Keiya"Haaaaa??? 🤨" Nakataas ang isang kilay habang naka cross arms sa amin ang babae
"Hi Ilya" nakangiting bati ni Chantal. 😱 nagulat ako pero hindi ko pinahalata, totoo bang si Ilya ang nasa harapan namin? biglang pumasok sa isip ko ang dating Ilya na nakilala ko. Si Ilya kasi nuong highschool ay chubby kaya naman palagi namin syang inaasar na Ms. Piggy.
Mula sa pag cross arms ay nag pamaywang sya at humarap kay Chantal na nakataas parin ang kilay
"Hoy babae akala ko ba ikaw ang ang pupunta? bakit may kasama ka pa?" tumingin sa akin ng masama si Ilya sabay irap 🙄 tapos tumingin kay Bryan "Nag dala ka pa ng asungot"
" 😳🫢 sungit" bulong ni Bryan na narinig ko naman kaya mahina ko syang siniko sa braso. Mahirap na baka imbes na makapag sorry ako ay habulin kami nito ng kutsilyo kapag mapikon kay Bryan a.k.a Mr. Ex BF 🤦🏻♂️
"Pasensya na Ilya pero, pwede sa loob nalang tayo mag usap?" tanong ni Chantal habang nag bubukas ng naka display na tray si Bryan para tingnan ang mga bentang cooked ulam
"Hindi pwede" mataray na sagot ni Ilya 🥶 katakot. Winasiwas nya ang hawak na stick na mayroong shreaded plastic na pambugaw sa langaw pero ang binubugaw nya ay halatang si Bryan
"Ilya pwedeng painom?" tanong ni Bryan
"Ano ba para sa customers ko lang yan, Mineral kaya yan" sita ni Ilya "Bibili ka ba ng tinda ko?!"
"Oo naman" sagot ni Bryan "Jao, ikaw muna sumagot sa bills"
"At hanggang ngayon aso ka parin nyan?" tinitigan ako ni Ilya ouch! titig lang yun pero feeling ko sinasaksak ako ng harapan "Ano bang ginagawa mo dito?"
"Libre na tong tubig mo since nilait mo naman ako" wika ni Bryan sabay inom ng tubig
"Gusto kong mag sorry" sagot ko kasabay ng winika ni Bryan
"Teka paisa-isa lang kayo mag salita di ko alam kung sino papakinggan ko" reklamo ni Ilya
"Miss pabili nga nito" biglang sumulpot ang isang customer. Lumakad si Ilya palapit kay Bryan sabay hila
"Ikaw nga magtinda dito" utos ni Ilya
"Bakit ako?" depensa ni Bryan
"Dahil sa inyong tatlo, ikaw lang ang mukhang walang pakay sakin kaya kayong dalawa sumunod kayo sakin" utos ni Ilya sa amin ni Chantal "Ikaw lalaki, ayusin mo pag babantay ha"
Pagpasok namin sa loob ay pinaupo kami ni Ilya
"Ano nga ulit ang sinadya niyo?" tanong ni Ilya
"Gusto ko sanang humingi ng sorry" sagot ko
"Sorry saan?" tanong ni Ilya. Natahimik ako dahil sa casual na pagsasalita ni Ilya "Bakit hindi ka makasagot?"
"Ilya" tawag nI Chantal
"Shhhh... GF ka lang kaya wag kang makisali sa usapan" kinurot ni Ilya ang bibig ni Chantal 🤐 di ko alam pero, natutuwa talaga ako tuwing napagkakamalan kami ni Chantal na mag asawa o di naman kaya ay mag kasintahan 😅
"Sorry sa pang bu bully ko sa iyo nuon" sincere kong pag hingi ng tawad. Tiningnan ako ni Ilya habang nakataas ang isang kilay. Masungit sya ngayon 🤦🏻♂️ "Alam ko hindi ako karapatdapat na mapatawad pero hindi ako mag sasawang humingi ng sorry sa inyo kahit hanggang sa huling hininga ko" bigla akong pinitik ni Ilya sa nuo "Aray!"
