CHAPTER 10

117 6 0
                                    

FROST YOKO MARQUEZ

Pagkatapos ng morning class, dumiretso kami sa cafeteria. Habang naghihintay ng order namin, hindi pa rin nawawala sa usapan ang IT Aphrodite transferee.

Kahit sa hallway pa lang, siya pa rin ang pinag-uusapan, kung gaano ito kaganda at kung gaano kalakas ng aura niya. Agree rin naman ako sa kanila.

"Guys, ano sa tingin niyo ang reason kung bakit siya nag-transfer?" tanong ni Dominic habang kumakain ng fries.

"Baka may secret mission siya dito like, spy siya para sakupin ang Elerchon University," biro ni Raze.

"Baka naman simple lang, gusto lang niyang makapag-aral sa Elerchon," sagot ni Apollo.

"Or baka naman may hinahanap siyang something or someone. Alam niyo na, parang sa mga movie," hirit ni Alex.

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan habang tahimik kong pinagmamasdan si Calli, na nakaupo sa kabilang table. Kahit pagsubo niya ng carbonara ay napakaelegante.
Tahimik siya at tila walang pakialam sa paligid. Maraming nakatingin sa kanya, at may mga lumalapit din, pero hindi niya pinapansin.

"Mukhang kailangan nating alamin ang mystery behind Callista Faye Turlington," sabi ni Raze, sabay taas-baba ng mga kilay.

"Hay nako, nananahimik yung tao. Wag ng pakialaman buhay ng iba, guys," sabi ko, kahit alam kong ako mismo curious din.

"Baka naman kasi may dark past or secret love life na gusto niyang itago," sabi ni Raze na kung ano-anong conclusion na ang nabuo.

"Hindi naman siguro. Pero bakit nga ba siya lumipat?" tanong ni Dion, na parang nag-iisip ng malalim.

"May boyfriend na kaya siya?" tanong ni Dominic kaya nakatanggap ito ng sapak kay Dion.

Bago pumunta sa kasunod na klase namin sa afternoon class, humiwalay muna ako sa kanila dahil magccr muna ako. Habang naghuhugas ako ng kamay, may pumasok din pero hindi ko na lang pinansin. Natural lang naman na may pumapasok sa cr.

Napalingon lang ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Pagtingin ko sa salamin, nabigla ako dahil nasa likod ko si Faye.

"Oh, hi?" sabi ko, at nagulat din ako nang ngumiti siya nang matamis.

"It's nice to see you again, Yoko," sabi nito na may mayroon pa ring matamis na ngiti.

Siya nga ang Turlington na nakasama ko noon sa dagat. Grabe, ang ganda niya talaga. Bumagay sa kanya ang blonde niyang buhok. Nalulunod na naman ako sa kulay asul at berde niyang mga mata niya. Nasabi ko na bang ang ganda-ganda niya?

Natauhan ako nang bigla siyang tumawa. "You never change since that day. You really have a hobby to go to other dimensions when talking to me," sabi niyang nakakaloko.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Yan mismo ang sinabi niya noon. Hindi ako makasagot, hindi ko talaga alam ang sasabihin.

"Hindi naman sa ganon," nahihiya kong sagot at tumingin sa sahig.

"Uhm, I should introduce myself properly. So yeah, I'm Frost Yoko Marquez and classmate mo this semester, Faye," pagpapakilala ko, at ngumiti na naman siya. Tunaw na tunaw na ako rito, grabe, grabe talaga.

"Faye? Hmm you already using my second name when no one does, huh?" shet, ang ganda-ganda niya. Sana lagi na lang siyang nakangiti.

"So you're Frost Yoko, Yoko. Hmm, but I'll still stick on calling you Yoko," Grabe, nanghihina na ako.

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now