ARESTADO ba ako?"
Tuwid ang tinging ipinukol ni Helena sa nakakainis na mukha ng babaing pulis na nakaupo sa kaibayo ng lumang mesa.
"Hindi, Miss. Inimbitahan ka lang namin dito para sa ilang katanungan." Parang sa lalaki ang boses ng babaing pulis. Matigas ang dating ng mukha al parang may beke kaya hindi maibuka nang husto ang bibig.
Kaya kahit medyo malumanay ang tinig ay parang nananakot pa rin. Tiyak, kahit pinakapusakal na kriminal kapag ito ang nag-imbestiga ay mapapakumpisal.
"So this is entirely voluntary, right? At maaan akong umalis, any time I want. Walang tanung-tanong. Hindi ninyo ako pipigilan," aniya.
Nagsisimula nang bumalik ang talas ng isip ni Helena. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pinayagan niyang madala siya ng mga pulis sa presinto. Kung hindi lang siya nataranta kanina...Por Dios! Anong laking kohihiyan nito.
Kailangang makualis ako agad dito, bulong niya sa sanli.
Sa tanang buhay ay noon lang niya naranasang maaresto ng pulis at madala sa presinto. Hindi pa man, pakiramdam nya' y magkakaroon na siya ng claustrophobia.Napakabilis ng pangyayari. Bago siya nakapag-react kanina y naisakay na siyang mga pulis sa mobile car na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.
Ngayon, matigas ang pasya ng mga pulis na huwag siyang pakawalan.
"You can do that, Miss," ang sabi ng lalaking nakasibilyan na nakatayo pasandal sa dingding ng masikip na interview room na iyon. Obviously, ito ang pinaka-senior sa mga naroroon. "Pero kapag ginawa mo iyon, mapipilitan kaming gumawa ng immediate arrest. And we could do that base sa mga ebidensiya namin at maaari ka naming sampahan agad ng kaso.
Magiging bisita ka muna rito sa presinto at bukas ka pa puwedeng lumabas kapag napiyansahan ka na ng abogado mo. Sa daming mga kasong nakabinbin ngayon sa korte, tiyak, taon ang bibilangin mo sa kulungan bago matapos ang kaso mo."
Namutla si Helena. Abogado? Sa kasalukuyang kalagayang pananalapi, saan siya kukuhang ibabayad kahit sa isang pipitsuging abogado? She had not done any productive endeavor sa nakalipas na ilang linggo.
Napagtuunan niya ang pagga-garden at pag-aayos sa kanyang bahay. But at least, sa kulungan, libre...
Hindi niya natandaan ang pangalan ng lalaking naka-plain clothes, pero ipinakilala nito ang sarili kanina na isang detective mula sa NBI.
Napakunot-noo siya. NBI? Pero magulo pa ang utak niya. Hindi siya makapag-isip na mabuti. Siguro nga, dapat na ipagpasalamat na lang niya na sa halip na dalhin siya sa Maynila ay sa istasyon ng lokal na pulisya siya dinala.Ngunit hindi involved ang mga local police. Kung naririto lang sana si Capt. Buenaflor, ang hepe sa presintong iyon, baka nagtatawanan na silangayon at inihatid pa siya pauwi. Wala siyang kakilala sa limang wrestlers na nakapalibot sa kanya.
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya at malungkot na napatitig sa detective. Tingin niya ay lampas na ito sa treinta at may sapat na karanasan na para maunawaan ang mga taong nahuhuli sa alanganing sitwasyon na hindi naman kagustuhan... tulad niya.
Umalis mula sa pagkakasandal sa dingding ang detective. Naupo sa silya sa harap ni Helena. Umingit iyon. Ipinatong ang malaking kamao sa ibabaw ng mesa habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng dalaga at matamang pinagmasdan.
"Miss Castillano, pumasok ka sa bakuran ng mga Avancena na may kahina-hinalang kilos..." ans policewoman uli.
"Kahina-hinala? Ano'ng kahina-hinala sa kilos ko?" maang na tanong ng dalaga.
"Bakit patagu-tago ka sa mga halaman habang papalapit sa bahay? At sa halip na tumuloy ka sa harapan, lumihis ka pa al kumubli sa mga halaman."
"Hindi ako nagtatago, ha?" Inirapan niya ito.
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride (Helena & Troy) - Maureen Apilado
RomantizmNakipag-pen pal si Helena kay Troy Avancena. She had bared her heart and soul in her every letter to him - only to regret it later. Dahil natuklasan niya na hindi pala siya ang sinusulatan ng lalaki kundi ang kakambal na si Helen. Gusto niyang maitu...