BUMABA si Helen. Hinanap ang komedor.
Tahimik na tahimik ang kabahayan. Nang marinig ang mahinang usapan mula sa nakasarang double door, tinungo iyon at binuksan.
Iyon ang dining room. May tatlong baitang pababa. Tulad ng sala, maluwang din iyon at elegantly furnished. Ngunit hindi roon napatutok ang pansin ni Helena kundi sa apat na katao na nakaupo na sa oval na mesa. Buong akala niya ay sila lang nina Troy at Mrs. Avancena ang maghahapunan. Ngunit may kasama pa ang mga ito na dalawa. Isang slender at magandang babae na nasa mid-thirties na at isang batang mataba na nakasalamin na maglalabindalawang taon na.
Napanganga siya nang salubungin siya ni Mrs. Avancena.
"Helena, tuloy. Huwag kang mahihiya. Meet my daughter-in-law, Trina, at ang apo ko, si Marie Kathleen. Kathy say hello to Miss Castillano..." May asawa si Troy! Asawa niya ang magandang babaing ito! At may anak pa! Ang bruto! Nuknukan ng sinungaling! Taksil! Kaya pala, ganoon na lang ang pag-uumigting nito na mabawi ang mga sula!
Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa bumagsak ang lalaki sa kinauupuan.
Nakadamang kasiyahan si Helena nang nawala ang ngiti ni Troy at napalitan ng tila alanganin at kinakabahang ngiti. Good, he was worried. Dapat lang!
Dahil nasa kamay na niya ang alas na pupuwedeng sumira sa masayang pamilya nito.
Masarap ang hapunan, ngunit hindi malasahan ni Helena. Una, laging nakatingin sa kanya ang anak ni Troy, pinagmamasdan ang bawat subo niya. Kapag tinatangka niyang kausapin, yuyuko lang ito at haharapin ang pagkain. Hindi niya tiyak kung pipi ito o bingi.
Pangalawa, ang hostility na ipinupukol sa kanya ng babaing nakaupo sa kaibayo ng resa. Sa kabilang polite na pakikipag-usap sa kanya ni Trina at ang mga ready smiles sa mga labi, alam niya, nagpupuyos ang kalooban nito, hindi lang hantarang maipakita.
Hindi nakatis si Helena. "Mrs. Avancena " Kay Trina siya nakatingin. "I assure you, I wouldn't have invaded your home like this..."
"Ako ang nag-anyaya sa iyo rit," sabad ni Troy.
Tiningnan niya ito nang masama. "Ano ang iisipin ng anak mo at asawa mo?" mariing bulong niya.
"Asawa ko?" takang-tanong ni Troy.
"My God! Talagang wala kang konsiyensiya! You faithless pig!" Lalong nagatungan ang galit niya nang makitang nagpipigil ang lalaki na huwag matawa.
Pinagtatawanan pa siya! "How dare you treat your wife like this... you..." Wala na siyang maisip na tamang salita para dito. Napalakas ang kanyang pagsasalita.
"Wife? Troy, kasal ka na sa babaing ito?" di-makapaniwalang tanong ni Trina.
"Don't be ridiculous, Trina." Inalis ni Troy ang kamay ng babae sa braso. "Sa palagay mo, mag-aasawa ako na hindi humihingi ng pahintulot sa anak ko?" Masuyong tumingin ito kay Marie Kathleen.
"Alam mong hindi ko gagawin iyon, hindi ba, anak?" Mabilis namang tumango ito. Muling tumingin kay Helena.
"Ano'ng sinasabi niya na 'asawa'? Something is going on, Troy. Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" sita nito.
Tiningnan ito ni Troy. "You can ask, pero hindi nangangahulugang makakakuha ka ng sagot. Bilang biyuda ni Tristan, you deserve respect and "Consideration, not chapter and verse of my business and private affairs!"
Namutla, pagkuwa'y namula, ang mukha ni Helena sa isang segundo lang. Hipag niya ang babaing ito? Oh, no!
Bumaling sa kanya si Troy. "Perhaps you'd care to rephrase some of your remarks, Helena."
![](https://img.wattpad.com/cover/370515041-288-k739796.jpg)
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride (Helena & Troy) - Maureen Apilado
RomanceNakipag-pen pal si Helena kay Troy Avancena. She had bared her heart and soul in her every letter to him - only to regret it later. Dahil natuklasan niya na hindi pala siya ang sinusulatan ng lalaki kundi ang kakambal na si Helen. Gusto niyang maitu...