Chapter 3

483 7 0
                                    

MISS Castillano, sulat!" sigaw ng kartero. 

Nagmamadaling lumabas si Helena. Kinuha ang sulat. 

"Salamat." 

Napangiti siya nang makita ang typewritten address sa labas ng envelope. Alam na niya kung kanino nanggaling iyon. 

Hindi pa man ganap na nakakapasok sa loob ng bahay, binuksan na niya ang sulat. Pasalampak na naupo sa sofa at mabilis na binasa. 

You make each day something to look forward to... Napangiti si Helena. You touch my heart and my soul... Kinilig siya. Maano ba kung parang hinango iyon sa linyang isang kanta. Nararamdaman naman niya na sincere ito. 

Nakapamilaylay ang ngiti sa mga labi niya matapos Basahin ang sulat, Tulad ng dati, ang mga sulat ni Troy ang nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan. His letters were very poetic. Kung iba ang makakabasa nun, tiyak sasabihin binobola lang siya nito. Pero para kay Helena, hindi pambobola ang mga iyon... mas malalim lang ang tingin ni Troy. Kasabihan nga, beauty is in the eye of the beholder. Kung iyon ang tingin sa kanya ni Troy, sino ba siya para kuwestiyunin iyon? 

Si Troy ay ka-penpal ni Helena may walong buwan na ang nakakaraan. Nagsimulang dumating ang sulat nito dalawang linggo pagkatapos ng ginanap nilang dinner and dance party noong Pebrero. In-organize nila iyon para makalikom ng pondo sa kanilang information campaign. 

Isa si Helena sa organizers ng nasabing fund raising. Aktibo siya sa mga community organizations kahit noong nasa Maynila pa siya. She was an environmentalist. Miyembro siya ng Love the Earth Movement at kung anu-ano pang organization na may kinalaman tungkol sa pagpi-preserve ng kapaligiran. At ang fund raising na iyon ay in-organize nila para makalikom ng pondo para sa nasabing organisasyon. 

Para makatiyak na maraming dadalo, in-encourage nila ang mga kabataan na magbenta ng tickets sa mga magulang, mga kaibigan at kamag-anak.

Tama namang dumalaw sa kanya ang fraternal twin niyang si Helen. Si Helen ay isang dating beauty queen at ngayon ay kilala na bilang modelo hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa. Inanyayahan niya ang kakambal na dumalo sa party. 

"Ano naman ang gagawin ko roon?" tanggi ni Helen. 

"Para naman lalong sumigla ang okasyon. Alam mo na, you are a celebrity, tiyak maraming matutuwang makilala ka nang personal," patuloy na panghihimok ni Helena sa kapatid. 

Hindi naman magawang tanggihan ni Helen ang kakambal. "But I don't have to stay long..." 

Natuwa si Helena. "Sure. Kapag gusto mo nang umuwi, ipapahatid na kita." 

Taliwas ang magkakambal sa lahat ng bagay. Si Helen, maganda, matangkad, slim, glamorous. Si Helena, kapag nag-ayos ay maganda rin naman. Huwag nga lang itatabi kay Helen at matatabunan ang beauty niya. 

With Helen's height, five feet-nine inches, and her long curly burgundy hair, at kapag nag-contact lens pa ng may kulay, ay mapagkakamalan itong foreigner. Si Helena naman ay hindi kailanman mapag-kakamalang foreigner. She barely stood five feet-three inches and a half on her bare feet. Natural na kulot ang kanyang buhok at bilugan ang pangangatawan. Kung si Helen ay tall and slim, siya naman ay short and fat. Ngunit sa kabila nu'n, hindi nai-insecure si Helena sa kakambal. In fact, natutuwa pa nga siya para sa kapatid at very proud siya sa achievements nito. Kahit siguro kasintaas siya at kasingganda ni Helen, hindi rin niya ma-achieve ang narating nito. Basically, she was a very shy person. Hindi niya ma-imagine ang sarili na nagpo-pose sa harap ng kamera. Mas matanda siya ng limang minuto kay Helen. That made her feel protective towards her twin. 

The party was a success. Punung-puno ang sports complex kung saan nila idinaos ang nasabing okasyon. Tulad ng inaasahan ni Helena, lalong sumigla ang party sa pagdalo ni Helen. Bibihirang makadaupang-palad nila ang isang celebrity. 

My Lovely Bride (Helena & Troy) - Maureen ApiladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon