𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 6

272 35 1
                                    

HUNTER

“Zivj.. wuy sige na..”

“Mamaya”

“Ehh!!! ngayon na kasi!!” dabog nya pa kaya itinigil kong muli ang ginagawa.

Nagtutupi kasi ako ng mga damit namin ni baby Huntress at hindi ko na mabilang pa kung ilang beses akong humihinto dahil sa pangungulit nitong magaling na Estella.

Mayroon kasi syang gustong malaman na ilang linggo nya nang kinukulit sa akin. 

“Ang ingay mo natutulog inaanak mo” saway ko na lalong ikinagusot ng mukha nya. 

“Apaka mo talaga! ilang linggo ka nang mamaya! ‘di na ako papadala dyan sa mamaya-mamaya mo!”

Napailing nalang ako dahil kumpara nitong mga nakaraang linggo ay mukhang mas pursigido na talaga sya ngayon. 

“Okay, ganito nalang, sasabihin ko sa’yo basta manahimik ka hanggang sa matapos ako rito. Deal?”

“Abah deal!” agad nyang sagot na hindi ko na ikinagulat. 

Ganyan kasi ‘yan. Kahit ilang oras mo hindi pagsalitain basta ‘yong kapalit ng pananahimik nya ay mga impormasyong ikamamatay nya yata kapag hindi nya nalaman ay gagawin nya talaga. 

Ang lala po hindi ba? 

Tulad ng napagkasunduan ay hinintay nya talaga ako hanggang sa matapos.

At dahil wala naman na talaga akong magagawa this time, inihanda ko nalang ang sarili sa pagtatapat sa kanya ng mga gusto nyang malaman. 

“Zivj! Naghihintay ako!”

“Teka lang. Hindi pwedeng umayos muna ng upo?” sarkastiko kong tugon na ikinairap nya naman ng malala. 

“Tsk. Naninigurado lang”

“Chismosa ka lang” banat ko pa kaya tuluyan nang may lumipad na unan sa deriksyon ko na syang ibinato nya. 

“Nagmamalasakit lang! che!”

“Pftt—nagnamalasakit? saan banda?” pang-aasar ko pa. “Sige na, heto, sasabihin ko na” agad ko namang dagdag nang akmang hahandusay na sya sa sahig. 

Napaka pa naman ng isang ‘to dahil daig pa ang bata kung humandusay. 

 “Mula umpisa ha. Baka mamaya ishort-cut mo lang”

“Oo na. Apaka demanding nito” ngiwi kong tugon bago sya binigyan ng pasimpleng batok. “Ano?” banta ko sa kanya nang akmang gaganti nya ako. 

“Magkwento ka na nga! bakit bigla nalang kayong naging close no’ng bruhildang yelo na ‘yon!”

“Tsk oo na! baka umiyak ka pa.” ngisi kong pang-aasar. “Tyaka maka bruhildang ka ha. Boss mo pa rin ‘yon.”

“Boss na kung boss BRUHILDA pa rin sya.”

Napailing na lamang ako. 

“Wuy”

“Oh?”

“Yong tanong ko abah”

“Tsk. Naalala mo no’ng nakaraang tatlong linggo? tanghalian nun nung pinatawag nya ako”

“Oo naman. Kinabukasan kasi nun para na kayong sinapian dalawa”

“Aba’t—” bago ko pa man sya mabato ng suklay na nasa tabi ko lang ay todo angat na sya ng mga kamay nya bilang panangga. 

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now