JaoNakaupo ako ngayon sa bar section ng isang resort kung saan ginaganap ang reunion ng batch namin. Isa isa kong pinagmamasdan lahat ng mga dumalo. Lahat ay malaki ang pagbabago, pero isa lang ang napansin ko- lahat ng mga na bully ko ng higit pa sa sobra nuong highschool ako ay wala dito.
Nag shot ako ng isa pang kopita ng alak. Ano ba kasing ginagawa ko dito? ang boring wala akong mapag libangan.
Huminga ako ng malalim at nag masid masid pa sa paligid. Naaalala ko ang ilang batch mates ko yung iba classmates ko pa pero umiiwas sila sa akin, yung iba napapatingin pero bumabawi rin kapag nakikipag eye contact ako sa kanila. Ganito ba nila ako kinakatakutan nuon? kaya hanggang ngayon natatakot parin sila sa akin?
Hindi naging maganda ang reputasyon ko nuong highschool ako, Nakilala ako bilang worst and number 1 Bully of all time at alam kong halos lahat sila ay napag diskitahan ko from a simple to mild way of bullying. Yung mga worst na nabully ko ay absent, siguro alam nilang dadating ako kaya hindi sila sumali sa reunion na ito.
"Boring" wika ko at tumayo. Makapag yosi na nga lang muna sa labas. Maganda ang resort napaka modern ng dating, no wonder maraming events ang ginaganap dito. Naglakad lakad pa ako at tumambay sa bandang beach walk na sakop ng resort. Medyo nabigla pa ako nang makita ko ang seashore na mayroong mga bioluminescent plankton.
"Meron pala nito dito?" wala akong ideya sa ganito pero ang alam ko lang bawal hawakan o paliguan ang ganito dahil baka mag cause ng allergic reaction sa balat at katawan. Maganda tingnan para kang nasa loob ng isang mahiwagang mundo pero yung iisipin kong lapitan para apakan o paglaruan? naku wag nalang. Kahit gabi kitang kita ko ang ganda ng paligid dahil sa liwanag ng buwan dagdag pa ang mga bioluminescent plankton na parang asul na xmas light sa buhanginan.Hinawakan ko na ang bulsa ko para sana mag sigarilyo nang biglang may babae ang gumulong sa harapan ko
"Uy!" nagulat pa ko. Yung pag gulong nya kasi talagang parang bumulagta sa harap ko. Tiningnan ko pa kung saang lupalop sya galing, mula sya sa isang log na nakatambay sa ilalim ng buko tree 😂😂 lasing yata to ang layo ng ginulungan hahaha 🤣🤣🤣 "Miss okay ka lang?" Nakadapa sya sa buhanginan kaya inalalayan ko sya. Mukha pa syang si Sadako dahil nakataklob ang buhok nya sa mukha nya. "Halika at aalalayan kita"
"Baby..." Tumingala ang lasing na babae at mukha syang wasted sa sobrang kalasingan "Bakit ka nag cheat??" Iyak nya. napakunot ang nuo ko sa nakita ko.
"Chantal?" Tanong ko. Di ako nag kakamali si Chantal nga ito. Napangisi ako sa natuklasan ko "May pumunta pala sa siyam na binully ko ng sobra" wika ko sa sarili ko.
"Baby.." lumuhod sya at humawak sa binti ko "Wag mo akong iiwan please ibibigay ko sayo ang lahat sige, papayag na ako sa gusto mo hindi ko na hihintayin na ikasal tayo ibibigay ko na sayo ang virginity ko"
"Lasing ka talaga no?" nakangiti kong tanong. Maliwanag naman kaya imposibleng hindi nya ako makita at hindi nya mapansin na ibang lalaki ako.
