13: ILYA 2

0 0 0
                                    


Keiya

Tiningnan ko ang buong paligid ng canteen ni Ilya. 😶 walang tao

"Kulang ka sa Marketing Strategy tsaka yung location mo masyadong nakatago" sagot ko. Umayos ng upo si Ilya para makinig "Kahit na masarap ang luto mo kung hindi appropriate ang location mo talo ka parin. Example Kung yung mga target market mo ay mga nagtatrabaho jan sa malalaking building, kahit masarap pa ang luto mo kung mako consume naman sa paglalakad nila papunta sa store mo ang oras ng breaktime nila which is 1 hour or 30 minutes mas gugustuhin nilang bumili sa competitors mo kahit mahal ang tinda or kahit pangit ang lasa ng luto nila"

"Truth" sabat ni Chantal

"Bukod duon mahal ang paninda mo" gatong ni Bryan

"Mahal ang rekado" sagot ni Ilya

"Dapat may supplier ka na pwede kang maka bili ng bultuhan para maka discount ka" advice ko

"Okay okay susunod ako sa payo ng mayamang nakapag tapos sa pag aaral" bagot na sagot ni Ilya. Narinig kong nag snort si Bryan at mahinang nag reklamo

"Ma pride parin hanggang ngayon" wika ni Bryan sa sarili nya na narinig ko naman, ewan ko lang kina Chantal at Ilya.

"Anong sabi mo?" tanong ni Ilya kay Bryan

"Wala ah" sagot ni Bryan

"Mag tinda ka nalang diyan" utos ni Ilya

"Paano ako makakatinda wala namang nabili" sagot ni Bryan

😮‍💨 - ako napapa buntong hininga nalang sa bangayan ng dalawa

"Gusto mo kumita diba?" tanong ko kay Ilya

"Sino bang ayaw" nakangusong sagot ni Ilya

"Gusto mo ba mag provide ako ng pwesto mo sa company ko? isang Canteen" suggest ko

"Pinatawad na nga kita no need na para suhulan ako" sagot ni Ilya

"Hindi kita sinusuhula, Nag o offer ako sayo ng partnership" pero ang totoo gusto ko tulungan si Ilya para makabawi sa kasalanan ko pero ayaw ko namang isipin nya na dinadaan ko sa yaman ang forgiveness nya dagil alam ko sa sarili ko na hindi ko naman talaga sinusuhulan. Tulong bilang kaibigan ang pakay ko.

"Tama! Paano kaya kung sumama ka sa amin sa pag hahanap sa ibang mga" nag isip si Bryan ng sasabihin nya. Alam kong bully ang ibig nyang sabihin but I'm really glad na hindi insensitive at maingat sa pag bibitaw ng salita si Bryan. "Gustong hingian ng sorry ni Jao"

"Paano ako sasama, nag titinda nga ako" sagot ni Ilya

"Bibilhin ko nalang lahat ng panindan mo tapos i pack natin para ipamigay sa mga tao" wika ko

"Good idea yan Keiya" masayang sabat ni Chantal

"Pumayag ka na" pilit ni Bryan kay Ilya

"Ano namang gagawin ko pag sumama ako sa inyo" tanong ni Ilya

"Ikaw ang magluluto" sagot ni Bryan "Experience yun tsaka ayaw mo non mahahasa lalo ang talent mo, matututo ka pa kay Jao tungkol sa business. Saan ka pa? Natuto ka na nag enjoy ka pa"

"Para kang nag a advertise" sagot ni Ilya

"Example ng Marketing Strategy yan. May tip ako sayo, Kapag nag business ka na sa company ni Jao may advantage ka kasi magiging endorser mo sya hahahah" biro ni Bryan

"Okay sige papayag na ako. Kailan tayo aalis?" tanong ni Ilya. Hindi ko alam pero biglang lumundag sa tuwa ang puso ko nang marinig kong sasama sa amin si Ilya. Para akong nabuhayan at gumaan ang pakiramdam

"Talaga?!" sabay na tanong namin ni Chantal

"Oo bakit? ayaw nyo?" tanong ni Ilya

"Gusto!" sabay na sagot namin ni Chantal at nag tinginan kami

"Bagay kayo" nakangising wika samin ni Ilya. "Mag iimpake na ako ng gamit ko psstt!" sinitsutan nya si Bryan "Lalaki! mag balot ka ng mga paninda ko mamimigay tayo ng pagkain sa mga tao sa kalsada"

"Kanina ka pa utos ng utos sakin" reklamo ni Bryan

"Papa utis ka o hindi kita papansinin?" tanong ni Ilya

"Jao naman tumulong ka nga sakin, idea mo to babanjing banjing ka lang jan" biglang natuon ang atensyon ni Bryan sakin, natawa ako

"Tutulong rin ako" presinta ni Chantal

"Verygood bata!" sagot ni Bryan.

*******

"Wow!! ang laki naman ng sasakyan na to!" manghang wika ni Ilya habang nakatingala kay Optimus Prime

"Optimus Prime ang pangalan nya" nakangiting wika ni Bryan

"Hindi naman truck to" sagot ni Ilya "Ikaw nag pangalan dito no?"

oo si Bryan ang nag pangalan sa sasakyan na yan haha 😂😂

"Secret" sagot ni Bryan. Kakatapos lang namjng mamigay ng mga pagkain sa mga tao kaya sobrang pagod na kami at gutom rin. Pag pasok namin kay Optimus Prime ay tuwang tuwa si Ilya

"Ang ganda. Yayamanin talaga" wika ni Ilya

"Samahan kita sa bed mo?" aya ni Chantal

"May sarili akong bed?" tanong ni Ilya

"Maraming bed sa taas" sagot ni Chantal at nag ngitian sila "I tu tour ko lang si Ilya"

"Sige, kami nang bahala mag akyat ng gamit nya mamaya" sagot ko. Nang umakyat ang dalawa ay naiwan kaming dalawa ni Bryan

"Bry- salamat ah" wika ko

"Salamat saan?" tanong nya

"Sa pag aaya kay Ilya na sumama sa atin, parang sobrang saya ko na nadagdagan tayo" sagot ko

"Wala yun, gusto ko rin namang makasama si Ilya tsaka" sumilip sya sa hagdan kung malayo na sina Ilya "Nag sasawa na ko sa luto ko, luto ni Chantal at luto mo haha 🤣🤣"

********

"Ilya" tawag ni Bryan habang nakaupo kami sa dining area at naghihintay na maluto ang empanada na pinangako ni Ilya para sa meryenda namin

"Ilya" tawag ni Bryan

"Ilya"
"Ilya"
"Ilya"

"Ano ba?" naiinis na tanong ni Ilya "Malapit nang maluto wag kang atat" napangiti ako habang busy si Chantal na mag basa ng map at nainom ng kape. Oo kape, sa hapon kape, kape is life kami.

"Gustong gusto ko talagang tawagin ang pangalang Ilya" wika ni Bryan

"Bakit?" tanong ko

"Kasi ILYA- I Love You Always 😂😂😂" sagot ni Bryan, nag hagikhikan kami nina Bryan at Chantal

"Nasaan ba ang vetsin dito at may be vetsinin ako" sabat ni Ilya

"Hindi na pala, joke lang" bawi ni Bryan. Hindi talaga kumoleto ang araw kung walang Bryan na mataba ang utak hahah 🤣😂🤣😂

"Next nating pupuntahan- Rynse" wika ni Chantal

Rynse- pag hahandaan ko ang pagkikita natin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wayback Travellers (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon