𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 2

265 27 3
                                    

HUNTER

Mabilis na lumipas ang mga araw at sumapit na namang muli ang Lunes.

Normal lang ang lahat sa nag daang isang linggo maliban nalang talaga ngayon dahil may bibisitahin kami ni baby Huntress.

Mabuti na lamang talaga at nagkataong naipagpaliban muna ang pag gawa ng maraming sasakyan ngayong araw kaya konti lang ang ininspeksyon namin dahilan upang nakauwi rin ako ng maaga.

Hindi kami makakapamasyal sa park ngayon ng prinsesa ko tulad ng karaniwan sana naming ginagawa kapag ganitong maaga ako nakakauwi pero natitiyak kong matutuwa pa rin sya sa pupuntahan namin.

"Anak halika na, nandito si Dairy," tawag ko sa prinsesa kong hindi pa rin lumalabas ng unit.

Kalalabas lang kasi namin kanina ay muli naman syang pumasok at muntikan pang madapa sa pagamadali. Akala nya siguro'y naiwan namin si Dairy kaya hinanap nya pa sa loob.

"Talaga po papa? dyan po Dairy ko?" hindi ko naman mapigilang ngumiti dahil sa munti at kyut na kyut nyang boses.

"Yes princess," wala pa man ding tatlong segundo ay nasa harap ko na  sya kaya agad kong iniabot sa kanya si Dairy.

"Thank you papa! I thought we have left him somewhere inside po," sobrang sarap sa tainga ang maliit nyang hagikhik kaya pati tuloy ako'y napapahagikhik na rin.

"Let's go na?" taas-baba ang kilay kong tanong matapos ko syang buhatin.

"Okay po, ready na po Huntress Rae," binigyan ko muna sya ng matunog na halik sa pisngi bago ko binalingan ang pinto upang i-lock.

Nang matapos 'yon ay masayang nilisan na namin ang buong condo at nagsimula nang bumyahe.

Matagal-tagal rin bago kami nakarating sa aming patutunguhan pero worth it din naman dahil sa labis-labis na sayang nakikita ko sa buong mukha ng anak ko.

Sobrang saya lang sa pakiramdam dahil iyon lang ang palaging kong hiling at pinagdadasal. Na maging masaya at maligaya sya sa lahat ng oras.

"Welcome princess!!"

Wala ibang maririnig sa paligid kung 'di ang salitang 'yan ng pagsalubong kay baby Huntress kasabay ng hiyawan at palakpakan ng lahat.

Puno rin ng deriksyon sa kahit saang sulok partida pa na hindi pangkaraniwan ang laki ng mansyong kiaroroonan namin ngayon. Napakalaki upang tawagin lang na masyon dahil para na 'tong palasyo. Hindi naman ito ang unang beses namin dito ni Princess pero walang palya pa rin akong namamangha.

Nagpatuloy ang kasiyahan sa pagdating ng anak ko at kahit isang minuto manlang ay walang naganap na katahimikan. Masyadong nakakataba ng puso ang sobra-sobra nilang pagmamahal kay baby Huntress to the point na naiisip ko nang wala akong ikababahala pagdating ng araw kung mawala man ako rito sa mundo dahil nandyan sila na pupuno sa kanya ng labis-labis na pagmamahal at sobra-sobrang pag-aalaga.

At ang tinutukoy ko ay walang iba kung 'di ang pamilya ng ina ni baby Huntress. Maraming anak ang mommyla at daddychuhu nya kaya ganito kami kagulo ngayon.

Minsanan lang din kasi kami kung bumisita rito kaya ganyan sila kasaya at ka-excited. Tyaka pinaghahandaan talaga nila palagi dahil mukha nang may fiesta tyaka pasko rito sa dami ng dekorasyon, pagkain, regalo, at kung ano-ano pang laruan.

Sobrang saya ng lahat pero dahil limitado lang ang oras namin doon ay agad din 'yong natuldukan. Palagi naman 'yong nangyayari subalit ang kaibahan lang ngayon ay mas maaga kaming aalis kumpara sa inaasahan.

Walang nagagawang lumisan na lamang kami ni princess pero kahit na gano'y masaya pa rin ang anak ko sa kabila ng kaonting oras na nakasama nya ang pamilyang ubod na nagmamahal sa kanya.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now