CHAPTER 6

93 5 0
                                    

FROST YOKO ELIRKIN

Ang bilis ng panahon, at kakatapos lang din ng midterm exam. Parang kelan lang eh, nastrestress pa kami sa prelim exam. Ngayon, nagsimula na ang finals, ang huling term para sa 1st sem. Marami nang nangyari, at nakalipat na ako sa apartment.

Naiyak pa ang pamilya ko lalo na si Stepheriela, ang bunsong kapatid ko. Napatawa na lang ako habang pinapakalma siya, pero nangako akong bibisita pag di ako busy. Tinulungan nila ako sa paghakot at pag-ayos ng gamit sa apartment ko.

Grabe na ang finals, parang inuubos na ang lakas namin dahil sa daming requirements. Kaya naisipan kong gumala mag-isa para makapag-relax kahit papaano.

Nasa isang café ako, umiinom ng hot dark chocolate at kumakain ng Bavarian doughnut at croissant. Sarap na sarap ako habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan.

Pagkatapos, pumunta ako sa bookstore para maghanap ng mababasang libro. Habang nagbabrowse, hindi ko inaasahan na makita si Turlington.

Matagal ko na siyang hindi nakikita, pero wow, ang ganda pa rin niya. Ang kulay itim niyang buhok ay ngayon ay blonde na, maganda siya oo pero mas gumanda siya ngayon. Nakakunot pa ang noo nito habang hawak ang dalawang libro-cute!

Naalala ko yung sinabi niya noon nang itanong ko ang pangalan niya pero ang last name niya lang ang binigay niya. "You should find it out yourself." Napangiti ako habang iniisip yun.

Natulala ako at lumipad na ang isip sa pag-alaala sa una naming pagkikita, hindi ko na namalayan na umalis na ito at ng mawala siya sa paningin ko ay doon lamang ako bumalik sa reyalidad.

Hinanap ko siya sa loob ng bookstore at ng hindi ko siya nakita ay tumakbo ako sa labas, nagbabakasakaling mahanap siya.

Hindi ko alam bakit ko ba siya hinahanap, hindi ko rin naman alam ang sasabihin kung kakausapin ko siya at baka nga hindi na niya ako kilala dahil kahit ako nga ay nalimutan ko na siya dahil sa daming nangyayari sa college life ko.

Hindi ko na siya muling nakita, di ko alam kung hallucination lang iyon. Pero isa ang sure ako, masaya ako at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kabilis ang tibok ng puso ko.

Nasa apartment na ako ngayon, nag-a-adjust pa rin sa panibagong takbo ng mga araw ko. Kabi-kabila ang mga projects at quizzes dahil nalalapit na rin nga ang pagtapos ng finals. Oo malapit na rin sa wakas ang finale ng finals.

Habang nagbabasa-basa ng mga topics sa major, nahinto ako dahil nag-ring ang phone ko. Si Alex pala, nagyayayang lumabas.

"Frost, kailangan natin ng break. Kape tayo sa Moiré cafe!" sabi ni Alex, halata ang excitement sa boses.

"Sure, I'll be there in 10," sagot ko.

"Alright, sissy ko. Sunduin ka raw nina Dion at Dominic,"

Pagdating namin sa café, naroon na sina Alex, Apollo, at Raze.

Tinatawag na naman nila akong Disney Princess, palagi na lang. Ang cringe pero masaya akong may mga kaibigan akong pinoprotektahan at tinuturing akong kapatid.

"Mga pre andito na ang ating Disney Princess!" bati ni Dion habang kumakaway.

"Bakit hindi mo suot ang korona mo aming Disney Princess? nawawala ba? teka ioorder na kita online" pagbibiro naman ni Raze.

"Mga loko, para kayong mga bata," sabi ko habang umupo sa tabi nila.

"Eh, mas bagay kasi na may korona ka kasi ikaw nga ang aming Disney Princess," sabi ni Dominic habang naorder ng drinks and pastries namin.

"Ako, mas bagay sa akin ang helmet. Pang-ligtas ng mga puso!" sabi ni Raze

"Sus, ang sabihin mo bagay sayo ang helmet para ibibigay mo sa mga babae mo para hindi mauntog," pang-asar naman ni Alex.

"First of all, wala namang papatol kay Raze. Delusyunal lang talaga yan kaya need niya ng helmet para hindi siya magising sa katotohanan," pang-iinis ko.

Tawa nang tawa kami habang nagkukuwentuhan at nagrarant ng mga ganap sa amin ngayong finals. Naging masaya ang gabing ito kahit na pagod na pagod kami sa acads, parang wala kaming alalahanin kapag magkakasama kami.

Kahit na nakakapagod ang pag-aaral, alam naman namin na ang laughter ang isa sa best stress-reliever. Pero nasobrahan na yata kami, mga mukhang mga baliw kakatawa sa mga kalokohan.

"Grabe, guys. Parang gusto ko na lang maging barista dito at magtimpla ng kape araw-araw," sabi ni Raze habang hinihigop ang cappuccino niya.

"Ge ge, Raze. Kaso lang baka sa halip na kape, tsaa ang ma-serve mo sa sobrang pagod," sagot ni Dion na nagpapatawa.

Nanatili pa kami sa cafe ng halos isang oras bago napagpasyahang umuwi, hinatid nila akong lahat dahil delikado na raw at madilim na.

Nang nakauwi na ako sa apartment, sinadya kong tawagan ang pamilya ko. Excited akong ikinwento lahat ng nangyari sa araw ko. Si Stepheriela, sobrang excited din makinig na ikinatuwa ng puso ko.

"Ate Frost, when are you coming home? I miss you na!" tanong ni Stepheriela sa kabilang linya.

"Soon, baby. I promise. I'll bring you something nice," sagot ko habang pinipigilan ang luha. Miss na miss ko na ang pamilya ko lalo na ang bunso kong kapatid-baby ko siya forever. Sobra talaga ang soft spot ko sa baby bunso namin na yan, oa na kung oa pero wala eh nanlalambot ako sa kapatid ko.

Naalala ko na naman ang pagkikita namin ni Turlington, ay, hindi, ako lang pala ang nakakita sa kanya at tiyak hindi niya ako nakita. Kung nakita man niya ako ay baka hindi na ako naalala dahil kahit nga ako ay hindi ko na maalala kung hindi ko pa siya nakita kanina. Kahit na ganoon ay masaya pa rin ako, naging mas mapayapa pa ang pakiramdam ko.




//malapit na naman lumabas si Faye, intay lang guys at binibuild pa natin ang character ni Yoko~

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now