Marina Zale POV
"Sure, I can be your non-showbiz girlfriend naman, beb." nasamid ako sa sarili kong laway ng marinig ang sinabi niya. Nakangisi siyang nakatingin sa akin habang ako rito ay parang mamamatay na sa ka-uubo.
"Water." sabi niya at iniabot sa akin iyong baso ko ng tubig. Dali-dali ko yung ininom hanggang sa naging okay na ang lagay ko. Si Skye ay seryoso lang na nakatingin sa malayo kung saan kitang-kita ang maraming ilaw mula sa siyudad.
"W-what do you mean by that, beb? Willing kang maging girlfriend ko?"
Heto na 'yun Solana Kye. Ito na ang oras para umamin ka sakin tungkol sa totoo mong nararamdaman. Alam kong hindi lang ako ang may lihim na pagtingin sayo kaya kung ako sayo ay aamin na ako ngayong gabi bago pa ako umalis ng bayan natin para abutin ang pangarap ko sa Maynila.
"I'm your only friend, beb, nakakalimutan mo na ba?" natatawa niyang sagot sa akin. "Ako lang din ang pwede nilang ilink sayo kaya wala akong choice if ever man na mangyare 'yun."
Agad na bumagsak ang dalawang balikat ko ng marinig ang sagot niya. Nag-eexpect ako na aamin na siya sa akin na gusto niya rin ako matagal na bago pa ako umalis bukas ng umaga. Pero hindi, hanggang ngayon ay kaibigan pa rin talaga ang tingin niya sa akin.
Hanggang kaibigan lang.
"Bakit hindi ka makasagot? Kase tama ako, 'di ba?" mayabang na tanong ni Skye sa akin. At dahil mayabang ako ay hindi ko tatanggapin na siya lang ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko!
"Anong ikaw lang? May mga kaibigan pa kaya ako maliban sayo!" depensa ko kaagad.
"Then, tell me your 'friends' name." nakangising hamon niya sa akin.
Magmula bata pa lang ako ay kay Skye lang talaga umiikot ang mundo ko. Siya lang ang tanging kaibigan na mayroon ako dahil naging katu-katulong kami noon ni Lolay sa Mansion ng mga Bravo. At noong mga panahon na iyon ay si Skye pa lamang ang batang nandoon kaya siya lang din iyong nakaka-usap at nakakalaro ko. Wala rin akong naging kaibigan maski sa eskwela gawa nga ng trabaho ni lolay. Kailangan ko kaseng umuwi kaagad mula sa eskwelahan para may mag-alaga kay Maren habang nagtatrabaho si lolay sa mansion o hindi kaya ay makatulong sa mga trabaho roon. Madalas nga na napapagalitan ni Mommala si Lolay noon dahil sa mura kong edad ay pinagtatrabaho niya ako roon na agad dinepensahan ni Lolay.
Kaya magmula non ay sa loob na kami ng mansyon nanatili ni Maren hanggang sa matapos ang trabaho ni Lolay. Pinakakain at hinahayaan nila kaming gawin ang gusto namin sa loob kaya rin naging malapit kaming dalawa ni Skye. Kung anong mayroon siya ay mayroon din kami ni Maren, tinuturuan din niya akong gawin ang mga assignments ko habang tinuturuan namin si Maren na magsulat.
"Ano? Wala kang mabanggit kase ako lang naman talaga." may halong pang-aasar ang tono ng boses niya na ikinainis ko.
Napakalakas talagang mang-asar!
Saktong nagvibrate ang cellphone ko kaya ng tignan ko iyon ay pangalan ni Shen ang lumabas. Nakangisi akong tumingin sakaniya na ikinabigla niya.
"S-si Shen. Oh, counted siya bilang kaibigan ko." mayabang na sagot ko at ipinakita ko sakaniya ang text ni Shen sa akin.
"See you tomorrow, Marina. ." kunot-noo niyang basa sa mensahe ni Shen sa akin.
"Oh, ano?" hamon ko sakaniya.
"Tss. . ."
Ayun lang ang tanging sagot niya bago niya ako inirapan. Parang 360 degrees talaga yung ikot ng mga mata niya na ikinatawa ko. Ang sakit siguro sa ulo umirap nang umirap.
YOU ARE READING
Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)
RomanceMarina dreams of being a P-pop star. She works hard, attending auditions and chasing her goals. But there's a catch-her best friend, Skye, is always by her side. Skye is Marina's biggest supporter, but Marina has deeper feelings for her. As Marina's...