Keiya
Habang nabiyahe kami ay sinasamahan ko si Bryan sa drivers seat para hindi sya mabagot na mag maneho. Kanina pa sya nasa manibela at kahit anong offer ko na ako muna ang papalit na mag drive kay 'OPTIMUS PRIME 😅' ay ayaw parin nyang huminto
"Okay na ko dito wag ka mag worry" wika ni Bryan
"Worry saan?" tanong ko
"Worry na baka ibangga ko si Optimus Prime" sagot ni Bryan
"Hindi yun ang iniisip ko 😅 ang sakin lang pwede ka namang magpahinga" sagot ko
"Paano mag papahinga yan excited makita si ILYA" biglang sulpot ni Chantal
"Hoy" natatawang awat ni Bryan
"Meryenda tayo nakaluto na ako ng Maruya" aya ni Chantal
"Ayun! wait lang hahanap lang ako ng paparadahan" wika ni Bryan. Napangisi ako, pagkain lang pala magpapahinto dito sa pag mamaneho.
Naghanap kami ng pwedeng paradahan ni Optimus Prime na walang ibang motoristang maaabala dahil sa laki ng motor house ko. Maya maya ay niliko ni Bryan ang sasakyan sa isang...
"Wow!!!" sigaw ni Chantal at tumakbo malapit sa bintana
beach. Ipinarada ni Bryan ang sasakyan malapit sa beach. Nakakamangha ang view, hindi basta bastang beach ang napuntahan namin, hindi gaya ng ibang beach na mabuhangin o mabato."Ang ganda Bryan!!" sigaw ni Chantal
"Masarap mag meryenda kapag ganito ang view" nakangiting wika ni Bryan. Dahil sa ganda ay napag pasyahan naming tumambay dito
"Anong lugar to?" tanong ko "Paano mo nalaman na may ganitong lugar dito?" mangha kong tanong"Glass beach" nakangiting sagot ni Bryan "Parati naming nadadaanan tong lugar na to kapag nag de deliver kami ng supplies sa clients kaya alam ko dito"
"Ang ganda!! tara Keiya! Bryan i explore natin ang ganda ng lugar na to" hinila kami ni Chantal palabas ni Optimus Prime. "Totoo bang bato to?"
"Glass yan" sagot ni Bryan. Dumampot si Chantal ng iba-ibang kulay na seaglass "Mga nabasag na bote at iba pang nababasag"
"Glass nga diba?" wika ko kay Chantal sabay kurot sa pisngi nya.
"Sis wag mo kunin yan" awat ni Bryan
"Bakit? ang ganda kaya gawing souvenier" sagot ni Chantal
"Di ko alam kung batas din dito yung kagaya sa ibang bansa pero- Yang mga seaglass kasi inaabot ng decades bago sila ma form ng ganyan kaya hindi basta bastang dapat damputin ang mga yan" paliwanag ni Bryan
"So dapat parang i preserve?" tanong ni Chantal. Hinawakan ko ang kamay ni Chantal para kunin ang hawak nyang mga seaglass at ibinalik ko ang mga iyon sa lapag
BINABASA MO ANG
Wayback Travellers (Tagalog)
Teen Fiction"Sometimes, the hardest journey is the one back to ourselves." The former bully, Keiya "Jao" Kaede looks determined yet vulnerable, holding a map with notes and locations marked. His expression reflects a mix of guilt and hope. The former victim, C...