6: Pretend to forget

8 0 0
                                    


Sound Trip
ANGELS OR DEVILS
BY: DISHWALLA


CHANTAL

Matapos kaming kausapin ng School Director ay binigyan nya kami ng access kung saan nakalagay lahat ng data ng mga estudyante sa batch namin. Ito ang first step na naiisip ko. Hindi man maalala ni Jao ang mga pangalan ng na bully nya ay naaalala naman nya ang mga itsura kaya ang target- year book, next aalamin ang pangalan, next kukunin ang address nila mula sa birth certificate na naka compile sa folders nila after non hahanapin naman namin sila online.

"Buti pinayagan tayong dito" wika ko habang nagbubuklat ng mga yearbook "Magkano lagay mo?" tanong ko at tumingin sa kanya na seryosong natingin sa mga pictures sa year book

"Anong lagay?" tanong nya

"Suhol, hindi basta basta magbibigay ng detalye ang school sa atin kung hindi ka nag suhol" sagot ko

"Sobra ba talagang corrupt ang tingin mo sa mga tauhan ng school na to?" tanong nya

"Medyo" sagot ko. Napatingin sya sakin "Masisisi mo ba ako?" tanong ko. Masisisi mo ba ako Jao? Diba sinuhulan nyo ang dating school director nuong nag sumbong ako sa pang ha harrass mo sa akin para hindi masira ang pangalan at imahe ng pamilya nyo?. Napakagat ako sa labi. kahit hindi ko sinabi ang saluobin ko ay alam kong na gets ni Jao ang nasa isip ko "Nasobrahan nanaman ba yung bunganga ko?" tanong ko. Huminga ng malalim si Jao

"Iba na ang sistema ng school, Iba na rin ang pamunuan kaya sana magbago na rin ang tingin mo sa school" sagot ni Jao

"Sorry" sagot ko at umiwas ng tingin. Nag panggap nalang ako na naghahanap ng mga clue sa mga taong hinahanap namin pero ang totoo ay lutang ang isip ko. Parang gusto kong iumpog ang sarili ko. Bakit ang tanga mo Chantal??? Diba nandito ka para tulungan si Jao na maka recover sa depression nya? Eh bakit parang lalo mong dinadagdagan ang isipin nya? Bakit kahit anong deny mo na naka move on ka na sa nakaraan ay binablik balikan mo parin yung nangyari?

"Nakita ko na" napatingin ako nang mag salita si Jao. Nakangiti sya habang nakatingin sa year book namin

************************************

JAO

Habang kinakausap ni Chantal ang Principal sa loob ng opisina ay nasa labas ako, nakaupo at naghihintay. Pinipisil ko ang bridge ng ilong ko, parang nasakit ang ulo ko sa mga nakaraang naaalala ko. Madalas naman ako bumisita dito pero iba yung impact na kasama ko mismo yung taong binubully ko nuon at ang matindi ay tinutulungan nya akong ayusin ang sarili ko ngayon

"Haaaayyyy" buntong hininga ko at sumandal sa sandalan ng couch, tumingala sa ceiling at pumikit. Ano nga ulit yung nangyati nung unang beses kaming nagkita ni Chantal? ahhhh Oo- ginamit ko ang kamay nya para mag masturbate ako. Napaka walang hiya ko talaga nuon.

*****Flashback*****

Binubugbog namin ang isang lalaking estudyante dahil gusto nyang sumali sa grupo namin, Ang sabi ko papayag ako kung magpapabinyag sya kaya kumasa sya. Dumaan ng walang pakundangan si Chantal at hindi man lang pinansin ang tawag ko na syang kinainis ko sa kanya, Wala rin syang galang kung sumagot sa akin at nang malaman kong sina Shaola ang nag utos sa kanya na dumaan dito ay pinaalis ko ang tropa ko para asikasuhin sina Shaola.

Wayback Travellers (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon