CHAPTER 3

112 7 0
                                    

Frost Yoko Marquez

"Frost, anak, bumangon ka na dyan at kumain. Baka mahuli ka sa klase mo. Babyahe ka pa naman," sigaw ni papa mula sa kusina.

Bumangon na ako at bumaba. Sa kusina, nakita ko ang buong pamilya ko na naghahanda ng almusal. Si mama, busy sa pag-serve ng pagkain. Si papa naman, abala sa pagpapatawa sa bunso kong kapatid habang masayang kumakain ng pancakes na hugis pusang gawa ni papa.

"Good morning, ma! pa! at sa favorite kong bunso !" bati ko habang nag-iinat.

"Good morning, ate Frost! ako talaga favorite mo kasi nag-iisa naman ako." masiglang bati ni Steph, sabay abot ng isang slice ng pancake

"Eto na ang paborito mong pancake, anak," sabi ni Papa habang naglalagay ng syrup sa pancake ko.

"Tingnan mo, may mukha pa ng pusa. Ikaw na bahala magbantay kay Sky mamaya, ha Steph."

"Opo, ate Frost! Pagkagaling ko nga galing school at tapos na assignments ko lagi na nakadikit sakin si Sky, ate!" excited na kwento ni Steph.

Si Sky ang pusa naming kulay puti na parati kong katabi matulog. Ang cute niyang kasama sa kama lalo na't lagi niya akong niyayakap pabalik.

Habang kumakain kami, hindi pwedeng walang biruan.

"Papa, si ate Frost daw hindi maliligo. Hindi ko na kinakaya amoy mo ate!" biro ni Steph.

"Haha! Naligo ako kahapon, okay na yun," sagot ko, sabay tawa.

"Nako, Frost, baka maglayuan ang mga classmates mo sa iyo," sabi ni Mama habang tawa nang tawa.

"Sus! Di naman ako aabot ng ganun, ma. Maliligo na ako, don't worry," sabi ko habang inaabot ang natitirang pancake.

Natapos ang almusal namin na puno ng tawanan at biruan. Napaka-close ng pamilya ko at talagang masaya lagi ang umaga namin.

Pagdating sa Elerchon University, excited na akong makita ang mga kaibigan ko. Pumasok ako sa unang subject ko sa araw na ito-Computer Programming and Operating Systems.

Pero teka, bakit wala na naman sina Dominic, Dion, Apollo, at Raze? Sa first day nga eh wala sila tapos wala pa rin ngayon? ano na naman kayang kalokohan ang mga ginawa nila?

Kapansin pansin talagang puro lalaki ang tropa ko, pero they treated me as one of the boys.

Isa pang instances kaya puro lalaki sila ay IT ang course namin na puro talaga lalaki ang kumukuha, may iba naman akong mga kaibigan na mga babae bukod sa kanila pero sila lang talaga ang pinakaclose ko.

Nagsimula ang klase, at wala pa rin sila. Naku, lagot sila sa akin! Tatlong oras na puro codes, debugging, at kung anu-ano pang technical stuff. Nakakapagod, pero okay lang dahil medyo napanatag ako nang malaman kong papasok sila sa afternoon classes pero grabe sa major pa talaga umabsent.

Pagdating ng lunch break, nakita ko na sila sa paborito naming pwesto sa cafeteria. May kanya-kanyang drama at dahilan kung bakit absent sila.

Sinalubong ko sila ng isang malakas na "Ano ba kayo! Saan kayo kahapon?" at isa-isang sinapok ang mga ulo nila. Halos lahat ay nagtinginan sa parte namin, nahiya tuloy ako at hindi ko rin naisip na mapapalakas pala pagsigaw ko sa kanila.

"Ano ba yan, Frost!" reklamo ni Dominic habang hawak ang kanyang ulo. "May valid reason kami!"

"Oo nga, Frost! Isa-isa lang!" sabi ni Raze na umiwas pa na parang may paparating na sampal.

Seryoso kong tinitigan si Dominic. "Ikaw, Dom, bakit ka absent?"

"Eh kasi... ano, um, may nakita akong tweet sa Twitter ng crush kong taga-kabilang department, papunta raw siya sa bgc kaso walang kasama. Edi ano minessage ko siya na pwede naman ako," paliwanag ni Dominic habang namumula.

"Pffft, ang OA mo, Dom! Ikaw naman, Dion, bakit wala ka?", tanong ni Alex.