"Tingnan mo tong jowa mo" tumingin si Ilya kay Chantal habang naka duro sa akin "Kinikonsensya ako"
"Hindi ko sya BF 😅" sagot ni Chantal, Parang ayaw maniwala ni Ilya
"Weh??" nakangiwing tanong ni Ilya, sabay kaming tumungo tungo ni Chantal "So, anong nakain mo bakit bugla mo akong hinagilap para humingi ng sorry?" ako naman ngayon ang hinarap ni Ilya
"Friends lang sila" sabat ni Bryan. 😃 verygood buddy 😃😃
"With benefits" seryosong habol ni Bryan
"With benefits?" saktong sakto ang ang pagkakasabay ng sinabi nina Bryan at Ilya kaya napanganga talaga kami ni Chantal sa pagka bigla. Gusto ko talagang itanong kung paano nila nalaman pero 😅 wag nalang pala haha. "Aaahhh!!!" sigaw ni Ilya at nag snap ng daliri "Siguro ginayuma mo si Jao no?" tanong nya kay Chantal
"Ha?!" gulat na tanong ni Chantal
"Pinakain mo ng mani mo" 😂 natatawang wika ni Ilya. Natawa rin si Bryan na nag babantay ng paninda sa harap ng karinderya "That's how you tame this beast" tinuro ako ni Ilya. Wew! ako? beast?
"Papakainin ng mani?" tanong ni Bryan
"Hoy! grabe kayo sakin ah! ang babastos nyo" namumulang sagot ni Chantal. ahhh basta ako tahimik nalang 🤦🏻♂️🤦🏻♂️🤦🏻♂️ ano ba tong udapan namin? gusto ko lang naman mag sorry bakit nauwi sa usapang mani? speechless na rin si Chantal sa embarrassment.
"Namumula ka so, totoo" pinindot ni Ilya ang pisngi ni Chantal
"Ilya kainin ko yung mani mo ah!" sabat ni Bryan. Napatingin kami ni Chantal kay Bryan
"Sure masarap kaya mani ko" casual na sagot ni Ilya. Kung makikita nyo angbreactiin namin ni Chantal ay hindi talaga maipinta. Sabay din kaming bumaling ng tingin kay Ilya 🤨 - ako
😳🫢😱- Chantal"Ohh my gosh Ilya ipapakain mo na rin kay Bryan ang mani mo?" tanong ni Chantal. Hindi ko alam kung tama pero sure ako ibang mani ang nasa isip ni Chantal 🤦🏻♂️🤦🏻♂️
"Oo naman" sagot ni Ilya "Teka anong mani ba ang nasa isip mo?" tanong nya
"Ang bastos ni Chantal" sagot ni Bryan ang naghagis ng mani sa ere sabay salo ng bibig para nguyain. "Etong mani ni Ilya ang tinutukoy ko"
"Ano ba" wika ko 🤦🏻♂️ "Nakakahiya" arte ko kahit hindi basta maiba na ang usapan namin. "Ilya, Sorry, I'm really sorry about what happened in the past. Hindi ko na hihilingin na patawarin mo ako pero i just want you to know how sincere I am. "
"Hay naku Jao" umupo si Ilya sa upuan "Matagal ko nang nakalimutan yang kasalanan mo" wika ni Ilya "Bukod duon ay nag move on na ako" tumingin sya kay Bryan at muling tumingin sakin "Sa paglipas ng panahon ay nag matured ang pag iisip ko. Kung dati iniiyakan ko yung pambubully mo tuwingkinukuha mo ang baon ko para ipakain sa ASO-" 🤦🏻♂️ inemphasize ni Ilya ang word na ASO habang masamang tumingin kay Bryan. Gaano ba kalaki galit nito kay Bry at parang mas nasasapawan ng nakaraan nila yung kasalanang nagawa ko 🤦🏻♂️🤦🏻♂️ "Ngayon ay natatawa nalang ako" nakangiting pahabol sa akin ni Ilya "Tingnan mo ako ngayon- tingnan mo ang negosyo ko-"
"Nilalangaw" sabat ni Bryan
"Edi paypayan mo" utos ni Ilya
"Nilalangaw kasi wala kang customer" asar ni Bryan.
"Augh!!" bagot na nilapag ni Ilya ang ulo nya sa mesa "Bakit ganon? kahit masarap ang luto ko hindi naman kalakasan ang benta ko" parang iiyak na wika ni Ilya
BINABASA MO ANG
Wayback Travellers (Tagalog)
Teen Fiction"Sometimes, the hardest journey is the one back to ourselves." The former bully, Keiya "Jao" Kaede looks determined yet vulnerable, holding a map with notes and locations marked. His expression reflects a mix of guilt and hope. The former victim, C...