𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 5

186 33 0
                                    

HUNTER

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero nanatili pa rin sa isipan ko ang pilit na ipinaglalaban ni Harper sa dalawang nyang kuya tungkol roon sa dahilan kung bakit hindi pa nagpapakita si Athena. 

Tutol din naman sana ako roon pero hindi lang talaga mawala  sa isipan ko ang bagay na ‘yon kahit anong gawin kong pagbabalewala. 

“Papa bakit po ikaw papasok? ‘di ba po sabi ni daddychuchu at mommy gan-gan dito lang po muna ikaw sa house?”

Itinigil ko saglit ang pag aayus ng sinturon nang marinig ko ang kyut na kyut na boses na ‘yan ng aking prinsesa. 

Sinasabi ko na nga ba’t kwestyunin nya ako dahil kanina pa nya ako pinagmamasdan simula nung pumasok ako sa banyo ng maaga para maligo. 

“Okay na si papa anak. Kaya ko na pumasok sa trabaho”

Sa naging tugon ko’y nag abot naman agad ang perpekto nyang mga kilay. 

“You’re lying papa. You’re not yet okay po. You’re not so magaling pa po”

Kahit medyo tumatalim na ang tingin nya sa akin dahil sa panenermon ay ang kyut pa rin nya sa paningin ko. 

“Magaling na ako anak, look oh, wala na ‘yong mga paso ni papa” pangungumbinsi ko pa dahil magaling naman na talaga yung mga sugat ko mula sa mukha hanggang sa leeg. 

“No papa dito lang po ikaw sa house. Hindi po ikaw alis. Hindi po payag Huntress Rae.” Sunod-sunod at nakapameywang pang tutol ng prinsesa dahilan para mapabuntong hininga na lamang ako. 

Inaasahan ko naman na ang ganitong ganap pero iba pa rin talaga kapag on the spot na. 

“Anak,” bumaba ako’t lumuhod para makapantay sya. “Ilang araw nang absent si papa.. kailangan ko nang pumasok”

“No papa. Your body and health are more important than your work so NO.”

Lihim na natawa na lamang ako sa inaasta nya. 

Sa halip kasi na masindak ay namamangha pa ako sa tuwing ganitong lumalabas ang ugali ng mommy nya sa kanya.

Dahil alam ko na ang kahahantungan ko sa ganitong sitwasyon, kusa na lamang akong tumigil at hindi na ipinagpilitan pa ang kagustuhan kong pumasok  dahil ako lang din ang mahihirapan kapag sobrang nagtampo sya. 

Thankfully, pumayag na rin sya kinabukasan nang nagpaalam ako ulit.

Ang hirap talaga kapag may mahigpit na baby boss haha. 

“Zivj!” hindi pa man din ako nakakaapak sa sahig ay sinalubong na ako ng mahigpit na yakap o mas magandang sabihin ay mahigpit na sakal nitong magaling na si Estella na mukhang kararating lang din. 

“Kumusta? ayus ka na ba talaga? wala bang masakit sa’yo?” puno ng pag-alala nyang tanong at sinipat pa ako kung saan-saan. 

“Ayus lang ako ano ka ba” natatawa kong saad matapos syang pabirong itinulak. 

Pero dahil likas syang OA, nagkunware agad syang nasaktan ng sobra sa ginawa ko. 

Babaeng ‘to talaga kahit kailan. Makaasta parang hindi kami nagkita kahapon. 

Wala na nga pala sya sa bahay dahil nagkabati na sila ng papa nya at nagkalinawanagang wala na dapat pagpapalayas na mangyayare alang-alang kay tita Noria. 

Isang linggo na ang nakakaraan simula nang bumalik sya roon. Sana lang talaga’y tuloy-tuloy na ang pagbabati nila ni tito Gabby at hindi na ulit aabot sa puntong palalayasin na naman sya nito.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now