✯
I ran fast as I could. Gusto ko lumayo sa kanya kahit sobrang lakas ng ulan ngayon. Pero hindi ito magiging hadlang para makalayo ako.
Ang sakit! Parang pinipiga ang puso ko ngayon.
Bakit?! Bakit sa'kin pa niya ginawa? All I did was to love her dearly. Inubos ko ang sarili ko para sa kanya, binigay ko ang lahat sa kanya.
Just why? We were happy, we're in love and all. Bakit bigla naging ganito?
Tumigil ako sa pagtakbo nang bigla bumalik ang alaala naming dalawa. Ang tawanan namin, mga kwentuhan, mga away at marami pang iba.
Mas lalo ako naiyak dahil sa loob ng anim buwan na pagsasama namin ay walang katumbas ang saya ang naramdaman ko.
I was the happiest woman on earth yet a naive one when it comes to her.
All of a sudden my mind went black. Ang alam ko lang ay tumawid ako na hindi tumitingin sa mag kabilaan ng kalsada. I've felt numb, I couldn't feel my feet and hands. I couldn't feel the raindrops that've been falling from the sky.
Wala ako maramdaman, maliban sa puso ko na sumasakit na parang pinipiga.
My eyes became blurry, dahil siguro sa luhang ayaw tumigil at sa ulan na patuloy na bumabagsak.
“-am!”
Maingay. Ingay ng mga busina ng mga sasakyan, ang ingay ng ulan at ang ingay ng hampas ng hangin ay sinasakop ang buong pandinig ko. Pero sa kabilang banda, nagiging kampante ako sa ingay, na parang kinakalma ako.
Teka, may bagyo ba ngayon? Lakas ng hangin e' parang tatangayin ako.
“-am!”
Isang malakas na busina ang nagpabalik sa'kin sa reyalidad, kaya tumigil ako sa paglalakad and I just found myself in the middle of the highway.
Well, soaking wet.
Tumingin ako sa kaliwa ko at isang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa'kin at patuloy na pag busina.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ‘to.Tumingala ako sa langit at sinalubong ng mukha ko ang patak ng ulan. And there, I saw a glimpse of a star shining brightly kahit umuulan. How ironic.
I close my eyes and all I could think of is to wish upon the star.
I wish that I've never met you.
“Jam!”
Just then, I felt an impact and everything went black.
“Jam?”
✯
---
Disclaimer: I'm not a professional writer, so please expect some grammatical errors. This is my first story, and updates may be slow. Thank you for your patience and understanding!
BINABASA MO ANG
A Wish Upon the Stars
Romansa[ON HOLD] "My love for you runs deep and boundless." Her voice quivered with emotion, and tears glistened in her eyes. "And I'm scared." The other woman said with a soft sob. --- Disclaimer: I'm not a professional writer, so please expect some gra...