CHAPTER 9

84 5 0
                                    

FROST YOKO MARQUEZ

Ngayong araw ay ang first day ng 2nd semester. Kahapon pa lang ay bumalik na ako sa apartment ko para maghanda sa 2nd semester ko sa Elerchon University.

Maaga akong nag-ayos at hindi na nga rin ako nakapag-almusal. Napili kong suotin ngayong araw ang black and white Nike shoes, black cargo pants, white na baseball jersey, at ang paborito kong black cap.

Susunduin ako ni Dion ngayon, at nang may bumusina, agad akong lumabas dahil alam kong si Dion na iyon.

"Woah, ang cool na naman ng outfit mo, Frost! First day na first day parang fashion show ang pupuntahan at hindi sa Elerchon University eh," bungad ni Dion habang tinitingnan ang outfit ko.

"Woah, marunong na mangbola si Dion namin ah," sagot ko at inakbayan na ako papunta sa kotse niya.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan habang papunta sa university. At pagdating namin sa parking lot, nakita na namin sina Raze, Alex, Dominic, at Apollo na nag-aabang sa amin.

"Wow, first day at pumasok kayo! I'm so proud of you guys," sabi ko, habang pinupunasan ang imaginary tears ko.

Napatawa ang mga kaibigan ko at biglang sumulpot si Raze sa tabi ko.

"Oh, ikaw talaga, Frost! Oh hot dark chocolate para sa aming Disney Princess na mas maangas pang pumorma sa amin!" biro ni Raze habang ginugulo ang buhok ko.

"Sus, baka nagiging crush mo lang ulit 'tong si Frost eh," pang-aasar ni Alex.

"Nagbibiro lang naman ako eh. Pero, cool talaga si Frost. Kita mo, lahat tayo ay nagpapatulong mamili ng damit pag nasa mall tayo!" sagot ni Raze.

Natawa silang lahat, pero si Raze, wala yatang magawa at napiling guluhin ang buhok ko.

"Ito na naman si Raze, oh! Ginugulo na nga buhay ko pati ba naman buhok ko!" biro ko habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay ko.

"Hoy, wag mo nang guluhin ang buhok ni Frost! Baka magsimula na naman ang 'Frost Fashion Show' natin dito sa hallway!" singit ni Apollo.

"Grabe guys ha, kotang-kota na ako today. Nagbibiro nga lang ako, pero totoo naman! Si Frost na naman ang center of attention sa ating lahat!" sabay tawa ni Raze, habang hinahaplos ang buhok ko.

Natawa na lang ako sa mga biro ng mga kaibigan ko, habang patuloy kaming naglalakad papunta sa classroom.

At ito na naman tayo sa usapan tungkol sa babaeng transferee sa university namin. Sobrang dami na ng usap-usapan na parang hindi na kailangan ng social media para mag-search ng information tungkol sa kanya. Sa palagay ko rin ay alam na ng lahat ng estudyante rito sa university ang tungkol sa transferee na sa IT department daw nag-enroll.

"Grabe, guys, feeling ko kilala na natin siya bago pa man natin makita ng personal!" sabi ni Alex, na hindi na makapaghintay na makita ang "blonde Aphrodite" sa IT department.

"Yung mga mata rin daw niya ay magkaiba ang kulay, blue and green. Gusto kong makita na talagang makita siya sa personal," dagdag pa ni Alex.

"Kaya nga, eh! Parang bawat hibla ng buhok niya, kilala na natin!" dagdag ni Dominic, na halos parang may checklist na ng mga tanong sa kanyang utak tungkol sa transferee.

"Ano sa tingin mo, Frost? " tanong ni Apollo.

"Hindi naman ako ganoon ka-interesado doon sa transferee," sagot ko.

"Parang wala sa mood ang Disney Princess natin ah," biro ni Dion.

"Eh kasi naman ang aga ng pasok natin ngayon at kulang ako sa tulog dahil nga kakabalik ko lang ng apartment kahapon at natagalan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Sana naman matahimik na muna ang mga tao ngayon, kahit ngayon lang," pagrarant ko sa kanila.

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now