CHAPTER 12

269 11 3
                                    

FROST YOKO MARQUEZ

Nasa gitna kami ng kwentuhan nang biglang pumasok si Ms. Froila, nagtaka pa kami dahil wala naman kaming klase sa kanya ngayong araw. Si Alex, na kanina pa nagkukwento tungkol sa bagong laro na nilalaro niya, ay biglang tumigil at nagtaas ng kilay.

"Oh no, guys! Baka wala si Ms. Garcia tapos may surprise quiz Kay nandito si Ms. Froila!" sabi ni Raze na nagpapanic dahil hindi raw siya nakapagreview.

"Good afternoon, IT. I have an exciting announcement to make. This year, IT department will be hosting a three-day team building event called 'TechConnect Retreat!' So make sure to prepare," announced ni Ms. Froila.

"Wow, three days and two nights! Last year, isang araw lang," sabi ni Dion habang excited na tinatapik ang balikat ko.

Halos lahat ay natuwa sa balita, parang mga hindi college student sa pagpalakpak na akala mo ay may tinatawag na kalapati. Isama mo pa ang pagtili ng ilan, katulad na lang nitong si Alex.

"Hindi lang ito basta-basta teambuilding ha. Mayroon ding seminar tungkol sa pinakabagong advancements sa IT industry. Maraming speakers na mga experts  sa field na ito ang dadalo. May mga exciting activities din na inihanda para sa inyo, and I promise you, it will be worth your time," dagdag ni Ms. Froila.

"Ma'am, saan po gagawin?" tanong ni Dominic na halatang excited na rin.

"Sana sa beach resort naman!" sigaw naman ng ilan naming kaklase.

"The event will be held at GRT Resort, a beautiful location perfect for learning and bonding. This will also be a great opportunity to get to know each other better in the IT department and work together as a cohesive unit."

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Excited din ako, pero hindi ko pa rin sure kung sasama ako. Gusto ko na lang ipahinga yung three days na yun sa bahay para makasama ko naman ulit ang pamilya ko. Miss ko na sila lalo na si bunso. Gusto ko rin magmarathon ng mga bagong series sa Netflix!

"Sounds fun, right?" bulong ni Alex na akala mo ay papuntang Enchanted Kingdom sa pagkaexcite.

"Hmm, yeah," sagot ko. Pero ang totoo, mas gugustuhin ko na lang magpahinga at matulog.

Ayaw ko sanang sumama kasi tinatamad din ako, pero napatingin ako kay Faye at sa mga kaibigan kong nagniningning ang mga mata.

"Frost, sama ka ah! Alam ko na pagganyang natutulala ka, dapat lahat tayo kompleto. Kahit doon ka na lang magpahinga!" sabi ni Apollo na ikinangiti ko.

"Hindi pwede na hindi ka sasama, Frost. We’ll make sure it will be fun!" dagdag pa ni Raze.

"Wala kang takas!" paggatong pa ni Dominic.

"Fine, sasama na ako. Basta sasali si Raze sa lahat ng activities," sagot ko na nakapagpabusangot kay Raze.

"Yun naman pala eh! Ayos na tayo dyan!" sabi ni Apollo na tinatawanan si Raze.

"Ulol! I-train mo ako sa coding, Dion ha. Gagawin ko yan Frost basta kasama ka ha! Mukhang mapapahamak pa ako rito!" sagot ni Raze na parang nagsisisi na nag-oo sa kondisyon ko.

"Ano kaya ang magiging activities natin?" tanong ni Dominic.

"Siguro may mga team challenges at workshops tapos may nga prizes din!" sagot ni Dominic na iniimagine na ang mangyayari sa team building.

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now