Nagkibit-balikat si Dion. "Eh si Dominic, sinama ako. Kasama pala nung crush niya mga babae niyang kaibigan din. Di ko naman maintindihan bakit pa ako sinama, pero sige na lang, para hindi siya magmukhang natatae mag-isa kasama crush niya"

"Mga baliw kayo talaga," sabi ko habang humahagikhik. "Apollo,ikaw anong rason mo?"

"Hmm," simula ni Apollo na parang nahihiyang magsalita. "Eh kasi... natulog ako ulit pagkatapos bumangon. Pagkamulat ko, late na ako! Hindi na ako pumasok, tulog na lang ulit."

"Seriously, Apollo?! Ganyan ka ka-walang kwenta," sabi ni Raze na tumatawa. "Frost, ako na lang natitira. Simple lang reason ko, hindi ko alam na first day na pala kahapon."

"Mga gago talaga, hindi ko kayo pinalaking ganyan. Pumasok na kayo simula ngayon kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa mga magulang niyo!" sabi ko habang isa-isa silang tinuturo.

Nakita ko ang takot sa mga mukha nila, close ko mga mommy nila kaya talagang mamumutla ang mga ito. Maayos din naman sila mag-aral, ang iba nga lang katulad ni Dom ang tamad. Muli kaming nagtawanan.

Sa hapon, PE class namin. Badminton ang laro namin ngayon, paborito ko ito simula bata pa ako pero hindi ko na napagtuunan ng pansin noong high school ako.

"Tara, Frost! Partner tayo," sabi ni Alex. "Pakitaan mo kami ng galing mo."

"Game! Pero wag ka mag-expect ng sobra, ha," sagot ko habang naghahanda na ng raketa.

Masaya ang laro namin at talagang nabuhayan kami ng dugo. Parang bumalik ang high school memories ko.

Tawang tawa kami kina Dominic at Dion, papano tumama sa noo ni Dom ang shuttle cock at nahampas ni Dom ang PE instructor namin kaya ang sama-sama ng tingin sa kanila.

Pagdating ng hapon, Mathematics in the Modern World na ang subject namin. Medyo kabado ako kasi hindi ko talaga forte ang Math, at terror pa si Sir Monte.

"Baka tumambling ako dito sa Math na 'to," sabi ko kay Alex habang papunta kami sa classroom.

"Relax lang, Frost. Kung bagsak, bagsak. At least, hindi tayo mag-isa," sagot ni Alex habang humihikab.

Nagsimula ang klase at tulad ng inaasahan, parang digmaan na naman. Seryoso si Sir Monte at parang wala siyang planong magpaawat. Pagkatapos ng klase, halos sabay-sabay kaming huminga ng maluwag.

"Guys, tapos na ang 2nd day! Tara na, labas tayo. Street foods tayo sa may simbahan." aya ni Dion.

"Game! Pero magpapaalam muna ako kay Mama," sabi ko. Tinawagan ko si Mama at nagpaalam na lalabas muna kami.

Sa may tabi ng simbahan, isang linya ng street foods ang sumalubong sa amin. Fishballs, kikiam, kwek-kwek. Lahat ng paborito naming merienda. Nag-enjoy kami ng sobra sa pagkain at tawanan, Isa ito sa favorite naming puntahan pagkatapos ng klase. Para kaming mga bata na walang iniisip na problema.

"Frost, ang dami mong kinain, baka di ka na makapagdinner mamaya. Hala! lagot ka nyan kay tita," biro ni Dominic.

"Naku, di pwede yun. Kahit busog, kakain pa rin ako ng dinner kasama pamilya ko," sagot ko.

Pagkatapos naming mag-street food, dumaan pa ako sa Jollibee para bumili ng pasalubong kay Stepheriela. Paborito niya ang Jolly Spaghetti at Chickenjoy, kaya binilhan ko siya ng combo meal.

Pag-uwi ko, sinalubong ako ng bunsi kong kapatid at hinila ako sa hapag-kainan. Kahit busog na ako, kumain pa rin ako ng konti lalo na at paborito kong adobo ang ulam. Ganito kami, laging sabay-sabay kumakain kahit pa galing kaming labas.

"Anak, kamusta ang second day?" tanong ni Mama habang kumakain kami.

"Okay naman po, ma. Medyo nakakalugaw lang sa Programming, at natulala talaga ako sa Math subject, pero kinaya naman," sagot ko.

"Tama yan, anak. Basta enjoy mo lang," sabi ni Papa habang naglalagay ng ulam sa plato ko. "

Ayan na si Sky sa paahan mo oh, miss ka talaga lagi ng pusa mong yan."

Pagkatapos ng dinner, tinabihan ko si Sky sa kama. Pumikit ako at napangiti. Ang daming nangyari ngayong araw, pero at least nairaos naman.

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now