Chapter 5

387 24 5
                                    

Marina Zale POV

"Maren! Tara na!" sigaw ko habang bitbit na ang mga gamit ko sa school. Hinihintay ko na lang kase matapos ang kapatid ko na mag-ayos dahil ihahatid ko pa siya sa eskwelahan niya. Marunong naman na siyang pumasok ng mag-isa lang o hindi kaya ay kasabay ang mga kaibigan niya pero ngayon kase ay parang naglalambing na siya sa akin.

Ilang araw na siyang nagpapahatid sa akin sa school niya siguro dahil alam niyang malapit na akong umalis para sa training ko sa Maynila. Hindi ko na rin naman siya tinatanggihan sa ganito dahil gusto ko rin na makasama siya bago ako umalis. Makalipas ang sampung minuto ay sa wakas natapos na siyang magbihis ng sarili niya. Iniabot ko na sakaniya ang baon niyang pagkain dahil baka abutin na naman kami ng siyam-siyam kung siya pa ang pag-aasikasuhin ko nito.

"Let's meet at the cafeteria na lang later, beb. Ingat kayo ni Maren!" basa ko sa huling chat ni Skye sa akin.

After ng biglaang pagkikita namin sa bahay ng Mommala niya ay nagparamdam na ulit siya sa akin na akala mo ay walang nangyareng iwasan. Kamuntikan pa nga akong mabugbog nila Mommala at Momma nung araw na iyon dahil titig na titig talaga ako sakaniya I mean sa ano niya basta sakaniya. Anong magagawa ko eh nagkukusa na lang bigla ang paningin ko na tumitig sakaniya.

Pagkahatid ko kay Maren sa eskwela niya ay napagdesisyunan ko na lang na maglakad papuntang CAU kaysa mamasahe pa. Hindi naman ako nagmamadali dahil may dalawang oras pa bago ang klase ko at papasok lang ako ng maaga dahil gusto ni Skye na sabay kaming kumain ng lunch. Habang naglalakad ay may nadaanan akong isang matandang babae na nagtitinda ng mga laruan malapit sa eskwelahan na pinapasukan ng kapatid ko. Iba't-ibang klase ng laruan ang binebenta niya pero ang pinakapumukaw sa tingin ko ay yung bulaklak na gawa sa lego.

Si Skye kaagad ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang mga iyon. Sobrang hilig kase talaga niya sa mga lego. Punong-puno nga ng mga lego ang buong kwarto niya. Mayroon siyang lego na kotse, mga bahay o castle, at tsaka mga super heroes. Sobrang mahal nga ng mga collection niya at ang iba pa roon ay umaabot pa ng limang libo pataas depende sa design ng lego.

"Ate, magkano po 'yung lego?" tanong ko sa tindera. Tinuro ko ang maliit na lego na bulaklak na nakadisplay. Balak ko sana bilhin dahil wala lang, naalala ko lang si Skye kaya bibilhin ko para sakaniya. Panigurado akong matutuwa 'yun dahil lego.

"Kwarenta lang, hija." sagot niya.

Masaya akong namili ng disenyo ng mga bulaklak na ibibigay ko kay Skye. Sa dami ng pagpipilian ay dalawa ang binili ko, isang Daisy at isang sunflower na disenyo ang napili ko. May extra akong pera dahil binibigyan naman ako ni lolay sa tuwing nakaka-ubos ako ng kakanin na binebenta namin.

Ibinigay ko ang mga lego sa tindera para ilagay iyon sa plastic bago ako nagbayad sakaniya. Para tuloy akong tanga ngayon na masayang naglalakad sa kalsada papuntang school. Na-eexcite kase ako sa magiging reaction ni Skye knowing her, sobrang saya non kapag may binubuo na lego.

Pero hindi ko rin sure kung matutuwa siya dahil maliit lang na lego ito at ang presyo nito ay sobrang layo sa presyo ng mga lego niya na nasa libo ang halaga. Ang laki nito ay wala pa sa kalahati ng laki ng mga collections ni Skye, mabilis tuloy na nawala ang ngiti sa labi ko habang iniisip ang mga ganoong bagay. Pero umaasa pa rin ako na magugustuhan niya ang ibibigay ko kahit pa napakasimple at mura lang nito kung ikukumpara sa iba niyang mga lego.

Saktong lunch time na ng makarating ako ng CAU. Sabi ni Skye ay sa cafeteria na lang daw kami magkita kaya roon na rin ako nagpunta para hintayin siya.

"Beb!" Mabilis akong napatingin sa may likod ko ng marinig ko ang isang sigaw. I know it would be Skye dahil siya lang naman ang tumatawag ng Beb sa akin. Tumigil ako sa paglalakad para hintayin siyang makalapit sa akin. Mukhang good mood si Skye dahil ang laki-laki ng mga ngiti niya ngayon. Ewan ko ba, uniform lang naman ang suot-suot ni Skye pero sobrang ganda pa rin niya. Ang lakas na talaga ng tama ko sa best friend ko.

Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)Where stories live. Discover now