NAKAAWANG ang mga labi na napatitig si Helena sa lalaki na animo tuod na nakatayo sa kinatatayuan. Habang sa may paanan nito ay nakakalat ang mga sulat. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. She was never a violent person. But this man brought out the worst in her.
Napatingin siya sa mukha nito. Bahagya siyang napaurong nang makita ang matinding galit doon. She was never a coward. Buong-tapang na hinarap niya ang galit ng lalaki.
"Get your damn letters and get out!" marahang sabi. Hindi mapigilan ang bahagyang paggaralgal ng boses. "Kung hindi, tatawag akong pulis," kulang sa ding banta ni Helena. Tiyak niya, alam din iyon ng lalaki.
Sa nangyari kahapon, kahit habang-buhay na siyang hindi makakalimot sa pangyayari, wala siyang balak pumatay.
Nakuyom nang mahigpit ni Troy ang mga palad. Gusto nitong sakalin ang babae. Wagwagin hanggang sa maalog ang utak kung may utak nga ito. He had never hit a woman before at ayaw nitong ngayon magsimula. Tahimik na bumilang ito hanggang sampu.
Kinabahan naman si Helena nang makitang pulang-pula sa galit ang lalaki. Nang pumikit ito ay lalo siyang kinabahan. Buong akala niya ay inatake na ito sa puso o na-high blood na. Hinthintay na lang niya na bumagsak ito sa kanyang harapan.
Nang kumilos ang lalaki. Umangat ang mga kamay. Pumulupot iyon sa kanyang katawan, at bago pa siya nakahuma ay mahigpit na siyang yakap-yakap nito. Napaangat siya sa sahig. Dulo na lang ng daliri niya sa paa ang nakatuntong doon. Mahigpit na hinawakan siya nito sa panga at mariing hinalikan sa mga labi.
Tinangka niyang itulak ito. liwas ang bibig. Ngunit para siyang langa na nahuli sa sapot ng gagamba. Habang nagpupumiglas siya, habang nagpupumilit siyang makawala, lalong humihigpit ang mga kamay na iyon na nakapulupot sa katawan niya. Lalong dumidin ang mga labing iyon sa kanyang mga labi. He ground his lips on her lips. Nasaktan siya. Pakiwari niya ay puputok na ang kanyang mga labi. Nalalasahan pa niya g maalat-alat na lasa ng dugo sa loob ng bibig.
Then he eased the pressure of his lips against her lips. This time, magaan na ang halik. May kasama nang panunuyo. He tried to sooth the pain he inflicted with his tongue. Yakap parin siya nito, ngunit ang isang kamay ay malaya nang humahaplos sa kanyang likod. Gumala iyon sa katawan. pinasok sa laylayan ng blusa. Malayang dinama ang kanyang balat. Dumako iyon sa may tadyang, umakyat pataas sa may dibdib. Bahagyang niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya, kinubkob iyon ng palad. With his tongue inside her mouth and his hand on her breast, playing havoc on her senses, hindi siya makapag-isip.
Naging abala rin ang sariling mga kamay ni Helena. Naalis sa pagkaka-tuck in ang sweatshirt ng lalaki, malayang gumala ang mga kamay sa likod nito. Kusang naalis ang mga butones ng blouse ng dalaga. Maluwang na ang mga lumang button holes niyon. Bahagyang inilayo ni Troy si Helena upang mapagmasdang mabuti. Doon natauhan si Helena. Itinulak ang lalaki, pinagkrus ang mga braso sa may dibdib at mabilis na tumalikod. Hiyang-hiya ang dalaga. Tuluyan nang nahantad sa mga mata ng lalaki ang suot niyang bra na matagal Nang dapat na nagretiro. Mabilis niyang inayos ang sarili.
Nais mangunti ni Helena. Por Dios! Ngayon lang sila nagkita nang personal, bakit pumapayag na siyang halikan nito at hawak-hawakan sa kung saan-saan?
And she thought she knew him so well.. pero iba ang imahe ng lalaking nabuo sa isip niya sa pamamagitan ng mga sulat nito sa lalaking kaharap ngayon: Physically, ni hindi sumagi sa isip niya na ganito kaguwapo ang lalaki. Ang nasa isip niya na imaheng ka-penpal ay isang ordinaryong lalaki, karaniwan ang taas at medyo malaki na ang baywang at medyo lumalapad na ang noo. Ano ba ang aasahan mo sa isang lalaking kuwarenta anyos na?
Akala niya, iyon ang dahilan kaya hindi nagpupursige ang lalaki na magkita sila nang personal. Kaya nagkakasya na lang ito sa pakikipagsulatan sa kanya. Dahil nahihiya itong makipagkita sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Lovely Bride (Helena & Troy) - Maureen Apilado
RomantizmNakipag-pen pal si Helena kay Troy Avancena. She had bared her heart and soul in her every letter to him - only to regret it later. Dahil natuklasan niya na hindi pala siya ang sinusulatan ng lalaki kundi ang kakambal na si Helen. Gusto niyang maitu...