CHAPTER 4

111 6 0
                                    

FROST YOKO MARQUEZ

Uwian na at parang lantang gulay na ako dahil sa pagod mula sa maghapong klase.

"Frost, tambay muna tayo?" pag-aaya ni Alex habang palabas kami ng campus.

"Pass muna ako, guys. Pagod na pagod na ako. Tsaka Friday naman ngayon, gusto ko lang magpahinga muna," sagot ko habang chine-check ang phone ko dahil nag-message ang pinsan kong si Emily.

Pagbukas ko ng messages, nakita kong may bagong chat si Emily. Pinaalala lang niya ang apartment na lilipatan ko. Napagpasiyahan kong ipaalam na sa pamilya ko na lilipat na ako ng apartment around midterms.

Medyo mabigat sa loob, pero alam kong kailangan ko itong gawin. Hindi na kaya ng katawan ko ang araw-araw na pagbiyahe nang sobrang maaga at gabi-gabing pagbyahe. Kinaya ko man last academic year, mas full-packed ang schedule ko ngayon na talaga namang hindi na kakayanin ng katawan ko.

Pagdating ng Sabado, nasa bahay lang ako at nagbabasa ng libro nang makita kong nanonood ng Peppa Pig si Stepheriela. Tumabi ako sa kapatid ko at sabay kaming nanood, ginagaya ni Steph ang accent ng mga characters. Kahit na nakakamangha, hindi ko mapigilang matawa.

"Haha, si George talaga, ang cute!" tawa ni Stepheriela habang yakap-yakap ako.

Biglang may narinig kaming kalabog mula sa kusina. Paglingon namin, nakita namin si Papa na nakaupo sa sahig.

"Papa, okay ka lang?" tanong ko na nag-aalala.

"Oo, anak. Namiss ko lang maupo sa sahig, ang ginhawa nga palang umupo rito," natatawang sabi ni Papa na tila may iniindang sakit.

Tinawanan namin ni Steph si Papa dahil halata namang nadulas ito. Nakakakalat naman kasi ang wet ingredients ni Papa sa sahig na inuupuan niya rin.

Nang kinahapunan, sumulpot sina Dion, Alex, Dominic, Apollo, at Raze sa bahay. Pagpasok nila, agad nilang iniabot kay Stepheriela ang isang kahon ng Bavarian donuts.

"Steph, para sa'yo 'to!" sabi ni Dion habang inaabot ang kahon.

"Yehey! Salamat, Kuyas! The best talaga kayo!" tuwang-tuwang sagot ni Stepheriela habang kinukuha ang donuts.

May isa pang kahon na hawak si Raze at hinanap nila si Mama.

"Good afternoon, Tita! Chocolate cake nga pala dala namin kasi mahal namin kayo. Uhm... pwede po bang mag-inom kami rito sa inyo?" pagpapacute ni Alex kay Mama.

"Hay nako kayong mga bata kayo, kayo ang bahala basta huwag magpakalasing masyado, lalo ka na Raze. Baka magtantrums ka na naman at magpakanta ng Twinkle Twinkle Little Star," sagot ni Mama, na nagawa pang asarin si Raze.

"Opo, Tita! Narinig niyo yun? Tara na, Frost! Laban ka na sa amin, inom tayo!" hamon ni Dominic habang nilalapag ang mga dala nilang alak at pulutan.

"Oh sige, game na, pero konting inom lang ako," sagot ko, medyo excited din.

Nag-umpisa ang kwentuhan at tawanan. Nang biglang naghamon ng kantahan si Apollo, napahalakhak kami dahil isa lang ang ibig sabihin nito, lasing na siya dahil malakas na ang loob kumanta. Lahat kami, pati si Mama na nasa loob ay napalabas at tawang-tawa sa sintunadong pagkanta ni Apollo.

"Grabe, Raze! Pati si Mama tawa nang tawa!" sabi ni Dion habang tumatawa na halos malaglag na sa bangko.

"Sorry po, Tita! Ang ingay namin!" sabi ni Alex habang nakatawa.

