CHAPTER 5

94 6 0
                                    

FROST YOKO MARQUEZ

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nandito na kami ngayon at last day na ng prelim exam week. Parang mga zombie na nga kami ng mga kaibigan ko, tulala at tuyot na ang mga utak.

"Frost, hindi ka man lang nagpakopya, ha! Hindi tuloy natin nagawa live in action yung techniques sa Bad Genius, mukha hindi pa kami makapasa ni Apollo, ikaw kasi Apollo magreview ka naman kasi," biro ni Raze at napabuntong hininga matapos ang exam sa gym.

"Parang dalawang pinto ang pagitan natin sa isa't-isa. Grabe talaga mga nagiging instructors natin, akala mo naman magkokopyahan tayo pero talagang magkokopyahan naman Pag may pagkakataon. Hays, di ko alam paano ako makakakopya sa'yo kanina lalo na at nasa pinakauna pa kami ni Raze," reklamo ni Apollo na natulala na naman.

"Haha! Kahit kumandong pa kayong lahat sa akin, wala tayong maisasagot," sagot ko habang napapakamot sa ulo.

Napagdesisyunan naming mag-mall para mag-unwind. Ganito na talaga kami, kahit noong first year pa lang, naglalakwatsa pagkatapos ng exam, parang mga batang nasabihan ng mga nanay na bilhan ng ice cream.

"Hoy, mga batang 'to, behave kayo ha! Nakakahiya kayo," sabi ko habang pasulyap-sulyap sa paligid, para na naman akong nanay nila na nagbabantay ng mga pasaway na anak.

"Relax ka lang, mommy Frost!" sabi ni Alex sabay hagikgik. "Magiging good girls and boys kami, pramis! I swear to God!"

"Dinamay mo pa talaga si God, labas ako dyan ha," sagot naman ni Dion.

Pagkapasok namin sa mall, parang mga batang sabik na sabik maglaro sa loob ng arcade ang mga kaibigan ko. Sa bawat sulok ng mall, may ginagawa silang kalokohan. Nakaka-stress na nga, parang mas nakakapagod sila kaysa sa exams.

"Naku, Dominic, huwag mong hawakan 'yan!" sigaw ko habang hawak niya ang isang life-sized na cardboard cutout ni Captain America. "Baka mapalayas tayo rito!"

"Anong gagawin natin?" tanong ni Dion habang hawak ang isang malaking stuffed toy na parang ayaw na niyang bitawan.

"Mag-photobooth tayo!" sigaw ni Dominic, parang bata na unang beses lang nakakita ng photobooth.

"Ayan na naman tayo sa photobooth," sabi ko na may halong pagtawa. "Hindi ba kayo nagsasawa?"

"Never!" sagot nilang sabay-sabay. Isa rin kasi ang photobooth sa hindi namin kinakaligtaan tuwing may nakikita kaming photobooth.

Dagdag memories din kasi, alam nilang mahilig ako sa pictures kaya nakakatawa na sila na mismo nag-iinsist na gawin namin yung palagi. Ang dami ko na rin ngang nailagay sa collect book ko ng photobooth strips kasama ang mga kaibigan ko.

Pumasok kami sa photobooth, at sa bawat click ng camera, puro kalokohan ang poses ng mga kaibigan ko.

May nagwa-wacky, may pose na nakaturo sa akin, at siyempre, ang serious facial expressions na nakahalukipkip pa na parang mga bodyguard ko.

Pagkatapos ng photobooth session, nakita namin ang isang grupo ng mascots na sumasayaw at nagpopromote ng bagong store. Biglang lumapit si Raze sa isang mascot na mukhang teddy bear at nagsimulang mag-twerk.

"Raze, ano ba 'yan! Mabuti pa yung mascot, may dignidad pa," sabi ni Apollo habang tumatawa.

"Naiinggit ka lang kasi wala kang moves!" sagot ni Raze sabay peace sign.

The Ocean and Her Ocean Eyes || FAYEYOKOWhere stories live. Discover now