Chapter 3

264 8 0
                                    


Who?

“Iha!”

“Lolo!” Masayang sigaw ko nang makita ko siya naka upo sa upuan dito sa labas ng bahay. Tumakbo ako sa kanya habang nakabukas ang mga braso ko para yumakap, nagmano na rin ako.

“Ang napaka ganda kong apo.” Yakap nito sa'kin saka’t hinimas ang likod ko. Lumuhod ako sa kanyang harapan at pinakita ang pinamili ko kanina sa palengke.

“Lo, bumili ako ng mga ingredients. Gusto ko po matikman ulit ang luto mong karekare. Ang tagal na rin po no'ng last ko matikman e', please.”
Tulad nga ng sabi ko kanina, ire-request ko ang karekare kay Lolo dahil ‘yong gawa niya talaga ay ang pinaka masarap na karekare sa buong mundo.

Tumawa lang ito at ginulo ang maiksi kong buhok.

“Ikaw talagang bata ka, ikaw na naman ang uubos ng iluluto kong kare-kare. O’sige, dahil unang araw mo sa bago mong kolehiyo at mukhang masaya ka ngayon, ipagluluto kita.” Inaya niya na ako na pumasok sa loob.

Naabutan namin si Nanay na paakyat sa pangalawang palapag ng bahay na may dalang malaking basket na para sa labahing damit.

“Oh, ‘nay, maglalaba ka?”

“Iipunin lang muna, para bukas ay deritso laba na.” Paliwanag nito. “Kamusta ang unang araw mo?”

“Ok lang naman po, kinakabahan lang ako no'ng una pero no'ng nakapasok na ako ay wala na at napalitan na ng excitement ‘nay.” Naka ngiti kong sabi. Tumango lang ito habang bumababa at sinalubong ko para magmano.

Nilapag ko muna ang dinalang sangkap at agad na umakyat sa kwarto para maligo nang mabilisan. Pagkatapos ko naman maligo ay  agad rin ako bumaba para tumulong kay Lolo sa pagluluto.

“Ano meron?” Tanong ni Nanay na pababa dala ang punong basket.

“Itong dalaga natin gustong gusto ng karekare, bumili pa nga ito ng mga sahog. Kaya ipagluluto ko.”

“Ay nako! Mabuti na lang at bumili ka. Namiss ko na rin ang luto ni Papa.” Tinapik nito ang balikat ko at pumunta sa likod ng bahay para siguro ilagay na ro’n ang mga labahin. “Paborito ko rin ang kare-kare mo, pa!” Pahabol nito.

Umiling na lang si Lolo at hinanda ang gagamiting pang luto.

"Iha, kumpleto ba ‘yong mga binili mong sangkap para sa kare-kare?" Tanong ni Lolo habang binubuksan ang kalan. Nasa likod lang ako nito at inaayos ang mga sangkap para hindi mahirap hagilapin mamaya.

"Opo, ‘lo. Kumpleto po lahat."

"Sige, mag-umpisa na tayo. Mag-init muna tayo ng mantika sa malaking kaldero. Ikaw na maghihiwa ng mga gulay, ha?" Kumuha si Lolo ng kaldero sa itaas na kabinet.

Pagkatapos ko hugasan ang mga gulay ay hiniwa ko na tulad ng inutos ni Lolo at pinakita sa kanya ang mga nahiwa.

"Pag mainit na yung mantika, igisa natin yung bawang at sibuyas hanggang maging golden brown." Tumango ako at pareho namin inintay na uminit ang mantika.

Si Lolo na ang naglagay ng bawang at sibuyas dahil takot ako na baka matalsikan ng mantika. Wala akong shield.

Ako na ang humalo sa dalawang sahog na nasa kaldero para hindi masunog. Para naman may ambag ako dito.

A Wish Upon the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon