Chapter 9

97 4 0
                                    

Goodluck

Some people hate Mondays, but I'm different. I hate Thursdays! Bakit? Dahil ang oras ng klase ko every thursday ay 9AM to 7PM angas diba? Half day na and guess what? It's thursday.

It's already 6:35PM, of course getting bored, gutom at inaantok kasi gabi na.

Nakatingin lang ako ngayon sa bintana habang may nagtuturo sa harap...o nagtuturo nga ba?

"Sa kapanahunan ko, tulad ng mga edad niyo noon. Nako! Nag iingat talaga ako sa mga sinusuot ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa henerasyon niyo ngayon." I mentally groaned. Wala naman kasi connect ang pinagsasabi niya ngayon sa subject namin.

Ang oras niya sa'min ay 5PM to 7PM, at kanina niya pa sinesermonan si Keol. She's just wearing a hoodie crop top and a tight high waisted jeans. What's wrong with that? It's still a decent clothes, wala namang dress code ang EL U, so ano pinupunto niya ngayon?

Bigla na lang niya kasi sinermonan si Keol no'ng tinaas niya ang kamay niya para mag recite about a recap lesson no'ng tuesday, dahil magkakaroon daw kami ng long test sa kanya bukas. No'ng nakita niya si Keol na nagtaas na kamay, nakita niya rin ang unting balat na lumabas dahil sa pagtaas nito ng kamay at dahil crop top ang suot niya.

Ayan nagbubunganga, kanina pa kami naririndi kasi wala talaga connect ang mga pinagsasabi niya sa lesson namin. Hay, matatanda nga naman.

Halos lahat kami ay nakasalumbaba, at hindi na nakikinig sa pinagsasabi niya. Pasok sa tenga tapos labas sa kabila.

Like, girl, she was just trying to recite para mafreshen up ang utak niya at mga kaklase niya about sa last discussion, tapos bigla ka na lang sesermonan? Aba! Tama ba 'yon?

Nakakagalit ha. Imbes na magturo ay mas pinili pang mamahiya ng estudyante just because of her outfit.

"Alam mo, Ms. Albarez nagsasayang ka lang ng pera diyan sa ganyang suot. Baka nga pera pa ng magulang mo ang pinangbili mo diyan e'.Tignan mo naman, sino ang bibili sa kapos na telang suot mo, ha?" Argh!

I raised my hand at walang ekspresiyon ko tinignan si Miss Balor habang hinihintay ko siya pansinin at at tawagin ako.

After she called me, tumayo ako. "Mrs. Balor, do you really have to scold and embarrass Ms. Albarez in our class time? Is it relevant for today's discussion and tomorrow's long test?"

"What are you pointing out, Ms. Lain?" Nakaharap na siya sa'kin at tinataasan na ako ng kilay. Nasa kabilang sulok siya samantang ako ay nasa kabila rin.

Our eyes were fighting. Good, 'cuz I'll never back down...never what?!

"I mean, if you have a problem or concern with one person, should you discuss it privately? What's the point of our professionalism etiquette class if you, our instructor who will instruct us on how to do it, cannot even apply it to yourself?"

May narinig ako mahinang ingay, kaya pinutol ko muna ang tingin ko kay Mrs. Balor at tinignan ang mga kaklase ko na nag uusap nang mahina sa mga katabi nila.

Hinila ako ni Rian pabalik sa inuupuan ko at tinignan siya.

"Hoy 'te, kabago bago mo pa lang dito pero may inaaway ka ng guro. Gusto mo ba mapatawag ng dean?" Mahina nitong sabi sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wish Upon the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon