CHAPTER 27: Under One Roof

42 2 0
                                    


Kainnazai POV


Binaba ko yung cellphone ko at muling nanood. Nagtataka ako bakit parang nag-iba yung palabas. Umupo ako at kumuha ng unan sa tabi ko, syempre para may yakap ako.

Agad kong napansin na horror pala yung pinapanood nila. Kaya tumayo ako at gumitna kay Jake at Kaifer. Nagtaka naman sila kasi nasa gitna nila ako umupo.

"Hoyy, baklang Axel, tumingin ka dito," mahinang pagtawag ko sa batang hambog.

"Sinong nagsabing bakla ako, ah? Gusto mo halikan kita d'yan, ah?" aniya, na kinakunot ng noo ko.

Ayy, haluhh, grabe 'tong batang hambog na 'to, amp.

"Try if you can," biglang singit ni Kaifer. Napalunok nalang bigla si Axel at muling tumingin sakin.

"Ano ka ba, joke lang naman 'yun, ate hihihi. So, ano ba 'yun? Mapaglilingkod ko sayo, Queen?" Napangiwi ako sa sinabi ni Axel.

Wt!? Queen? Aba, ang galing.

"Kuha ka nga ng kumot sa kwarto ko, dali," pang-uutos ko.

Umiiling-iling siya with laki mata pa 'yan. Kaya ngumisi ako sa kanya, hehehe.

"Haluhh, bakla ka nga, hindi ka pwede sa cousin ko," sabi ko. Dahilan para bigla siyang tumayo at dumiretso sa kwarto ko.

"Haha, kala mo ah," mahinang sabi ko.

Nakakatakot yung palabas nila. Sounds effect palang, grabe. Di ko napansin na pinalitan pala nila yung palabas.

Inakap ko yung braso ko kay Kaifer at Jake. Tinignan nila akong dalawa na parang nagtataka.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Natatakot kasi ako sa palabas, hehehe," ani ko. Mahina namang natawa si kuya.

"Just shut your mouth, kuya," ani ko habang nakabusangot.

Nagtaka ako nang tanggalin ni Jake ang kamay kong naka-akap sa kanya at nilipat 'yun kay Kaifer. Hindi naman na ako pumalag, basta nakasiksik lang ako sa kanila.

"Ibahin n'yo na kaya yung palabas," ani ko. Umiiling-iling naman sila.

Agad bumalik si Axel, naka-ngiti at dala yung kumot. Agad kong kinuha 'yun at nagkumot ako.

"Let's sleep na," ani ko. Kaya tumayo sila at pinatay yung TV.

Agad akong pumunta sa kwarto ko, at ganon din sila. Si kuya naman pumunta sa sarili niyang kwarto.

Sinarado nila yung pintuan habang naka-nakahilata sa higaan.

Sarap humiga, hihihihihi.

"Take a bath first before you sleep," ani ko sa kanila. Tumango naman sila at pumunta sila sa CR.

Luhh, seryoso, sabay-sabay sila sa CR? Ayy, sabagay, lalaki naman sila e. Pero ang weird naman ng ganon hahahaha.

"Ok na Zai," sabi nila. Pero ako naka-hilata parin.

Nilatag nila yung foam at humiga ako, mag-isa dito sa taas ng papag... ng biglang may yumakap sa akin.

"Dito ako matutulog," aniya. Hindi na ako sumagot, pero umayos ako ng higa. Kinuha ko ang cellphone ko.

Binuksan ko ang Wi-Fi ng cellphone ko. Tutal naman lagi naka-on ang Wi-Fi dito sa bahay. Ganon din sila, pero yung TV ko dito sa kwarto ko, nag-sound trip sila. Hindi ko na sila pinigilan, bahala sila sa buhay nila kung ano ang gawin nila. Wala akong pake, charottt.

"Tara, TikTok tayo!" aya sa akin ni Axel. Ngumiti naman ako at tumabi siya sa akin. Nakahiga lang ako.

"Angas mo talaga, Zai. Hindi ka pa nga nag-aayos," sabi niya.

Angas ko daw, hehehehehe.

"Syempre, ako na 'to e," sabi ko sa kanya. Natawa nalang siya. Sinimulan niyang pindutin 'yung red button para ma-start yung gagayahin namin.

Pagkatapos namin magaya 'yung nasa video sa TikTok, ay pinost niya agad. Sunod-sunod naman ang tunog na nagpaingay sa cellphone ni Axel. Nakangiti pa ito.

Pinakita sa akin ni Axel 'yung phone niya at confirmed 'yung TikTok namin 'yun.

Natatawa pa siya ng mabasa 'yun. Kahit ako matatawa sa sinasabi nila. Bat naman sila maiinggit e ako lang naman 'to 'yung naghihisang prinsesa nila na maangas.

CHAROTTT! HAHAHAHAHAHAHAHA

Agad akong umupo ng maayos. At nang paglingon ko sa kanila... Aba, angkalat, takte!!!

"Hoyyyy, linisin n'yo 'yan!!!" inis na sigaw ko. Dahilan para mataranta sila sa paglilinis.

"Sorry, Zai. Hindi na mauulit," ani nila. Parang asong maamo na agad sumunod sa amo nila. Pero ako, natatawa ako sa itsura nila.

"Jokii lang, hehehe. Atleast na linis n'yo na agad. Goods 'yan," ani ko. At agad na humiga ulit. Biglang yumakap ulit si Kaifer, na kinangiti nilang lahat at inaasar kami.

"May lahi ka bang tuko?" tanong ko habang nakangiwi na nakatingin sa kanya. Na kinatawa nilang lahat.

"No, but I want to hug you, Zai," aniya. Nakanguso pa 'yan siya. Hindi ko nalang pinansin at muling bumalik sa cellphone ko.

Tinignan ko muna ang TikTok ko. Madaming followers and likers, actually. May TikTok din si kuya, nandoon ang mga video ko noong mga oras at araw na naging maarte ako.

Napapaisip nga ako eh kung bakit nagbabago minsan ang mood at mga pananaw ko sa buhay. Hayssttt, nakaka-inis lang isipin na ganon na talaga ang ugali ko.

Minsan nga nasisigawan ko sila kuya nang hindi ko nalalaman eh. Saka mukhang mabait naman mga magulang namin ni kuya. Hshshshs, baka ako talaga ang problema? Syempre, jokii lang. Ang bait-bait ko eh.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na inantok na pala ako and everything went black.


-------------------------------
: PLAGIARISM IS A CRIME.
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now