Marina Zale POV
"Galingan mo, Marina, ha? Kapag pinasayaw ka, sumayaw ka. Kapag pinakanta ka, kumanta ka. Kapag pina-iyak ka, umiyak ka. Gawin mo yung gusto nila, galingan mo!" sabi ni Lolay habang inaayos ang suot-suot kong damit.
Alas tres pa lang ng madaling araw pero heto ako gising na gising at ayos na ayos na rin para sa isang audition na puputahan ko ngayong araw.
Bibisita kase rito sa lugar namin ang isa sa pinakamalaking network station sa buong bansa para humanap ng mga posibleng maging artista para sa network nila.
Pangarap ko kase na maging isang sikat na artista kaya heto ako makikipagsapalaran na mag-audition dahil malay natin baka madiscover nila ako at maging artista ako bigla.
"Opo, 'la, ako po ang bahala." mayabang na sagot ko sakaniya. "Wala po ba kayong tiwala sa apo ninyo?"
Malakas na tumawa lang si Lola bago iniabot sa akin ang mga gamit na dadalhin ko. Ipinagluto na rin niya ako ng almusal at tanghalian kung sakaling umabot ako ng hapon sa audition ko.
"Umalis ka na nga baka mamaya ay mahuli ka pa sa audition maudlot pa 'yang pag-aartista mo."
Nagmano muna ako kay Lolay bago ko binitbit lahat ng mga gamit na dadalhin ko para sa audition. Isang oras kase na byahe ang kailangan kong harapin bago ako tuluyang makarating sa mall kung saan magaganap ang audition.
Pasensya, tiyaga, at pangarap lang ang tanging baon ko para sa audition ko ngayong araw. Dream big or go home, ayan lang ang nakatatak sa isipan ko ngayon.
Pagkarating ko sa may sakayan ay ang dami kong kasabayan na mga ka-edad ko lang kasama pa nila ang mga magulang nila mukhang mag-aaudition din.
Sa itsura pa lang nila ay parang wala naman silang ibubuga. Puro lang naman paganda mukha ngang hindi sila marunong kumanta o kahit sumayaw man lang.
Lugi lang ako sa part na may mga kasama silang mga magulang sa audition.
Kung nandito pa siguro si mama ay baka kasa-kasama ko rin siya sa mga audition na dinadaluhan ko. Sobrang supportive ni mama sa akin lalo na sa pag-aartista ko, maliban kay lolay ay si mama ang isa sa number one supporter ko.
Nang ipanganak kase ni Mama ang nakababatang kong kapatid na si Maren Sereia ay doon siya binawian ng buhay. Pagkapanganak niya ay nakita ng mga doctor na may tubig ang baga ni mama dahilan ng pagkamatay niya.
Tungkol naman sa walang kwenta kong tatay ay hindi ko na siya nakita pa ulit ng mabuntis niya si Mama noon kay Maren. Wala na rin siya rito sa lugar namin at ang sabi-sabi ay nakapangasawa raw ang magaling na tatay ko ng isang mayaman na babae kaya roon siya sumama para magkaroon ng marangyang buhay.
Kaya lumaki kaming dalawa ng kapatid ko ng walang mga magulang at tanging si Lolay lang ang nag-aalaga at kasa-kasama namin magkapatid sa araw-araw.
Kaya heto ako, nakikipagsapalaran para maabot ko ang mga pangarap ko sa buhay. Minsan pakiramdam ko ay parang nahuhuli na ako sa buhay. Bata pa naman ako pero kung titignan ay napakalayo ko pa talaga sa katotohanan.
Minsan hindi ko maiwasang mag-alala sa buhay na mayroon ako ngayon. Gustong-gusto ko na kaseng bigyan si Lolay ng magandang buhay, yung klase ng buhay na hindi niya man lang naranasan sa buong buhay niya.
Kaya sa tuwing nakakatanggap ako ng mga rejections mula sa mga pinag-auditionan ko ay hindi ko maiwasang panghinaan ng loob. Sa tuwing nakikita ko ang lola ko na naghihirap para lang maitaguyod kaming magkapatid ay pakiramdam ko isa akong malaking kabiguan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nararating sa buhay.
Lord, kung payayamanin mo rin naman ako in the future baka pwede mag-advance na ako ngayon? Kailangan na kailangan ko na po kase eh.
Hindi ko napigilang matawa dahil sa mga naiisip ko. Mabuti na lang at nabalik na ako sa reyalidad dahil kung hindi ay baka lumagpas na ako sa mall na pupuntahan ko.
YOU ARE READING
Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)
عاطفيةMarina dreams of being a P-pop star. She works hard, attending auditions and chasing her goals. But there's a catch-her best friend, Skye, is always by her side. Skye is Marina's biggest supporter, but Marina has deeper feelings for her. As Marina's...