9: Bryan Nules

1 0 0
                                    

Chantal

Habang nag da drive si Keiya ay nag re research at nagte trace ako ng mga tao na hinahanap namin.

"Hindi ba mabigat i drive tong gigantic de luxe motor car mo" 😒  wala lang trip ko lang gawing exagerated ang description ng motor house nya hahah

"Hindi naman basta sanay ka na" sagot ni Keiya. "Ano nang balita sa assignment mo?"

"Nakapag chat na ako kay Ilya" sagot ko "Yung iba, hindi ko mahanap ang social media accounts nila"

"I told you" sagot ni Keiya 😒

"Hoy FYI, ikaw nag based sa profile picture ako nag be based sa pangalan at friends of friends hell-oooo" wika ko "Tsaka kung wala tayong makuhang data sa socmed, itong naka lagay na address sa data  nila sa school ang pupuntahan natin"

"How sure na diyan parin sila sa address na iyan naka tira?" tanong ni Keiya

"1 out of 10" sagot ko. Pansin ko pa ang pag buntibg hininga ni Keiya. Tinapik ko ang balikat nya "Kaya nga sasadyain nating puntahan para malaman diba?" Sinulat ko sa journal ko ang pangalan ng una naming pupuntahan "Uunahin nating puntahan ang pinaka malapit"

"Bukas na natin puntahan, gabi na at kailangan na magpahinga ng driver mo madam" 😏 pang aasar ni Keiya "Sino nga pala ang una nating pupuntahan?"

"Bryan Nules" sagot ko at tumingin kay Keiya. Alam ko at kilala ko si Bryan, Ikaw ba Keiya- naaalala mo pa ba ang ginagawa mo kay Bryan??. Tinitigan ko lang ang blangkong reaction ni Keiya hanggang sa ihinyo nya ang sasakyan sa isang parking space

"Magpapahinga na ako" wika ni Keiya at nag unbuckle ng seatbelt. Tumayo sya at naglakad paakyat "Kumain ka nalang, busog pa ako"

"Teka bakit-" hindi ko natapis ang itatanong ko

"Wag kang magbubukas ng pinto o bintana kahit anong mangyari, paki sara na rin ang mga blind curtains. Good night" wika ni Keiya. Nawalan ng gana si Keiya nang banggitin ko ang pangalan ni Bryan.

KEIYA

Habang nakahiga ako sa kama ay iniisip ko kung paano ko haharapin si Bryan kung sakaling matagpuan namin sya bukas.

****Flashback*****

"Pst! hoy" sitsit ko sa babaeng chubby na mahilig magbaon ng kanin at kumain sa ilalim ng puno. Tumingin lang sya sa akin at muking ibinaling ang atensyon sa lunchbox nya.

"Wew, wala ka pala boy" natatawang asar ng tropa ko

"Ako? wala?" tanong ko at lumakad palapit sa babae. "Hoy" sinipa ko ang lunchbox nya na nakapatong sa damuhan dahilan para matapon ang ilang kanin

"Ano ba?!" sigaw ng babae at tinulak ang binti ko kaya napa atras ako

"Tapang ni Piggy" asar ng tropa ko

"Anong bang problema nyo?" tanong ng babae at tumayo para harapin ako

"Ikaw" sagot ko "Tinatawag kita ah"

"Tumingin naman ako sayo diba? papansin ka ba?!" sigaw ng babae sa akin

"Oo papansin ako" dinampot ko ang lunchbox nya at minudmod sa uniform nya ang baon nyang pagkain

"Gago ka!" mura ng babae habang naiyak "Inaano ba kita?!!"

"Naiirita ako sa mga kagaya mo, bakit ba napasok kayo sa school namin kung wala naman kayong pambili ng pagkain sa canteen?!"  inis kong sita

"Edi pagalitan mo tatay mo sponsor ng sponsor ng mga matatalinong tulad namin!" sigaw ng babae habang naiyak "Palibhasa ikaw na anak nya super bobo!!"

