Chapter 1

503 14 1
                                    


New

"Gising na senyorita!" Agad ako napabalikwas sa bangon nang marinig iyon. "Kakain na." Sunod ko pang narinig.

Aga aga naninigaw.

Nag unat na ako at inayos na ang hinigaan ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Alas sais na ng umaga at alas otso ang pasok ko. Sobrang aga ba naman ako ginising. Pero ok na rin 'yon dahil, mabagal ako mag ayos at mamili ng masusuot.

Pagkatapos ko maligo ay lumabas na'ko ng banyo at ilang minuto tumayo sa bukas kong kabinet. Tinitigan ko lang ang mga damit ko at nag isip isip. Mga ilang minuto, nakapag desisyon na ako sa damit na gusto ko masuot ngayon.

I hope my picked outfit would turn out good, just like in my imagination. Fingers crossed.

Pagkatapos ko masuot ang pinili ko ay agad din ako pumunta sa harap ng whole body mirror na malapit sa pintuan ng banyo ko. At ang masasabi ko lang ay, it turned out so good! Perfect.

Hinayaan ko muna ang tuwalya sa ulo ko na nakapulupot sa basa kong buhok at lumabas sa kwarto para bumaba at kumain.

"Magandang umaga po, 'nay." Bungad na bati ko at humalik sa pisnge niya.

"Oh, Jam. Umupo ka na dito at ihahatid ka raw ng kuya mo sa bagong paaralan mo ngayon." Ngayon nga pala ang unang araw ko sa ibang kolehiyo.

Nae-excite ako na kinakabahan at the same time. Sana mababait ang mga professor at ang magiging kaklase ko.
Kaunti na lang, maabot ko na ang pangarap ko.

Ang umupo sa piloto. Eme!

Syempre ang sumampa sa eroplano at babatiing ang mga pasahero ng "Mabuhay!"

Napangiti na lang ako sa iniisip at hinanap ang isa pang tao rito sa bahay.

"Nasaan po si Lolo?" Tanong ko at pinaghandaan ang sarili.

"Maaga siya umalis. Hindi ko natanong kung saan siya pupunta. Siguro ay naghahanap na naman 'yon ng matatrabaho." Sagot ni Nanay habang sumusubo ng hotdog habang umiiling.

Matanda na si Lolo, nasa edad sais senta pero kung gumalaw ay parang nasa mid 20s. Gala kasi 'yong Lolo ko na 'yon at mas gugustuhin na kumayod kesa sa nandito lang sa bahay.

Ilang beses na namin siya kinausap na 'wag na magtrabaho dahil baka mapano pa ito at dahil na rin may trabaho naman na si Kuya ngayon. Pero ayon, nagmatigas at gusto pa kumayod. Mas gugustuhin niya pa daw na magtrabaho kesa maging pabigat sa bahay at mabulok dahil walang ginagawa.

Kahit kailan ay hindi namin inisip na magiging pabigat si Lolo dahil sa katandaan.

Si Lolo ang nakapag tapos kay Kuya, naipatapos niya si Kuya sa dati niyang trabaho na pagiging construction. Umalis ito sa pagiging construction dahil matanda na daw siya, at hindi na pwede sa mga gano'ng bagay. Lalo na't naipagtapos niya na rin si Kuya sa pag aaral.

Ngayon hindi na namin alam kung saan na naman ito pumupunta o kung ano ang ginagawa, dahil hindi siya nag sasabi sa'min.

Binibigyan rin ako ng baon kada linggo ni Lolo para daw hindi na daw ako manghingi kay Nanay.

A Wish Upon the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon