𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 8

261 35 0
                                    

HUNTER

“Hatid na kita” ani ko pagkatapos naming kumain.

Pero nung maalala kong wala pala akong sasakyan dahil hinatid nga lang pala ako rito ni manong Manuel ay napakamot batok nalang ako sa hiya.

“It’s alright. We can tell manong to let you drive”

Gulat na ibinaling ko muli ang tingin sa kanya.

“Talaga?” natitiyak kong hindi na maikakaila ang saya sa mukha at boses ko ngayon pero agad naman yung napalitan ng pagtataka nang may maalala ako ulit. “Pero paano si manong?”

“I can call Marlon to fetch him up”

“Ahhh” si kuya Marlon nga pala yung isa pa nilang family driver na mas bata kesa kay manong Manuel.

Nang dahil dun ay hindi ko mapigilang mapangiti nalang habang tinatahak namin ang daan palabas.

Secret exit ang gamit namin dahil kung hindi, pagtitinginan lang sya ng lahat ng mga taong kumakain doon dahil wala namang mayamang hindi nakakakilala sa kanya.

Pagkalabas namin ay naroon na agad nakaabang si manong Manuel at nung sinabi ni Athena yung pinag-usapan namin kanina ay agad naman itong pumayag.

Tuwang-tuwa pa nga sya at parang mas masaya pa sya kesa sa akin tapos hindi pa talaga ako nakalimutang bigyan ng  pasimpleng kindat habang may nakakalukong ngiti sa mga labi.

Malapit kami sa isa’t-isa ni manong Manuel noon pa man kaya gano’n na lang sya kung mang-asar sa akin.

“Saan nga pala kita ihahatid?” tanong ko habang nasa seatbelt ang atensyon.

“Anywhere you want”

Saglit akong napatigil sa ginagawa.

“Anong ibig mong sabihin?” taka kong tanong matapos syang  balingan ng tingin.

Kahit saan ko gusto? ano naman yun?

“I mean, I don’t really have anywhere to go so.. ikaw na ang bahala”

Natawa na lang ako dahil sa hindi inaasahang pagtatagalog nya.

Hanggang ngayon pa rin pala’y bulol sya.

Talo pa sya ni baby Huntress.

Oo nga’t bulol din ang prinsesa kong yun pero mas malala sya.

“Why are you laughing.” Agad ko namang pinaseryoso ang mukha ko nang bumalik sa normal ang boses nya.

Yun bang intimidating at boses hindi nasisiyahan sa lahat ng bagay.

T-Tumawa ba ako?” pagdedeny ko pa na ikinairap nya.

Awkward na pinaandar ko nalang tuloy ang sasakyan at itinutok ang tingin sa harap sabay sabing, “Alis na tayo”

“Is my tagalog that bad?” rinig kong tanong nya kalaunan.

“Hmm.. hindi ka lang sanay,” tanging sagot ko lang.

“Then why did you laugh at me?”

Lihim na napangiwi na lang ako.

Gusto ko sanang sabihin ang totoo na nakukyutan ako sa kanya pero hindi ko kaya.

Kaya ang ginawa ko nalang ay magpanggap na walang narinig at nagpatuloy lang sa pagmamaneho ng walang direksyon.

Speaking of walang direksyon, binalingan ko ulit sya upang tanungin tungkol roon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now