Chapter 4

155 7 0
                                    

Officer?

"Good Morning, Miss Montclair. Here's my assignment po." Sabi ko hawak hawak ang A4 size ko na resume na inaabot sa kanya.

Pagkaka alam ko, short at long lang dati ang ginagamit na bond paper pero ngayon may A4 na, like paano nangyari 'yon? Nagtaka ako no'ng bigla ako tinanong ni Aling Nemia kung A4 size ba 'yong ipapa-print ko at tumango na lang ako kasi karamihan kanina na nag papa-print ay A4 ang sinasabi.

Nakalimutan ko naman itanong kahapon kay Miss Montclair kung anong size ang gagamitin, kaya sana ay tama itong size na ginamit ko.

Magkano rin 'to, sampong piso para sa isang copy lang? Aba't! Ano 'to gawa sa gold imbes na gawa sa puno? Pamasahe ko na rin sana 'to papunta sa EL U.

Hindi kasi ako nahatid ni Kuya kanina dahil maaga siya umalis kaya nag commute na lang ako.

Pagkarating ko rin dito sa EL U ay dumiretso rin ako ka'gad sa office ni Miss Montclair, dahil 'yong ang sabi ng propesora kahapon. Mabuti na lang ay nandito na siya, dahil kung hindi tatayo lang ako rito sa labas ng office niya.

Naka upo lang siya sa swivel chair niya at busy na nakaharap sa iMac niya. Nagsasalubong pa ang maganda nitong kilay at naka palumbaba.

Without looking at me she tapped her closed MacBook probably indicating that I should put my paper. Ginawa ko naman 'yon saka't nag pa salamat. Aalis na sana ako ng bigla niya ako tawagin.

"Have you eaten, Miss Lain?" Nilingon ko siya at hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa iMac niya. "Be honest."

"Hindi pa po. Pero may baon naman po ako para mamaya, kaya aantayin ko na lang po mag lunch break." Paliwanag ko. Hindi ko tinanggal ang tingin sa kanya kaya kitang kita ko kung paano pa nagsalubong nang maiigi ang kilay nito. Tila'y may hindi nagustuhan sa nakita o baka dahil sa sinabi ko.

Assuming lang.

She heaved a deep sigh at binaling na sa'kin ang mata niya.

"How will you concentrate on my lesson today if your stomach is empty?"

Is she worried?

"I can manage po." I said with an assuring smile.

Napa hawak ako ng mahigpit sa shoulder bag ko dahil mas lalo pa lumalim ang buntong hininga nito.

She pushed her chair back para makatayo siya. Sinundan ko lang siya ng tingin na papunta sa bilog pa nitong table na nasa likod ko.

Ngayon ko lang napansin na may isang plastic. Binuksan niya ito at nilabas ang dalawang styrofoam at plastic utensils. Bumungad ang sunny side up, bacon, hotdog at java rice nito sa unang styrofoam. Ang sa isa naman ay Ceasar salad ata. Naglakad naman ito papunta sa refrigerator at nilabas ang isang bote, siguro ayon ay ang salad dressing niya.

Hinilaan niya ang sarili niya ng upuan at umupo. Ako? Ito nakatayo.

Yong totoo? Hindi ba siya marunong mag aya? Like hello, pangalawang beses na. Sabihin ko kaya kay Kith na ganto ugali ng crush niya, ma tu-turn off siguro 'yon. Ayaw na ayaw niya pa naman na hindi siya inaaya o binibigyan ng pagkain o ano.

I'm getting deja vu sa nangyari kahapon, sana ay hindi mag ingay ang tiyan ko ngayon. Kaya bago pa mangyari 'yon dahan dahan na lang ako naglakad papunta sa pinto para umalis.

A Wish Upon the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon