Saviour✯
"Earth to Jam!" A finger was snapped directly in my face by someone, bringing me back to reality. "Matutunaw na siya sa titig mo."
I gave her a confused look. Ano na naman pinagsasabi nitong makulit na babae na 'to.
Magkatabi kami ngayon ni Elle dito sa sofa, nandito kami ngayon sa maliit na office na nakalaan for TEG officers kapag mag me-meeting. Inaantay namin ang iba na dumating, at tatlo pa lang kaming nandito, si Miss Allard, Elle at Ako.
She's sitting near at the door, naka bente kwatro pa nga siya at may hawak hawak na iPad.
Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Should I ask Elle? I should. Masisira utak ko kapag hindi ko natatanong ang mga kuryosidad ko.
"Why Miss Allard is here?" I whisper. Lumapit naman sa'kin si Elle bago sumagot.
"If you could explain why you were staring at her earlier, I would answer." Nilayo ko na lang ang mukha ko sa kanya at tinignan siya na may pagka dismiyado.
Kanina pa kasi nandito si Miss Allard, tapos wala man lang siyang imik. Pagka pasok kasi namin ni Elle dito ng sabay, sabay rin kami bumati sa kanya at hindi kami tinapunan ng tingin.
We even included her to our conversation pa minsan minsan para naman hindi mapanis laway niya, pero wala, she's quite as a mouse. Gusto ko rin sana tanungin kung kumusta o anong nangyari sa tour, pero mukhang hindi rin ako makakakuha ng sagot sa kanya dahil tutok na tutok siya sa iPad niya. Nakayuko siya kaninang pagdating namin tapos hanggang ngayon ay gano'n pa rin. Hindi kaya sasakit 'yang leeg niya? Ako nahihirapan e', baka magka stiff neck, parusa pa naman 'yon.
"I love your skirt, where'd you get it?" Elle asked out of nowhere. I jolt when she placed her hands on my thigh, just to feel the fabric that I've worn.
Tinignan ko naman ang suot kong skirt. I'm only wearing a satin waisted skirt na hanggang tuhod at half fitted turtle neck.
"Ukay." Maiksi kong sabi at binalik ang tingin sa notebook ko.
Binabasa ko kasi uli 'yong mga nasulat kong notes nakaraan para ma refresh ang utak ko sa kung ano ang mga tinuro ni Miss Montclair. Nag advance reading na din ako, lalo na't babalik na si Miss Allard, baka nanggigisa 'to, mahirap na.
"You do an ukay-ukay pala." I pressed the top head of my pen to my temple and gave Elle a quick glance.
After she said that, binalik niya na rin ang tingin niya sa hawak niyang papel. She examined the whole context at minsan ay sinusulatan pa niya tapos biglang iiling.
We're here for about 10 minutes and yet wala pa ang iba.
Masyado pa ngang maaga. Ang usapan kasi ay 7AM mag uumpisa ang meeting. Ang gagawin lang naman daw ay magpakilala at i-brief ako sa mga gagawin.
Halos hindi ako makatulog kanina dahil sa excitement dahil may makikilala na naman akong bago, and I hope we will all become friends.
Base kay Elle ay mababait naman daw sila, may mga nonchalant ang datingan pero grabe daw sa kakulitan. Meron naman daw na lulubog at lilitaw pero naaasahan naman sa mga gawain. Meron naman daw time na akala nila ay mabubuwag na ang pagkakaibigan nila dahil sa gawain. But they all still standing strong.
"Good Morning, pretty people!!" Bungad na bati ng isang babaeng matangkad. Naka taas pa ang kamay nito habang bumati. Tumigil ito nang may namataan siya sa gilid niya. "Especially to you, Miss A!" Turo niya kay Miss Allard. Dumiretso siya ka'gad kay Elle at agad na humalik sa pisnge nang wala siya nakuha pabalik kay Miss Allard.
BINABASA MO ANG
A Wish Upon the Stars
Romance[ON HOLD] "My love for you runs deep and boundless." Her voice quivered with emotion, and tears glistened in her eyes. "And I'm scared." The other woman said with a soft sob. --- Disclaimer: I'm not a professional writer, so please expect some gra...