"Ayos lang, anak. Natutuwa nga akong makita kayong masaya," sagot ni Mama.

"Oh, mamaya ka na maglagay ng kanta mo, Dom! Ako muna, isa pa teka," pagpigil ni Apollo kay Dominic na maglalagay na sana ng kanta niya.

"Ano ba naman yan, Apollo! Yung kakaisa mo pa, eh umabot na ng isang oras kaya kami naman. Gusto na namin magduet ni Dion oh!" hirit naman ni Dominic habang akbay-akbay si Dion.

Habang tumatagal ang inuman, lalo pang nagiging masaya at magulo ang grupo namin.

Biglang tumayo si Alex at nagsimulang sumayaw ng Budots, sabay hiyaw ng "Budots time! Taga-saan ka?" Biglang sigaw ni Alex.

"Taga-bahay!" sabay-sabay naming sigaw na naging dahilan ng pagtawa namin na halos ikahulog na sa mga upuan namin. Sabay-sabay kaming sumayaw ng Budots, na parang mga baliw na gumegewang hanggang sahig.

"Grabe, Alex! Anong nangyayari sa'yo?" tawa ko habang hawak-hawak ko ang tiyan ko sa sobrang pagtawa. Paano ba naman, biglang umakyat sa lamesa si Alex at doon nagpatuloy sa pagsayaw.

"Budots, budots! Eyyy!" sigaw ni Alex habang nagwawala sa gitna ng lamesa na sinabayan naman ng pangmalakasan sayawan ng lahat.

Hindi pa natatapos ang kalokohan. Biglang nag-iiyak si Raze na parang batang nagtatantrums.

"Frost! Ayoko na! Wala na akong alak!" iyak ni Raze na daig pa ang batang inagawan ng candy.

"Raze, grabe ka! Tumigil ka nga dyan!" sabay ni Dion habang hinahampas siya ng unan.

"Dion, dagdagan mo pa, please!" sabi ni Raze habang patuloy na umiiyak at naglulupasay na ngayon sa sahig, kaya naman lalong lumakas ang pagtawa namin.

"Lasing ka na talaga, Raze! Sige na, tama na yan!" sabi ni Dominic habang tumatawa.

Nakakatawa ang mga nangyayari, mula sa pagwawala ni Alex sa Budots hanggang sa pagtatantrums ni Raze na parang bata. Nagpasimula pa ulit ng laro na Trip to Jerusalem si Raze at hindi na kami nakatanggi dahil alam namin maglulupasay ito pag hindi kami nakisakay sa trip niya.

"Frost, ikaw na! Maupo ka na!" sigaw ni Dion habang patakbo na ako sa upuan.

"Ay naku, Raze! Ang daya mo, hinila mo yung upuan!" reklamo ko habang nagtatawanan sila.

Tunay ngang mahaba ang gabi, napatunayan na naman namin ito ngayong gabi. Hindi ko na ito irereklamo dahil ito ang break na kailangan namin sa mga academic-related stuffs na haharapin na naman namin sa Lunes.

Pagkatapos ng masayang Sabado at pagpapahingang Linggo, mabilis na lumipas ang oras at ayan Lunes na ulit. Papasok na naman ako sa klase, at nararamdaman ko na ang pressure lalo na't exam week na next week. Parang mga lantang gulay na kami sa dami ng lectures na kailangan aralin.

"Guys, parang mababaliw na ako sa dami ng kailangang gawin," sabi ko habang naglalakad papuntang classroom.

"Kaya mo yan, Frost! Andito lang kami," sabi ni Alex habang pabirong kumindat.

"Gwenchana, teng neng neng neng," pagdadrama ni Apollo.

"Kaya mo yan aming Disney Princess! Go sexy! Go sexy, sexy love!" biglang sigaw ng mga ugok kong tropa na sinabayan din ni Alex, may pasayaw pa na naging dahilan ng pagtawa ko.
Napatakip na lang sa mukha si Dion sa kahihiyan na ginagawa nina Raze. Ang lalakas talaga ng tama.

Kahit saan talaga walang pinipiling lugar ang mga kalokohan ng mga tukmol na 'to.

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now