Chapter 7

108 5 0
                                    

Worried

Nasaan na ba kasi 'yon, nandito lang daw 'yon e'. Bakit ba kasi ang daming nakatambak dito, ang gulo tapos ang alikabok pa ng loob ng mga box.

Kanina pa ako pinagpapawisan dito, at hindi ko pa rin nahahanap 'yong pinapahanap sa'kin ni Nanay. Mag iilang minuto na'ko naghahanap dito, pero wala.

"Nakita mo na ba Jam?!"

"Hindi pa 'nay! Mukhang wala po dito!" Sigaw ko pabalik. Nasa babang palapag kasi si nanay na nag aayos ng mga dekorasyon tapos ako nandito sa kwarto niya, hinahanap ang iba pang dekorasyon lalo na 'yong tela.

"Tignan mo sa ibang box! Baka sa ibang box ko nailagay." Tumakbo ako pabalik sa kabinet kung nasaan ang iba pang gamit na hindi ko pa natitignan.

Iyong box kasi na hinahalungkat ko ay nando'n daw ang pinaka mahabang puting tela para sa lamesa, pero wala.

Kinuha ko ang last na box na pinaka malaki at nilabas sa kabinet. Dahan dahan ko itong binuksan para hindi masira, at nagpunas ng pawis bago magsimula na halungkatin.

Nasa kalagitnaan na ako nang matanaw ko na ang kulay puti sa loob. Nilabas ko ang nasa ibabaw no'n at hinatak palabas ang tela. Inunat ko ang tela at nagtaka kung bakit ang liit nito.

"Kasya ba 'to sa lamesa? Mukha namang lampin 'to." I examined the whole small cloth and saw a very little embroidery letters.

It was in a cursive form, the letter was, letter J, A, and M. Nagsalubong pa ang dalawang kilay ko na iba ang pagka ayos nito.

Mukhang lampin ko 'to no'ng baby pa'ko. After 22 years, mukhang maayos at ang puti puti pa nito, parang hindi nakaranas ng hirap sa'kin, parang hindi ko siya kinawawa noong baby pa'ko.

Alagang alaga pa ni Nanay 'to ah.

Tiniklop ko na lang ito at tinignan ang box. May isa pang puting tela nakalagay kaya kinuha ko ito. Masasabi kong ito na 'yong dahil malaki at mabigat. Binalik ko ang lampin at ang iba pang gamit sa loob maliban sa tela at inayos pabalik sa kabinet ang mga box.

Halos kalahating oras ko nahanap at inayos ang box. Bumaba na ako at nilagay ang tela sa mahabang lamesa. Tinulungan ko na rin si nanay na ayusin ang pagkain sa lamesa sa labas ng bahay kung nasaan ang harden ni Nanay. Malaki naman ang bakante sa labas ng bahay, kaya pwede namin maakupahan 'yon.

Kaarawan ngayon ni Kuya Mael. Nasa trabaho pa ito pero half day lang daw siya do'n at gusto niya mag celebrate ng kaarawan niya dito sa bahay. May iimbitahan daw siya ngayon na kaibigan niya kaya dinamihan ni nanay ang handa ngayon.

Sinabihan pa niya ako na imbitahan ko rin ang kaibigan ko, kaya tuwang tuwa si Kith na malaman niya na makaka attend siya ng kaarawan ng isa pa niyang crush.

Si lolo naman ay umalis para asikasuhin ang nirentahang karaoke. Kuya Mael requested a kareoke, kasi mag iingay daw ngayong araw at wala daw makakakuha ng mahimbing na tulog ang kapitbahay ngayon.

"Busy Yer ah. Anong meron?" Dumaan ang kapitbahay sa tapat ng bahay namin na may dalang walis tingting at dustpan.

Ang kapitbahay namin na ayaw magpatalo, chismosa, judger, backstabber at higit sa lahat inggit, si Aleng Poka.

"Birthday ng napaka gwapo kong anak, Poka." She was taken aback on what my mother said. Humawak pa ito sa dibdib niya at umaktong nandidiri.

Kung wala lang akong hawak na pagkain ay sinugod ko na ito. Hindi naman pwede na isaboy ko sa kanya ang pagkain, dahil masasayang lang 'tong pinaghirapan ni nanay. Kainis! Pasalamat siya dahil kaya ko pa magtimpi.

A Wish Upon the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon