Marina Zale POV
Mag-iisang buwan na magmula ng lumuwas kami ni Shen ng Maynila para magtraining. Halos isang buwan ko na ring hindi nakakasama sila Lolay at Maren pati na rin si Skye. Hindi rin kami binibigyan ng management ng oras para umuwi dahil medyo nagmamadali na silang mabuo itong project nila na girl group.
"Hindi ka pa ba matutulog, Marina? Ilang araw ka ng puyat baka mapaano ka na niyan." sermon sa akin ni Shen ng maabutan niya akong nagtatahi pa ng mga damit para sa final requirements ko sa mga subjects ko.
"Last na lang 'to tapos matutulog na rin ako." sagot ko sakaniya.
Tinulungan kase ako nila Momma at Nanay na asikasuhin ang pag-aaral ko sa CAU. Online kong tine-take ang mga subjects ko dahil ayaw ko namang tumigil sa pag-aaral dahil hindi rin naman ako sigurado sa daan na tinatahak ko ngayon. At least kung pumalpak ako rito ay may second option ako at iyon ay ang diploma ko.
Mag-aalas kuwatro na ng umaga ng matapos akong magtahi para sa final requirements ko. May isang oras pa ako para matulog at magpahinga.
"Rise and Shine!" malakas na sigaw ni Meg.
Sobrang sakit tuloy ng ulo ko ng bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil pakiramdam ko ay kapipikit ko pa lang.
"Oks ka lang, Marina?" nag-aalalang tanong ni Shen sa akin.
Tumango lang ako at hindi na ininda pa ang pananakit ng ulo ko. Habang nagbibihis ay ramdam ko rin ang sobrang pagod, pakiramdam ko nga ay bibigay na ang katawan ko dahil ilang araw na rin akong puyat dahil sa katatahi ko.
Pagkatapos mag-umagahan ay nag-umpisa na kaming mag-ehersiyo para sa panibagong araw ng pagte-training. Hindi ako masyadong nagkikikilos dahil ramdam kong hindi ko na talaga kaya pero dahil kailangan kong magtraining ay isinawalang bahala ko na lang itong pagod na nararamdaman ko.
"From the top!" sigaw ng dance trainer namin. "Para kayong hindi kumain!"
"Pwede bang umayos ka naman? Napapagod na kase ako sa ka-uulit." bulong sa akin ni Alliah. "Pwede ka namang umuwi na kung hindi mo na kaya rito."
"Balik ka na sainyo, magtanim ka na lang ulit doon." tumatawang dagdag naman ni Meicy.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil wala namang bago sa dalawang iyon. Mahilig talaga silang mambully dalawa kaya nga yung isa sa amin ay nagquit na dahil sa ugali nila.
"Kaya pa, Marina?" si Ate Noreen.
Tumango ako sakaniya bilang sagot at ngumiti para hindi na siya mag-alala pa bago ako pumwesto sa formation namin.
Last na 'to, Marina, kayanin mo. Makakapagpahinga rin tayo mamaya.
Nang mag-umpisa ulit ang music ay hindi na nawala ang tingin nila Alliah at Meicy sa akin. Parang pinanonood nilang dalawa ang bawat galaw ko kaya wala akong ibang magawa kung hindi ibigay ang best ko. Nang nasa kalagitnaan na kami ng sayaw ay nag-umpisa ng magdilim ang paningin ko. Hindi ko na rin macontrol ang katawan ko dahil parang ang bigat-bigat na nito.
"Marina!" At ayun ang huli kong narinig bago ako tuluyang tumumba sa may sahig at nawalan ng malay.
"Ang sabi po ng doctor ay na-over fatigue lang po ang apo ninyo, wala naman pong malalang sakit na nakita sakaniya kaya huwag na po kayong mag-alala."
YOU ARE READING
Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)
RomanceMarina dreams of being a P-pop star. She works hard, attending auditions and chasing her goals. But there's a catch-her best friend, Skye, is always by her side. Skye is Marina's biggest supporter, but Marina has deeper feelings for her. As Marina's...