CHAPTER 8

86 4 0
                                    

FROST YOKO MARQUEZ

Tapos na ang 1st sem at nagkaroon kami ng sembreak na tatlong linggo. Ok na rin kaysa wala. Miss ko na ang pamilya ko lalo na ang bunso namin. Di ko sinabi sa kanila na uuwi ako, gusto ko kasi silang surpresahin.

Pagdating ko sa bahay, may dala akong cake, Bavarian doughnuts, pizza, at pansit na ipapaluto ko kay tatay. Kumatok ako sa pintuan at si bunso ang nagbukas.

"Ate Frost, maaaa, paaaa nandito si ate!" sigaw ni Stepheriela, sabay talon sa akin.

"Tada! Miss ko na kayo!" sabi ko habang yakap-yakap siya.

Dumating si nanay at tatay, parehong may mga ngiti sa mukha.

"Aba, surprise visit ah. Ano 'yang dala mo?" tanong ni nanay habang tinitingnan ang mga dala ko.

"Paborito nating lahat! May cake, pizza, at syempre, Bavarian doughnuts!" sabi ko, sabay taas ng mga dala ko.

"Ang sweet naman ng ate namin. Naku, baka naman mapuno na naman ang ref ng Dutchmill at Bavarian doughnuts," biro ni tatay.

"Haha, di biro yan, Pa. Bibili talaga ako para kay bunso," sabi ko habang tinatapik ang ulo ni Stepheriela.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa finals.

"Kumusta ang exams mo, Frost Yoko Marquez?" tanong ni nanay habang naghahain ng pansit.

"Grabe ma ha buong buo pa talaga pangalan ko pero yun ma makasurvive naman sa first sem. Nagawa ko lahat ng kailangan. Pero grabe, pagod na pagod talaga ako," sagot ko.

"Buti tapos na yun, anak. Ngayon, magpahinga ka na lang dito sa bahay," sabi ni tatay.

Kinahapunan, dumating ang mga gunggong kong kaibigan. Kakahiwalay palang namin kahapon at kabuntot ko na ulit sila sa bahay, hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kong miss din sila ng pamilya ko at masasaya talaga silang kasama. Nagtawanan kami habang naglalaro ng PUBG.

Syempre, may dala silang mga suhol kay nanay na pagkain at laruan para kay bunso.

"Diba Frost, sabi mo nangunguna si bunso sa klase. Dapat bigyan natin ng reward yan!" sabi ni Dominic habang abot ang isang malaking kahon ng laruan na puro Peppa Pig.

"Grabe kayo iniispoiled niyo na naman ang bunso natin!" sabi ko, sabay tawa.

"Eh ano ba naman yan, Dominic. Kaya mo bang tapatan ang Bavarian doughnuts ko?" biro ni Dion habang iniaabot ang isang kahon ng donuts.

"Ay, naku. Ito na talaga, wala na talo na tayo. Favorite of all time ba naman ang binigay," sagot ni Alex, sabay tawa.

"Mga kuya naappreciate ko lahat ng bigay niyo, gustong gusto ko 'tong lahat!" sagot naman ni Steph at niyakap ang mga kuya niya isa-isa.

Habang naglalaro kami ng PUBG, hindi pwedeng walang tawanan at asaran. Si Apollo, napaidlip habang in game kami.

"Nakuuu! Apollo, wala ka talagang kwenta! Tulog ka na naman!" sigaw ni Raze habang tawa ng tawa at dinapok si Apollo.

"Eh kasi, antok na antok na ako eh. Gabi na rin naman," sagot ni Apollo habang namumungay ang mata.

"Gabi? Alas-tres pa lang ng hapon, Apollo!" sagot ni Dominic habang tumatawa.

"Talo tayo kasi gawa mo," sabi ni Dion na tumatawa na rin.

Mabilis lumipas ang sembreak at enrollan na para sa 2nd sem. Tinanghali ako ng gising kaya puro missed calls at messages na mula kay Alex at sa group chat namin.

