Chapter 5

163 5 0
                                    


Her

It's been two days since Elle revealed that I was hired to be an officer at TEG.

The Tourism Executives Guild, or TEG, is an organisation that is mainly focused on tourism management.

Si Elle naman daw ang president at ang iba ay hindi ko pa nakikilala. Her and Miss Montclair explained the sudden news. All of the qualification of an officer ay nasa sa'kin daw, they based it on my academic background sa dati kong school, they even called the Dean pa nga do'n para tanungin kung totoo ba raw ang mga nando'n.

Do they think that I forged my background? Baka makasuhan pa'ko ng falsification. No, no.

Kaya ayon, dahil sa mga sinabi ng Dean sa'kin sa dati kong eskwelahan, napag desisyunan nila na ipasok ako without process, dahil sobrang enough na lahat ng nabasa at narinig nila. All of the executives voted me for the position of an Asst. Secretary. Doon na lang nila ako nilagay dahil kailangan na ng makakatulong ng Secretary sa mga gawain.

Back in my previous school, I was the vice president kaya hindi na bago sa'kin ang magiging officer. Tinanggap ko na lang din kahit hindi ko akalain na kukunin ako ka'gad dahil wala naman sa ngayon sa isip ko ang maging miyembro. Bigla na lang ito lumapit kaya, why not grab the chance diba. I can do well naman.

Ay, ay, ay, I'm your little butterfly.

"Ay botiki!" Napagitla ako sa tunog ng cellphone ko na nanahimik na nakacharge sa gilid. Tinignan ko ito at nakita ang pangalan ni Rian.

Sunday ngayon at wala kaming pasok. Kaya nandito ako sa bahay, nag aayos ng mga damit sa kabinet ko.

"Jam!!"

"Oh?!" Balik kong sigaw sa kaniya sa kabilang telepono.

Nakipag video call siya at ang nakikita ko sa screen ko ay ang kalikutan nito humawak ng cellphone. Wala ako maayos na nakikita sa kabila tapos ang naririnig ko pa ay lakas ng bugso ng hangin.

"Jam?!"

"Ano?!"

"Hello?!" Pot--

"Bakit?!"

"Huwag kang sumigaw!" Sigaw nito sa'kin.

Ako pa talaga sinabihan na 'wag sumigaw? e' siya nga paulit ulit na sumisigaw sa kabilang linya. Sinimulan niya kaya.

"Labas ka! Malapit na ako!"

"Ha?! Sandali! Anong la-"

"Bye!" Putol niya sa'kin saka't binabaan ako ng tawag.

Ano daw? Malapit na siya? Saan?

Tanga lang self? Pinapalabas ka nga kasi malapit na siya sa bahay.

Tsaka teka nga, bakit siya pupunta dito ng walang pasabi? Magulo ang kwarto ko ngayon dahil lahat ng mga gamit ko sa kabinet ay nilabas ko para ayusin.

Nilagay ko muna lahat sa kama saka't bumaba at lumabas para salubungin si Rian. Wala pang isang minuto ay dumating ito na naka angkas sa motor. Nagbayad ito at tumakbo papalapit sa'kin para yumakap.

"Tama na, oa na, parang hindi tayo nagkita ng limang taon sa yakap mo." Kumawala ako sa yakap niya at napakamot naman siya sa batok niya.

Hinawakan niya ang kamay ko saka't kinaladkad papasok ng bahay. Nasalubong pa namin si Nanay na palabas sa bahay na may hawak na hose. Panigurado ay magdidilig ng mga alaga niyang halaman.

A Wish Upon the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon