MAAGANG umalis si Troy kinabukasan.
Tanghali namang gumising si Trina. Pagkagising, gumayak uli at lumabas.
Naiwan silang tatlo sa bahay. Kasundo ni Helena ang maglola. Hindi pa naman ulyanin si Mrs. Avancena tulad ng pinalalabas ni Trina. Hindi na nga lang kasintalas tulad ng dati ang isip nito.
Si Marie Kathleen naman ay halos maghapong nakabuntot sa kanya. Maraming itinatanong, personal man o tungkol sa maraming bagay-bagay.
Nahihiya namang magtanong si Helena tungkol sa pribadong buhay ng mag-ama. "Paano iyan, di ilang araw kang mawawala sa school?" aniya.
"Hindi bale, alam ko na naman ang pinag-aaralan nila, e," sabi nito.
Matalino nga ang bata. Naglaro sila ng Scrabble. Ni minsan ay hindi niya ito natalo. At matataas ang score. "Anong grade mo na, Marie Kathleen?" tanong niya. "First year. Nainip na nga ako sa school, e. lyon at iyon din lang ang pinag-aaralan namin," reklamong bata. Napaisip si Helena.
TAPOS na silang maghapunan. Nilapitan ni Helena si Troy. "Gusto kitang makausap... in private," sabi niya. Kumislap ang panunukso sa mga mata ni Troy. "Hindi tulad ng iniisip mo, ha?" inis na sabi niya. "Bakit? Ano ba sa akala mo ang iniisip ko?" balik-tanong ng lalaki. Tiningnan nya ito nang masama. "Okay, doon tayo sa library," sabi ni Troy. Nagpatiuna na ito. Sumunod siya.
"Care for a drink?" alok ni Troy, kumuha ng alak sa mini-bar na nasa isang panig ng dingding. Malakas na umiling si Helena. "I see, sabi nga pala ni Helen, you can't handle any kind of alcohol." Naglagay ito ng kaunti sa baso at ininom, saka nakangiting hinarap ang dalaga. Nasa mga labi pa rin ang panunukso. "What is it, Helena? Shoot out."
"Be serious!" asik niya. "Tungkol kay Marie Kathleen."
"How about her?" Sumeryoso ang lalaki.
"May kutob ako kung ano ang problema ng anak mo. Pinatingnan mo na ba siya?"
"Bakit? Ano'ng sakit niya?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Troy.
"Wala siyang sakit. Kasi kanina, naglalaro kami ng Scrabble kanina. Apat na beses. Lagi niya akong tinatalo."
Natawa si Troy. "Natural," anito.
"Hoy, hindi ako bobo, ha?" inis na sabi ni Helena.
"What 1 am trying to point out is, your daughter is a genius."
"Matalino siya. Dalawang beses siyang na-accelerate sa elementary. Valedictorian siya nang magtapos ng grade six. First honor siya mula grade one hanggang grade six."
"Hindi mo ako naintindihan. I read it somewhere na may mga cases na tulad niya. Ganyan daw ang mga geniuses. lyong madaling mainip sa klase. Academic boredom, kaya kung anu-ano ang nalisip niyang kalokohan. Bakit hindi mo siya patingnan? Have her undergo an IQ test para malaman kung hanggang saan ang IQ level niya."
"Does it make her different from any other children?"
"Certainly. Haven't you heard about special educations? For sure, alam iyon ng mga taga-DECS."
"All right, tatapusin ko lang ang problemang ito, saka ko aasikasuhin si Marie Kathleen."
Nang biglang may maalala ang babae. "Teka, wala pa rin bang balita tungkol sa extortionist na iyon?" tanong ni Helena.
"Wala pa." Tumayo na ang lalaki. "Gabi na. Magpahinga na tayo."
MATAGAL nang nakahiga si Helena ngunit ayaw pa ring dalawin ng antok. May umuukilkil sa likod ng kanyang utak, na iyon bang parang may gusto siyang gawin, ngunit hindi maisip kung ano iyon.
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride (Helena & Troy) - Maureen Apilado
RomansaNakipag-pen pal si Helena kay Troy Avancena. She had bared her heart and soul in her every letter to him - only to regret it later. Dahil natuklasan niya na hindi pala siya ang sinusulatan ng lalaki kundi ang kakambal na si Helen. Gusto niyang maitu...