"Gising na, Frost Yoko! 8AM pa tayo dapat nandoon!" basa ko sa message ni Alex na halatang inip na dahil buong pangalan ko pa ang sinabi.

"9AM na? Nako, late na ako," sabi ko sa sarili ko habang nagmamadali.

Pagdating ko sa gate, ang ingay ng mga estudyante. May pinag-uusapan ang mga ito na akala mo ay may artistang dumating sa Elerchon University. Kaya ang chismosong si Raze tinanong ang isang taga-engineering na kaibigan niya.

"Pre, anong meron? May chix daw ah?" tanong ni Raze.

"Oo pre, kanina nandito siya. Parang sa department niyo yata kasi dun siya nakapila. Grabe, ang ganda niya talaga, pinakamaganda na sa lahat ng nakita ko," sagot ng kaibigan niya na parang nagdaydream pa.

"Anong pangalan? Transferee? Hindi ba bago yun?" tanong pa ni Dominic.

"Di namin alam, bro. Dami sumubok kumausap pero isa lang pinansin, yung unang kumausap pero tiningnan niya lang, yung mga sumunod wala na," sagot naman nung isa pang taga-engineering.

Naiintriga sila pero ako, wala akong pake kasi kabado rin ako sa kuhaan ng grades ngayon.

"Mga gago, makikita niyo rin siya sa 1st day ng 2nd sem. Dapat mas kabahan kayo sa grades niyo, lalo na sa mathematics Dom at Raze. Mga sinco kayo nung prelims," biro ko sa kanila.

Nagtawanan na naman sila, pero halatang kinabahan din bigla.

Pagkatapos kuha ng grades, laking tuwa ko kasi puro 1.25 pero sa math ay 2. Okay na rin, at least pasok pa rin GWA ko para sa Dean's Lister. Ang mga gunggong naman, napatalon kasi tres sa math.

"Di kami mag-uulit!" sigaw ni Raze, sabay drama na para bang nanalo sa lotto at nakipag-apir kay Dominic.

Nagtawanan kami habang pinagmamasdan ang mga reaksyon nila. Nakakahiya pero nakakatawa talaga sila.

Pagkatapos ng enrollan, umuwi na ako sa bahay. Ilang araw pa naman bago ang 1st day ng 2nd sem kaya sinusulit ko muna ang bonding kasama ang pamilya, lalo na kay bunso.

"Frost, luto na ang paborito mong adobo at tinola. Bumili rin ako ng Bavarian doughnuts para sa inyo ni bunso. I-celebrate natin kasi alam ko mahirap ang sem na 'to pero ang tataas ng marka mo," sabi ni tatay na proud na proud.

"Naku, Pa, salamat! Ang sasarap nito!" sagot ko habang yumayakap sa kanya.

Nag-rant ako tungkol sa mga naging subjects ko habang kumakain kami.

"Tay, grabe talaga si Sir Monte sa mathematics subject namin. Parang gusto ko nang umiyak sa bawat activity at exam," sabi ko habang humihigop ng sabaw ng tinola.

"Grabe nga yan nak pero buti tapos na, bagong semester na naman," sabi ni nanay.

"Naku, Ma, Pa,kaya ko 'to ako pa ba. Bahala na sa grades!" sabi ko sabay tawa.

Kinagabihan, nakahiga kami ni Steph sa kama ko dahil gusto niya raw akong katabi ngayon habang nanonood ng paborito niyang Peppa Pig. Si Sky, ang pusa namin, ay nasa tiyan ko.

"Minsan talaga, Steph, gusto ko na lang maging pusa. Puro tulog at higa lang, walang exams," sabi ko habang hinihimas si Sky.

"Ate, kung maging pusa ka, papakainin kita ng Bavarian doughnuts araw-araw!" sagot ni Steph na tawa ng tawa.

Panibagong semester na naman at alam kong maraming mangyayari. Pero sa ngayon, namnamin ko muna ang mga masasayang sandali kasama ang pamilya ko

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now