𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 7

232 37 2
                                    

HUNTER

“Maraming salamat” ani ko sa dalawang babaeng naghatid sa akin rito sa VIP na pina-book ni Athena para sa aming dalawa.

Medyo nagulat pa ako nung hinatid ako rito ng driver nya dahil nitong mga nagdaan ay ako lang ang nanlilibre sa kanya.

Hindi naman din kasi kamahalan ang pinagdadalhan ko sa kanyang mga restaurant at pumapayag naman sya kahit buong buhay nya ay sa kilala tyaka mamahaling restaurant lang sya palagi kumakain.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ko syang dalhin sa mga low class lang na mga kainan.

Kung doon ko kasi sya dadalhin sa mga restaurant na nakasanayan nya ay baka wala pang isang linggo, wala na akong maipapakain sa anak ko.

“You’re welcome po”

“Enjoy po kayo”

Tugon naman nila habang pareho paring namumula ang magkabilaang pisngi. Nasobrahan pa yata sa paglalagay ng blush.

Tinugon ko naman sila ng sinserong ngiti bago pa man sila tutuluyang makalabas ng silid.

Kung ikukumpara sa inaasahan ay hindi ganun katagal ang ginawa kong paghihintay dahil dumating din naman agad ang babaeng sinalo yata ang lahat ng ganda sa mundo pagdating sa pisikal na anyo.

Habang buhay na yata akong mamamangha sa ganda nya dahil palagi pa rin akong namamangha tuwing nakikita ko sya.

“Magandang tanghali, upo ka” masigla kong bati sa kanya kaagad at inalalayan syang umupo.

Eleganteng tinananguan nya lang ako bilang tugon pero kuntento na ako dun lalo na’t nagpakawala rin sya ng simpleng ngiti.

Matapos yun ay binalot agad kami ng katahimikan kaya napagdesisyunan kong magsalita muli.

“Bakit nga pala tayo nandito?” kaswal kong tanong dahil sa napapadalas naming pagkikita at pag-uusap ay unti-unti na akong nagiging komportable ulit sa kanya tulad ng dati.

Not totally pero mas relax na ako ngayong kausapin sya kung ikukumpara naman dun sa mga panahong pinapatay nya na agad ako gamit lang ang mga mata nya.

“Nothing. Just want us to talk in a place.. more private”

Sa naging tugon nya’y nakumpirma ko namang tama ang kutob ko simula pa lang na may importante kaming pag-uusapan o di kaya may importante syang sasabihin kaya nya ako inimbitang kumain ngayong araw ng linggo.

Kakapatulog ko pa lang kasi nun kay baby Huntress matapos mananghalian no’ng tumawag sya.

Hindi ko na binanggit na tapos na akong kumain nang sabihin nyang sa restaurant na ito nya kami gustong magkita dahil baka sya itong hindi pa kumain.

 “Gano’n ba.. ano namang pag-uusapan natin?” curious ngunit alanganin ko namang tanong.

“Let’s order first” tukoy nya naman sa menu na parehong nasa kanan namin.

“Sige” alanganin man ay binuklat ko narin iyon tulad ng ginawa nya. 

Pamilyar naman ako sa mga pagkaing mayaman kaya kahit papaano ay hindi ako mapapahiya sa pagpili at pagbigkas sa mga pangalan ng pagkaing oorderin ko.

Tyaka may pera rin akong pambayad kaya keri lang. Basta huwag lang araw-arawin.

Paano ba naman kasi, starters pa lang nakakabutas bulsa na. Kaya ang ginawa ko, isang main course lang ang inorder ko at wala ng side dish tyaka dessert.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now