𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 3

259 25 12
                                    

HUNTER

"Anak, galit ka ba kay papa?" malambing kong tanong sa anak kong kanina pa tahimik at nagmumukmok. "Babalik naman agad si papa anak, saglit lang ako roon sa Cebu," dagdag ko pa pero lalo lang syang sumimangot while crossing her arms so tightly.

Hindi halatang sobrang nagtatampo ang prinsesa ko.

May awarding kasi ng pagiging vehicle inspector of the year sa Cebu na iinapalabas pa sa tv at sa lahat ng mga vehicle inspector na may roon si Athena ay ako na naman ang napiling manalo.

Sa bawat luxurious car company kasi na katulad ng kay Athena ay mayroong pinipiling pararangalan ang PGL or Prestige Global Luxury na vehicle inspector of the year kada taon at pang tatlong beses ko na ito sa magkakasunod na tatlong taon.

Ang PGL kasi ang nagsisilbing OSCAR sa business world na nagbbibigay ng parangal sa mga outstanding na empleyado at nagpapadala sila ng dalawa hanggang limang tao sa lahat ng branch pati na sa main branch ng bawat car company  na magsisilbing taga inspeksyon kung sinong nararapat na bigyan ng parangal.

Sa madaling salita, walang kinalaman si Athena sa pagbibigay sa akin ng parangal kaya makakatanggap ako muli ng gano'n ngayong taon.

Kung sya kasi ang mamimili ng vehicle inspector na makakatanggap ng award ay alam nyo na, kahit siguro sa pinakahuli-hulihan ng listahan ay hindi pa rin ako masasama.

Dahil ako ang napili at tatayo mamayang gabi sa awarding night bilang representative ng kompanya nya, asahan nyo nang abot langin na naman ang galit no'n sa akin.

Natitiyak ko ring kagabi pa yun nagawawala matapos i-announce ng PGL ang mga final awardees dahil sa lahat ba naman ng mga vehicle inspector na mayroon sya dito sa pilipinas at sa iba't ibang dako ng mundo ay ako na naman ang napili.

Gano'n kasi sya sa dalawang taon na lumipas na napipili ako.

Nagkataon lang na hindi nya ako nabigyan ng sampal at nabato ng kung ano-ano kahapon no'ng nagtatrabaho ako dahil hating gabi na inannounce 'yong mga final na pararangalan.

Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako pwedeng magpakampanti dahil siguradong mamaya nya ako hahambalusin.

Ni minsan kasi ay hindi pa sya kailanman nagpadala ng kahit na sinong magsisilbing representative nya pagdating sa mga pagtitipon tungkol sa negosyo kaya kahit tagos buto ang pagkadisgusto nyang naroon ako, aattend pa rin 'yon.

"Anak sige na, pansinin mo na ang papa," pakiusap ko pang muli pero deadma pa rin kaya inihinto ko muna ang sasakyan para makapag-focus ako sa pagsuyo sa kanya.

Bago kasi ako pumuntang airport ay idadaan ko muna sya sa tita RepRep nya na isa mga kapatid na babae ni kuya Mason na abogado rin tulad nya.

Matapos ang halos isang oras na panunuyo ay napaamo ko rin sya sa wakas. Kapag ganito kasing nagatatampo sya tungkol sa pag-alis ko papuntang malayo ng hindi sya kasama ay sobra talaga syang nagtatampo.

Matapos ko syang maihatid sa tita RepRep nya ay dumiritso na ako sa airport at bago ang oras ng departure ko ay nakatanggap pa ako ng tawag mula kay tito Dimitri.

Pinpilit pa rin akong gamitin  'yong private jet nya sa halip na sumakay sa pampublikong eroplano na kagabi ko tinatanggihan dahil bukod sa hindi ko naman 'yon kailangan, may ticket na rin ako't heto nga't pasakay na.

Nitong mga nakaraang taon ay panay ang tanggi ko sa mga inaalok nya kaya sa tuwing ginagawa ko 'yon ay nangangako akong babawi sa pamamagitan ng pagsama sa kanya sa pamimingwit. Iyon lang kasi ang kaligayahan nya dahil sandamakmak ang pagmamay-ari nyang farm na may ilog kada bukid.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now