa akin ay sagana siyang kumakain at marunong na siyang kumain ng ganitong klaseng isda.
"Titikman mo rin ba ang daing, beb?" tanong ko dahil kung hindi ay ihihimay ko na rin sa plato niya ang tuyo na dapat sana ay para sa akin.
"Ano bang mas masarap? Tuyo o daing?"
YOU ARE READING
Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)
RomanceMarina dreams of being a P-pop star. She works hard, attending auditions and chasing her goals. But there's a catch-her best friend, Skye, is always by her side. Skye is Marina's biggest supporter, but Marina has deeper feelings for her. As Marina's...