"Hindi" umiling iling sya "Hindi ako lasing baby" 🙄
"Lasing ka nga" sagot ko
"Baby" iyak nya at hinila pababa ang suot kong pantalon
"Hoy! Wag mo kong hubaran" sita ko at hinawakan ang kamay nya para pigilan ang ginagawa nya
"Wag mo kong iiwan" pag mamakaawa nya
"Wag mong hilahin ang pants ko" sagot ko
"Hindi ko bibitawan ang pantalon mo pag iniwan mo ko" sagot nya
"Aba't nanakot ka pa?" tanong ko
"Papayag na ako baby, kahit makipag sex na ako sayo ngayon kahit dito wag mo lang akong iiwan" sagot nya. Napataas ang kilay ko. talaga bang buang na ang babae na to? Dito? Makikipag sex hay naku! ml your
"Bitawan mo na nga ako" sita ko
"Ayaw ko" pag mamatigas nya "Babyyyyy wwwahhhhh" iyak nya. Kaya siguro iniwan ng jowa nya to baliw masyado.
"Sige na sige na papayag na ako" sagot ko. Oo na di na kita iiwan. For now hanggang mawala ang amats mo. bigla syang tumayo at nag tangkang hubarin ang suot nyang sando "Oi! Teka! Bakit ba ang hilig mo mag ganyan?! Kung hindi ka manghuhubad ng suot ng tao ikaw naman mag huhubad"
"Pumayag ka baby diba?" sagot nya "Mag se sex tayo kapag binitawan ko ang pantalon mo"
"Hindi yon!" kinamot ko ang ulo ko, pati ako mahihilo sa babae na to.
"Pumayag akong di ka iiwan" malabo na talaga tong kausap. bigla syang hinimatay sa harapan ko "Hoy!" gulat ko at sinalo sya "Naku naman" reklamo ko "Gusto ko lang naman mag yosi pamatay bagot pero bakit babaeng broken ang bumulaga sakin?""Baby..." bigla nyang wika habang walang malay
"Saan ba kita ihahatid? Anong room number mo?" tanong ko pero di sya sumagot. Alam kong reunion ang dahilan kung bakit nandito itong si Chantal pero di ko naman sya pwedeng iwan kung saan saan lalo na at may balak isuko ang bataan kung kanikanino 😂😂🤣🤣 takteng yan di ko akalaing wild pala tong tatahi tahimik at mahinhin nung highschool. Pinasan ko sya sa likod ko. Dun ko nalang muna sya pag stayin sa room ko. Dahil busy sa party ang mga bisita ay wala namang nag abala na hanapin ako o kung sino man sa amin na nawawala. Bahala sila at bahala na rin ako sa sarili ko. Yan ang nasa isip ko. Tinitingnan ko si Shari sa salamin ng elevator habang pasan pasan ko. Napansin ko pa ang kasabay kong bellboy na nasulyap sulyap sa amin na tila naghihinala na parang may gagawin akong masama sa pasan ko. Pahamak na babae to baka pinagkakamalan na ako ng bellboy na manyakis o di kaya pinainom sya ng gamot na pampatulog o anu pa man.
"Babyyy" biglang wika ni Chantal habang nakapikit. Di ko alam ang nararamdaman ko pero gumaan talaga ang pakiramdam ko nang mag salita si Chantal. Tila nabunutan ako ng tinik nang marinig ng bellboy na kinausap ako ng pasan ko. "Babyyy"
"Po?" sagot ko. Para matigil na yung maling akala nitong bellboy. Bro, tumulong lang ako wag kang ano jan. 🤣🤣
"Nasusuka ako" sagot ni Chantal
"Hala" nabigla ang bellboy
"Wait lang wag dito nakakahiya sa maglilinis" sagot ko at nang bumukas ang pinto ng elevator ay dali dali kaming lumabas habang pasan ko sya at tumungo sa pinto ng kwarto ko.
Pag pasok namin sa kwarto ko ay pinaupo ko sya sa bathtub
"Susuka ka ba?" tanong ko at umiling iling sya. "Ang dungis mo na maligo ka muna" di ko alam kung paabo mag asikaso ng lasing na babae kaya naman binuksan ko nalang ang shower hose na naka konekta sa tub. "Maligo ka na jan ah" wika ko at naglakad palabas ng cr.
Medyo nakakapagod ang gabi na to. iidlip muna ako habang naliligo si Chantal.
BINABASA MO ANG
Wayback Travellers (Tagalog)
Teen Fiction"Sometimes, the hardest journey is the one back to ourselves." The former bully, Keiya "Jao" Kaede looks determined yet vulnerable, holding a map with notes and locations marked. His expression reflects a mix of guilt and hope. The former victim, C...