JAONag simula na kaming bumiyahe pagkatapos naming magawa ang pinakay namin sa dati naming school.
"Stop the car!" napaapak ako sa preno ng malakas nang sumigaw si Chantal, halos pareho kaming mapadausdos sa harap ng kotse dahil sa lakas ng impact. Mabuti nalang at naka seatbelt kaming pareho
"Damn Chantal bakit?" tanong ko na may halong inis, kaba, takot at pagtataka. Nasa gitna kami ngayon ng isang one way na kalsada at sa gilid ay mga talahiban at ang kabilang gilid ay palayan.
"Naiihi ako wait lang" wika nya at nag unbuckle ng belt habang binubuksan ang pinto
"Ano? teka saan ka pupunta?!" tanong ko
"Iihi nga ako" sagot ni Chantal at dinuro ako "Wag kang mamboboso"
"Saan ka iihi?" tanong ko "Di kita bobosohan no" dirediretso lang sa talahiban si Chantal "Hoy! wag mong sabihing jan ka iihi?"
"Shut up may choice ba ako?" sagot nya habang nasa talahiban, siguro naihi na sya. Ilang munuto lang ang nagdaan at bumalik si Chantal "Ahhhhhhh, success" wika nya at sinara ang pibto ng kotse, umupo at nag seatbelt. Napatingin sya sa akin at alam kong nababasa nya ang nasa isip ko based sa pinapakita kong reaction "Ano?!"
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ko
"Saan?" tanong nya
"Baka may ahas dun-" sagot ko, inirapan nya ako
"Ahh- wag kang mag alala alam ko ang gagawin ko kung may ahas don" sagot ni Chantal
"Hindi naman ako sayo nag aalala kundi sa ahas" ngisi ko
"Ano!!" hinampas hampas ni Chantal ang braso ko habang pinapaandar ko ang makina.
*****
Halos isang oras na din kaming nabiyahe nang bigla nanamang pinahinto ni Chantal ang kotse para umihi
"Success" wika ni Chantal habang nag susuot ng seatbelt
"Lahat nalang ba ng talahiban na madadaanan natin ay kokontratahan mong ihian?" tanong ko, Hay naku...
"Anong magagawa ko? walang cr tong kotse mo" 🙄 irap ni Chantal
"Hah?!" gulat kong tanong. Pucha cr sa kotse??
"Yaman yaman mo di mo mapa installan ng cr kotse mo" reklamo ni Chantal
"Lah! ang gara ng kotse ko tapos papalagyan ko ng cr sa likod?" tanong ko
"Deluxe nga eh" sagot ni Chantal 🤦🏻♂️
"Ano to bus? deluxe" tanong ko "Haaayyy Chantal naman..."
"Tapos wala pa tayong matutuluyan sa gabi, sa dami ng hahanapin natin sure ako buong pilipinas malilibot natin" wika pa ni Chantal
"Anong gusto mo? palagyan ko rin ng hotel room ang taas ng kotse ko 🥶🥶" nangingilo ang ngipin ko sa idea na pumasok sa utak ko
"Mayaman ka, posible yan" nonchalant nyang sagot. Napakamot ako ng ulo ko "Keiya, Kalma yung anit mo matatanggal na kakakamot mo"
"Nakaka stress ka kasama" reklamo ko
"Sa susunod magkaka period ako saan ako mag huhugas ng pempem ko?" tanong ni Chantal. Napakagat ako ng mariin sa labi ko na tila gusto kong lunukin ang buong pagkatao ko sa pag pipigil na maging chill at relax "Chillax Keiya" mahinahon nyang wika
"Talent mo talagang magpasakut ng ulo ng iba habang kalmado ka" reklamo ko at inihinto ang kotse sa isang kawayang waiting shed.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Chantal habang pababa ako sa kotse "Iihi ka?"
BINABASA MO ANG
Wayback Travellers (Tagalog)
Teen Fiction"Sometimes, the hardest journey is the one back to ourselves." The former bully, Keiya "Jao" Kaede looks determined yet vulnerable, holding a map with notes and locations marked. His expression reflects a mix of guilt and hope. The former victim, C...