"Bobo ka daw tol" gatong ng tropa ko

"Ahhh.. Bobo ako?" hamon ko at dinakot sa uniform nya ang ilang mantsa ng pagkain at pinaligo sa ulo nya "Bobo ba ako?"

"Hoy! itigil nyo yan!!" biglang may lalaking tumakbo palapit kay ms. piggy "Ano ba kayo? bakit ba pinagtitripan nyo nanaman ang babae mga bakla ba kayo?"

"Sino ka ba?" tanong ko "Ano bang pakialam mo?"

"Boyfriend yata ni piggy" wika ng tropa ko

"Sa section 1 yan- scholar ng Daddy mo" wika ng isa kong tropa

"Ahh- isa pang pabigat sa buhay" wika ko "Alam nyo ba gigil na gigil ako sa mga kagaya nyo, walang ginawa kundi humingi ng allowance sa dad ko"

"Hindi namin hinihingi ang pinang aaral sa amin ni Sir- pinaghihirapan namin to" sagot ng lalaki

"Sumasagot ka ahh" sinuntok ko sa sikmura ang lalaki. Namilipit sa sakit ang lalaki kaya natawa ako "Akala mo kung sinong knight in shining armor lampa naman pala!" sumenyas ako na bugbugin ang lalaki kahit nag mamakaawa na ang babae sa amin na huminto na

"Tama na parang awa nyo na wala naman syang ginawang masama sa inyo" iyak ng babae

"Gusto nyong huminto ako?" tanong ko "Hoy lalaki! dilaan mo yung sauce na tumulo sa mukha ni Ms. Piggy" nagtawanan kami. Akala ko magmamatigas ang lalaki pero nagulat ako nang dilaan nya ang pisngi ng babae para lasahan ang sauce

"Ay gagi masunurin" wika ng tropa ko

"Gusto ko yang ganyan masunurin. Simula ngayon kayong dalawa susunod na kayo sa sasabihin ko kung ayaw nyong maulit sa inyo tong ginawa ko sa inyo ngayon" wika ko "Kainin mo yan!" sinabunutan ko ang lalaki at tinapat ang mukha sa damuhan kung saan natapon ang ibang kanin at ulam ni ms. Piggy "Kainin mo yan o sisipain ko tong gf mo!"

Tuwang tuwa ako habang pinapanuod kung paano kainin ng lalaki na parang aso ang mga natapong pagkain

"Anong pangalan mo?" tanong ko

"Bryan" sagot nya "Bryan Nules"

****End of Flashback*****

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng tinutulugan ko

"Keiya" tawag ni Chantal sabay katok "Hoy Keiya gising na tanghali na"  tanghali na?? agad akong tumingin sa wrist watch ko at napakunot ako ng nuo sabay kurap sa mata para i check kung tama ang nakikita ko

"Tanghali?" tanong ko sa sarili ko "Ala-singco palang ah" umupo ako sa kama at hinilamos ang palad sa mukha sa pag aakalang inaantok pa ako at muling tumingin sa relo "Sira na ba tong relo ko?" kinuha ko ang cellphone ko para i check ang oras "Alas singco palang" wika ko sa sarili ko

"Keiyaaa" tawag ni Chantal

"Oo na" bagot kong wika "Tatayo na"

"Good job bata" wika ni Chantal 😒 ano daw? Tumayo ako para lumabas sa kwarto. Wala na si Chantal sa labas ng pinto kaya dumiretso muna ako sa cr para umihi, maghilamos at mag mumog pagkatapos ay bumaba. Sa hagdan palang ay amoy ko na ang toasted bread at kape "Good Morning" bati nya.

"Good Morning" sagot ko habang nahikab "Sobrang aga mo akong ginising hindi ako sanay"

"Pwes as long as kasama mo ako masanay ka nang gumising ng maaga" sagot ni Chantal "Tara, kape tayo"

Wayback Travellers (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon